Alliexynne's POV.
Mabilis kong nilabas ang aking flute at pinatugtog ito. Ang kalaban na kaharap ko naman ngayon ay may lumabas na isang malaking sa tabi niya. Para itong kasing laki ng tao na nakasuot ng pambarbie doll. May tahi siya sa kaniyang pisngi at may umaagos din na dugo sa ulo niyo papunta sa kaniyang mukha. Nahihilo na nga ko dahil sa nakakasukang amoy ng dugo, pero hindi ko nalang iyon pinapakita sa kalaban at ininda dahil baka mawala ako sa concentration sa pagtugtog ng flute.
"Monnah, gutom kana ba?" tanong ng kalaban ko sa kaniyang puppet sabay tap sa ulo nito.
Nanliit ng onti ang mata ko ng sumirit bigla ang dugo sa ulo ng puppet dahil sa ginawa niya. Hindi ko rin magawang makaatake dahil nawawala ang konsentrasiyon ko sa pagtugtog ng flute.
Marahan kong ipinilig ang aking ulo upang maibaling ang aking buong atensiyon sa aking ginagawa subalit hindi ko maiwasang marinig ang pag-uusap ng kalaban ko at ng puppet niya.
Mabagal na tumango yung puppet sa tanong ng kalaban ko na may malawak na ngiti habang nakatingin sa akin na parang isang robot. Pati puppet ay nilagyan niya na ng pangalan. Isa lang ang masasabi ko sa guild na'to, nasisiraan na sila ng ulo.
Mas lalo kong pina-intense ang tono ng tinutugtog kong flute ng mabaling sa akin ang atensiyon ng kalaban ko.
"Kung ganon, kainin mo na ang pagkaing nasa harapan mo. Basta ay tirahan mo ko ng dugo, Monnah." Kinausap na naman ng kalaban ko yung puppet niya.
Muling tumango yung puppet sa kaniya at nagsimula na itong maglakad palapit sa akin. Pinatama ko ang aking mahabang buhok sa puppet at sa isang hampas ko lang dito ay agad na nawarak ang mukha nito subalit nanatili pa rin itong naglalakad papunta sa akin.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng marinig ang malakas na tawa ng kalaban na kumokontrol sa puppet.
"Hahaha. Nasira na naman ang mukha mo, Monnah. Tatahiin ulit kita at magkakaroon kana naman ng panibagong mukha."
Hindi ko mawari ang nasa isipan ng kalaban ko ngayon dahil kakaiba ang mga lumalabas sa bibig niya pati na rin ang kaniyang kilos. Ganunpaman, pinagpatuloy ko na lamang ang pagsampal sa kaniyang puppet gamit ang sking buhok at nang makahanap ako ng tiyempo ay ginamit ko ang aking second ability at nagteleport papunta sa harap ng kaniyang mukha ng matitigan sa malapitan ang isa't-isa.
Binigyan ko siya ng isang suntok sa kaniyang mukha at ako naman ang nagulantang ng makitang nagkaroon ng bitak ang kaniyang mukha dahil sa ginawa ko. Muling sumilay ang nakakakilabot na ngiti sa kaniyang labi. Dahil doon, muli akong nagteleport at bumalik sa kinalalagyan ko kanina.
Naging pala-isipan sa akin ang mangyari habang nakatingin ako sa direksiyon niya.
"Ako si Black at isa akong puppeteer. Pasensiya na kung nagulat kita. Isa na kasi akong taong puppet." Muli siyang humalakhak, pero sa pagkakataon na ito ay normal na ang halakhak niya.
"Sandali. . . Parang mas lalo kang naguluhan sa sinabi ko. Ipapaliwanag ko nalang sa'yo. Malakas ang master namin na si Black Death. Inayos niya ang katawang tao ko at ginawa akong isang buhay na puppet noong kinokontrol niya ko. Kaya naman naging taong puppet ako." Nakangiti niya pang paliwanag sa akin na mas lalong lumakas ang kapangyarihan ko.
"Hindi ko alam kung talagang nais niyang magmayabang sa akin tungkol sa kapangyarihan niya o talagang hindi niya lang talaga pinag-isipan na bigyan ako ng impormasiyon tungkol sa kaniya. Naalarma ako ng makitang malapit na pala sa kinalalagyan ko ang puppet niya. Kaya naman biglang nahati ang atensiyon ko sa kanilang dalawa.
I need to get rid this thing first. She maybe powerful than me, but I have my own strength that I can use to her. Pinagpatuloy ko ang pag-atake sa malaking puppet kahit na alam kong walang epekto sa kaniya ang pag-atake ko. Kahit na nagkalasoga-lasog na siya ay biglang nagliliwanag ang kaniyang katawan at nagkakaroon siya ng ibang itsura.
Ganunpaman, hindi pa rin ako nauubusan ng pag-asa na matatalo ko siya. Naniniwala kasi ako na may kahinaan ang bawat nilalang. Kailangan ko lang sumugod ng sumugod sa kaniya hanggang sa makita ko na ang kahinaan niya. Buti nalang at hindi rin sumusugod sa akin si Black kasabay sa pag-atake ko sa puppet niya.
Mas madali sa akin ang pagtayo lang ni Black ngayon. Sa kakaatake ko sa puppet ay may napansin akong kakaiba sa puppet. Kanina ko pa kasi sinisira ang pagmumukha at katawan niya. Nagbabago ang itsura ng puppet sa tuwing wasak na wasak ko na siya, pero may isang bagay na hindi nagbabago sa kaniya.
Yun ay laging may tahi ang kaniyang mukha. Hindi ko pa kahit kailan nakitang nawala ang tahi sa mukha niya, dahil sa bagay na yun nakaisip ako ng isang idea para matalo ko ang kaharap kong kalaban.
Tinigil ko ang paghaba ng buhok ko at inutusan ang mga ito na pumunta sa aking harapan. Napangiti ako ng makitang napakunot ang kalaban dahil sa kinilos ko. Habang naguguluhan pa siya sa ginawa ko ay binuhol-buhok ko na ang aking sariling buhok at ginawa itong isang malaking tahi katulad ng nasa mukha ng puppet.
Nakangiti akong humarap sa kalaban at sobrang nagdidiwang ngayon ang aking kalooban dahik sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang gulat at nangangamba niyang mukha. Mas lalo pa kong napangiti ng magpalit na rin siya ng kaniyang damit at ilabas ang kaniyang sariling armas na sinulid pala at humanda sa aking pag-atake.
Lumipas ang ilang segundo na nagpakiramdaman lamang kami habang nakatitig sa isa't-isa hanggang sa sabay kaming nawala upang umatake na sa isa't-isa. Bago pa siya makalapit sa akin ay nagteleport na ko palayo sa harapan ng kaniyang puppet at agad na winasak ang tahi na nasa mukha niya. Napalayo ako aa puppet ng marinig ko ang pagsigaw nito dahil sa ginawa ko na sinabayan pa ni Black.
Hindi ko mawari kung bakit sa isang iglap ay napahandusay pareho si Black st ang kaniyang puppet sa sahig dahil sa ginawa ko. Higit pa doon, dumadaloy ang maraming dugo sa kanilang ulo.
Doon lamang nagsink-in sa aking isipan na maaaring konektado silang dalawa. Kaya sa oras na malaman ko ang kahinaan ng puppet at matalo ito ay tiyak na matatalo ko na rin si Black.
Naaawa talaga ako sa itsura nila ngayon, pero mayroon akong isang napatunayan sa kanila.
"Being smart is more useful than your power."