Horin's POV.
Hindi ako makapaniwala na kaharap na namin ang aming mga kalaban ngayon. Hindi namin inaasahan na magpapakita sila sa gitna ng kagubatan kung saan patungo sa guild nila. Lahat kami ay nakakunot ang noo, umikot bigla ang sikmura at ano mang oras ay maaaring masuka dahil sa dala-dala ng babae na nasa gitna. Sa tingin ko, siya ang master nila.
May hawak-hawak siyang mga sariwang laman ng tao at ang dugo nito ay nagkalat sa kaniyang kamay at tumutulo sa lupa. Ang iba naman niyang kasamahan ay may mga bahid din ng dugo sa magkakaibang parte ng kanilang katawan.
Nang makita nila ang masuka-sukang itsura namin ay sumilay ang isang nakakakilabot na ngiti sa kanilang labi.
"Red Butterflies. . ." mahinang usal ko ng maiwasto ang sarili kong pag-iisip.
Tama nga ang sinabi sa amin ni Seles bago kami umalis ng guild. Binalaan niya kaming tatlo nina Allixynne at Jeoff na ang Red Butterflies ay ang pinakakakaibang darkguild sa lahat. Pinapatay nila ang sino mang naisin nila maging ang light guild man o kabilang sa tulad nilang darkguild.
Bukod pa doon, sila rin ang klase ng guild na labis na nahuhumaling sa amoy at kulay ng dugo ng isang tao. Kaya naman lahat sila ay parang isang taong nangangain ng kapwa tao ang itsura ng mukha na may bahid na dugo sa ilang parte ng kanilang katawan.
May iba pa nga na nagsabi mula sa mga master ng light guild na kapag tuyo na raw at hindi na sariwa ang dugo na nasa katawan nila ay saka sila naghahanap ng bibiktimahin para makakuha ulit ng sariwang dugo at ipangligo sa kanilang katawan. Pinakamababa na ang tatlong tao sa tuwing papatay sila kaya maging ang mga pinuno sa magic world ay nababahala sa guild nila.
Nagbalik ang isip ko sa realidad ng humakbang ng isa palapit sa amin ang pinuno nilang may hawak ng mga organs.
"Kumusta? Nais niyo bang makipaglaro sa amin? O nais niyong ialay ang sarili niyong sariwang dugo?"
Inaamin kong tumaas ang balahibo ko dahil sa sobrang creepy ng boses ng pinuno nila. Hindi pa rin ako gumagalaw maging ang mga kasama ko, pero isa-isa na kaming nagpalit ng aming damit pangdigma habang hindi inaalis ang paningin sa kalaban.
Sa sitwasiyon namin ngayon ay kapwa namin sinusuri ang kakayahan ng bawat isa. Hanggang sa biglang naglaho sa paningin namin ang mga kalaban at sa isang iglap lang ay napunta ito sa kaniya-kaniya naming harapan.
Nasa harapan ko ngayon ang pinuno nila na may hawak ng mga organs. Nakarating sa akin ang pag-aalala nina Alliexynne at Jeoff ng banggitin nila ng sabay sa aking isipan ang pangalan ko.
Huminga ako ng malalim at mabilis na inipon ang aking kapangyarihan para sa paghahanda na kalabanin ang kalaban ko.
Selestine's POV.
Mabibigat ang mga paa ko habang naglalakad ako patungo sa Savanna Mountain. Hindi ki alam kung gaano kalukot ang mukha ko ngayon dahil sa inis ko. Kulang na nga lang ay may lumabas sa ilong kong usok para mas makita ang inis na nararamdaman ko ngayon.
Kung tatanungin niyo ang dahilan ng pagsimangot ko, yun ay dahil naiinis na naman ako sa Blue Boy na yun. Yung nag-iisang gitara kasi na dinala ko mula pa sa ordinaryong tao ay hiniram niya sa akin at nang gagamitin na niya yung gitara ay biglang lumabas ang mga kadena sa kaniyang kamay at nasira tuloy ang gitarang pinakaiingatan ko.
Mas lalo akong nainis sa kaniya dahil bigay pa sa akin yun ni Jastine at yung time na yun ay sinabi ko sa kaniya, pero hiniram niya bigla at sinira.
"Tsk! Kainis talaga!" sigaw ko sabay sabunot sa sarili ko.
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng may magsink-in sa utak ko. Pagkatapos ay napalingon ako sa paligid. Nakahinga ako ng malalim ng makitang wala namang tao sa paligid. Mahirap na dahil baka mapagkamalan akong may sira sa ulo dahil sa kinikilos ko. Masira pa tuloy ang reputasiyon ng Knight Raid Guild.
Nang matanaw ko na ng malapitan ang Savanna Mountain sa sikretong daanan na tinuro sa akin ni Kurt dati ay napangiti ako. Muli kong hinawi ang natitirang malalaking d**o na nasa harapan ko at nang marating na ang malalaking bato paakyat ng Savanna Mountain ay muling sumilay ang ngiti sa aking labi.
Hahakbang na sana ako paakyat, pero naalala ko na ilang oras pa pala ang aabutin bago maakyat ang pinakatuktok. Nanghihina nalang akong napaupo sa malaking bato. Sayang. Bilang isang mind magic user ay kailangan ay mapanatili kong kalmado ang sarili ko.
Nakasimangot akong nagmasid-masid sa aking paligid at saka muling napatayo ng may maisip na isang magandang idea. Pinikit ko ang mga mata ko at pinagdikit ang dalawang palad ko para mas dumaloy sa aking katawan ang aking kapangyarihan. Pagkatapos ay pinakalma ko naman ang aking isipan bago mag-isip.
'Bring me to the top of Savanna Mountain.'
Hindi ko na tinangka pang dumilat dahil baka mawala pa ako sa concentration kapag nakita ang sarili na nakalutang sa ere at bigla pa kong malaglag dahil dito.
Tumigil ang pag-angat ko sa ere at dahan-dahan akong binaba ng hangin sa lupa. Doon ko lamang iminulat ang aking mata at saka ngumiti ng malapad.
"Salamat, kaibigang hangin." Naramdaman ko ang pagsagot nito dahil sa paghangin nito ng malakas sa aking balat.
Inunat ko ang aking dalawang kamay at saka naglakad malapit sa dulo ng Savanna Mountain. Nakaramdam ako ng kagalakan tulad ng una kong punta dito ng muli kong masilayan ang ganda ng kabuuan ng magic world. Sa paglipas ng ilang dekada, masisilayan pa kaya ng bagong henerasiyon ang kagandahan niyo?
Naalala ko bigla sina Alliexynne, Jeoff at Horin. Umalis sila ngayon para kalabanin ang huling natitirang dark guild. Sana naman ay ayos lang sila lalo na at kakaiba ang guild na kakalabanin nila.
Nag-aalala rin ako para kay Brynna. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin alam ang tungkol sa babaeng nagsasabi na ina raw niya. Pagkatapos si kuya Iahn pa. Sa tuwing nakakasalubong o nakikita ko siya ay parang lagi siyang lutang at wala sa sarili. Wala naman siyang sinabing problema maging sa iba naming kasama. Kaya sana ay okay lang talaga siya.
Nagbalik sa realidad ang isipan ko ng may kumalabit sa aking likod. Mabilis akong lumigon dito at sa gulat dahil sa nakita ay muntikan pa kong malaglag sa bundok. Buti na lamang at agad akong tinulungan ng kumalabit sa akin at hinila ako palapit sa kaniya.
Tumaas bigla ang balahibo ko ng magkadikit ang aming balat kaya agad akong lumayo at muling tumingin sa kaniya. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.
Siya yung babaeng nakausap at nagturo ng kapangyarihan ko doon sa bahay ni Ms Yukii. Sa pagkakaalam ko, siya si. . .
"Ms Brittaney Loraine," nakangiti kong usal sa pangalan niya.