Jeoff's POV.
Hindi ko magawang ngumiti ngayon dahil sa lahat ng babaeng kalaban namin ngayon ay lalake pa ang tumapat sa akin. Yuck! Hindi ako kailanman magkakainteres sa lalake. Bakla yata ang isang ito dahil sa akin pa siya pumunta. Ang pangit naman ng itsura niya. Puro dugo ang mukha niya at kulay black lang na malaki ang kulay ng mata niya.
Hindi ko muna pinakita sa kaniya ang kapangyarihan ko dahil gusto ko munang malaman ang sa kaniya. Nakasimangot ang bibig ko, pero deep inside ay natutuwa at humahanga ako sa sarili ko. Ganito ang paraan ko sa pakikipaglaban.
Hindi ko pinapakita agad ang lakas ko hangga't hindi ko pa nakikilala kung sino ang kalaban ko ngunit kapag napalabas ko na ang kakayahan niya ay saka ako sumugod para talunin siya gamit ang sarili niyang kahinaan.
Nagiging mainit na ang paglalaban ng nasa paligid namin, pero ang kalaban ko ay nakipagtitigan lang din sa akin.
Anak ng- lalake naman e. Naikuyom ko ang dalawa kong kamao habang nakatingin sa kalaban ko. Napahakbang ako ng isang beses paabante, pero agad din akong napabalik sa puwesto ko. Susugod na sana ako sa kaniya, pero naalala ko ang pananaw ko.
"Come and try to kill me. Let see if you can." Sinadyan kong maging arogante ang tono ng pananalita ko para asarin siya.
Tiyak na kapag naasar na siya ng sobra sa akin ay kusa ng kikilos ang katawan niya at susugod sa akin gamit ang kapangyarihan niya. Ngumisi ako sa kaniya kahit na nanatili lamang blanko ang itsura ng mukha niya.
Bakit pakiramdam ko ay ako ang mas naaasar kaysa sa kaniya?
Napakunot ang noo ko ng biglang lumakas yata ang mga tunog at ingay sa paligid at ilang saglit pa ay humina ulit ito at lumakas na naman. Hindi naman umalis ang kalaban ko sa kaniyang puwesto.
Nanlaki lang bigla ang mata ko ng makita kong tumutulo ang isang masaganang dugo sa ulo niya habang nakangisi siya sa akin. Pagkatapos ay parang umagos pabalik ang dugo sa kaniyang buhok. Doon ko na napansin na parang may kakaiba.
Pinikit-pikit ko ang aking mata at habang kinukusot ito. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa kalaban ko. Napatalon at napasigaw ako ng makakita ng isang cobra sa aking harapan at matalim ang mga matang nakatingin ito sa akin habang nilalabas-pasok ang kaniyang mahabang dila.
Napahinto ako sa pagsigaw ng marinig ang pagtawa ng kalaban ko. Doon ko lamang napagtanto na sobrang nakakahiya pala ang ginawa kong reaksiyon ngayon. Tsk! Sirang-sira na ang reputasyon ko bilang isang guwapong nilalang. Malamang ay hindi na ko lalapitan ng mga babae na nandito.
Hindi na bale. Hindi naman niya mababago ang natural kong anyo. Binigyan ko ng isang masamang tingin ang kalaban ko dahil sa pagtawa niya ngunit muling nanlaki ang aking mata ng literal na matunaw ang katawan ng aking kalaban.
May kakaiba talaga dito.
Pinikit ko ang aking mata at agad rin akong napadilat ng maramdaman na may sumangga ng balikat ko. Nakita ko si Blue Recca mula sa Dragonoid at kasalukuyang nakikipaglaban sa lalakeng gumagamit ng earth and air elements.
Ngayon ko lang ulit napansin ang mga tao sa paligid ko. Parang ang tahimik kasi ng paligid kanina.
'Lover Boy, look carefully to your opponent.'
Narinig ko sa aking isipan ang boses ni Blue Recca. Napalingon tuloy ako sa direksiyon niya at kinindatan siya kahit hindi naman sa akin nakatuon ang mga mata niya. Sa sobrang guwapo ko, pati ibang light guild ay nag-aalala na sa akin.
Lumingon ako sa aking kalaban na may ngiti sa aking labi ngunit agad ding nawala ang ngiting iyon ng mapagmasdan ko na ang kalaban ko.
Naging kulay itim ang buong katawan niya. Kulay itim rin na malaki ang kulay ng mata niya at may pangatlo siyang mata sa kaniyang noo na kulay pula. Bukod pa roon ay may lumalabas na dugo sa magkabilang mata niya na kulay itim. Nakangiti ang kaniyang manipis na labi. Wala siyang suot na kahit ano kundi ang pang-ibabang kasuotan lamang niya na may mahabang manggas. Humaba rin ang kaniyang buhok hanggang sa ilalim ng kaniyang kili-kili.
"Pasalamat ka at nakawala ka pa sa kapangyarihan ko dahil kung hindi ay baka naging habambuhay kanang alipin ng kapangyarihan ko."
Napakunot ako sa sinabi ng kalaban ko.
"Ako si Dark Ace at mayroon akong Eyes Darkness magic." dugtong niya pa sa sinabi kanina.
Natigilan ako pansamantala at mabilis na nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya. So, ang lahat pala ng nakita kong kakaiba kanina ay kagagawan pala ng kapangyarihan niya?
Naramdaman ko na kailangan ko na talaga ngayon magseryoso at maging alerto dahil sa mapanganib niyang kapangyarihan.
Hindi ako bagay maging alipin ng isang nilalang na pangit! Kaya mag-iisip ako ng paraan para matalo ko siya.
Alam ko na ang kapangyarihan niya, sa paanong paraan ko naman kaya siya tatapusin?
Pinikit ko muna ang aking mata bago ako sumugod sa kaniya. Alam kong wala sa ability ng kapangyarihan ko ang makipaglaban habang nakapikit, pero ilang beses ko ng nasaksihan si Stave na ginagawa yun kaya natutunan ko na ring gawin ito. Actually, lahat kami ng mga old Knight Raid Crusher.
Nagawa namin yun noong nakipaglaban kami sa kanila noon.
'Jeoff, can you hear me? Let's change our enemy.'
Napalingon ako sa direksiyon ni Horin at napahinto sa akmang pagsugod sa kalaban ng marinig ang boses niya sa isip ko.
Ngayon ay naalala ko na isa nga palang illusionist ang Horin na'to. He can tricks this enemy of mine just like the enemy did to me. Isa pa, babae ang kalaban ni Horin at hindi isang lalake. Biglang sumilay ang ngiti sa labi ko at saka tumango.
'Sure.'
Hindi na kami nag-usap kung paano magpapalit. Basta, pinasunod na lamang ni Horin ang kalaban niya patungo sa direksiyon namin ng kalaban ko. Nang maging magkatabi na kami ay nagpeace bump pa kami ni Horin sa isa't-isa bago nagpalit ng kalaban.
Agad akong sumugod sa kalaban ni Horin na master pala ng Red Butterflies Guild. Siya yung may hawak ng mga duguang organs. Kinalmot ko siya sa kaniyang mukha na agad nagsugat. Pagkatapos kong gawin yun ay mabilis akong lumayo sa kaniya.
Nakalimutan ko kasi na hindi ko pa nga pala alam ang kapangyarihang mayroon siya. Maganda kasi ang mukha niya kung wala lang itong dugo at sinubukan kong sugatan ito para malaman kung maganda pa rin siya kahit na may sugat na.
Nakatulala lang kasi siya sa akin. Nang maramdaman na niya ang pagdaloy ng dugo sa kaniyang mukha ay marahan niya itong hinawakan gamit ang kanan niyang kamay. Nang may makuha siyang dugo mula dito ay mabilis niya itong dinilaan na parang uhaw na uhaw sa dugo. Tumingin siya ulit sa akin.
"You are handsome. I will make you my follower," pahayag niya pagkatapos masipsip ang dugo sa kaniyang palad.
Hindi ako nakasagot at nakareact dahil sa ginawa niya. Did she really drink her own blood?