Chapter 18

1221 Words
Selesstine's POV. Kasalukuyan akong naglilibot sa mundo ng magic world kasama si Kurt. Sa totoo lang, hindi talaga siya ang gusto kong makasama. No choice lang ako dahil injured ang kuya ko. Si Brynna ay gising na, pero kailangan niya pa rin magpahinga. Sinasamahan siya ngayon nina Alliexynne at ng iba pa. Yung iba namang miyembro ay binantayan si Kuya Iahn. Nahihiya pa rin ako sa sarili ko hanggang ngayon sa tuwing naalala ko ang mga sinabi ko kay Kurt noon kahit binura ko pa ang alaala niya tungkol doon. Kaya naiilang pa rin ako sa tuwing masasalubong o makakasama ko siya. "Ano ba yang pinagawa mo sa Hari at Reyna? Bakit nilagyan mo ng kahoy ang likod ng mga kabayo? May galit ka ba sa kanila?" Nawala ang ilang na nararamdaman ko kanina at lumuha na ang mata ko dahil sa kakapigil ko ng tawa. Kung iisipin na ihanay ang kasaysayan ng magic world sa kasaysayan ng ordinaryong mundo, nasa panahon ito ng mga sinaunang pamumuhay dahil sa ekonomiya at uri ng pamamahalang mayroon sila. Samantala, agad na nagsalubong ang dalawang kilay ni Kurt ng makita ang itsura ko. Umubo ako kunwari para mawala ang aking tawa at makapagpaliwanag ng maayos sa kaniya. "Kasi napansin ko na wala kayong ginagamit na transportasyon para magtungo sa isang lugar. Naaalala mo yung mga sasakyang nakita mo sa mundo na pinanggalingan ko? Parang ganon yung pinagawa ko sa kanila, pero mabagal nga lang ang kabayo kumpara sa mga iyon. Kalesa ang tawag sa transportasyon na pinagawa ko. Alam ko ring hayop ang transportasyon na yun hindi katulad ng iba na walang buhay, pero malaki naman ang naitutulong nito at hindi nakakasira ng kalikasan o ng kapaligiran. Hindi naman kailangan ng magic world ng higit pa sa kailangan, hindi ba? Doon kasi sa amin, sa sobrang hangad na magkaroon ng magandang transportasyon ay naisasantabi at hindi na nila napapansin ang nadudulot nito sa iba pang aspeto. Sa tuwing naglalaban ang ekonomiya at environment, ekonomiya ang laging nananalo." Hindi ko namalayang napahaba na pala ang pagsasalita ko at nakatulala na si Kurt sa mukha ko habang nakikinig sa akin. Para mawala ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa pisteng si Kurt ay bumili ako ng candy sa mga taga-magic world na nagtitinda. Ito pa, mahika ang bayad sa kanila at hindi pera. Pagkatapos yung istilo ng pagkain, dapat ko pa rin bang baguhin? "Hindi ko alam na maka-kalikasan pala ang tulad mo. Hindi halata." mahinang komento ni Kurt at talagang nanlaki ang butas ng ilong ko dahil sa sinabi niya. "Ano ngayon ang gusto mong iparating? Na mukha akong mahilig manira ng kalikasan? Sinabi ko lang ang lahat ng ito dahil mayroong bagay na magkapareho kami. Tss." Inis kong bulyaw sa kaniya at saka siya tinalikuran at nauna ng maglakad. We have something in common. Dahil kahit hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako ng higit pa sa kaibigan ang kaya ibigay sa akin ni Kurt. Muli kaming naglakad at namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Kaya bago pa gumapang ang pagkailang na nararamdaman ko ay una ko ng binasag ang katahimikan. "Nakita mo ba yung babae mula sa skull of dragon na kahawig ni Brynna?" Napansin ko ang pag-iiba ng atmosphere sa pagitan namin ni Kurt dahil sa sinabi ko. "Sa totoo lang, Seles. Naalala ko na binilin sa atin na huwag muna tayong magbanggit tungkol diyan." Napahinga ako ng malalim dahil sa sagot ni Kurt. Akala ko kasi kung ano ang sasabihin niya. "Alam ko naman yun. Tss. Pero, kung sakali man na kamag-anak talaga siya ni Brynna ay tiyak na may magbabago." Hindi sumagot sa akin si Kurt at sa halip ay huminto lang siya sa paglalakad. Kaya naman kunot-noo akong huminto at masama siyang tinitigan. Napansin ko na may nakatingin sa likuran ko kaya napalingon ako doon. Natigilan ako ng makita si Brynna at Kendrix na parehong nakangiti sa akin. "Sinong kamag-anak ko, master?" tanong ni Brynna. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napatingin kay Kurt na tahimik lang sa isang gilid. "Ah. . . Kasi. . . Ano. . ." Nauutal ako ng sobra at napapalingon sa direksiyon ni Kurt. Kainis talaga siya. Hindi man lang ako tulungan dito. Tsk. Magsasalita na sana ulit ako ng mapansin na parang nagpipigil ng tawa si Kurt. Kaya muli akong lumingon kay Brynna at Kendrix. Nanlaki ang mata ko ng makitang unti-onting nagf-fade sila hanggang sa naglaho. Masiyado akong nabigla sa nangyari kaya napatakbo ako kay Kurt at nanginginig na nagtago sa likuran niya. Sinasabi ko na nga ba na hanggang dito sa magic world ay may multo. Ultimong umaga ay nagpapakita sila. Ha? Hindi ba masiyadong matapang ang multo at nagpakita siya sa umaga tapos may ilang tao pa sa paligid? "Lumabas kana, Dark." utos ni Kurt sa kung kanino. Mula sa isang puno ay lumabas si Horin na nakangisi sa akin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Horin at sa kinatatayuan nina Brynna at Kendrix kanina. Nang marealize ko kung ano ang nangyari ay masama ang tingin kong tinitigan si Horin. "Great. Your illusion magic is very useful." Inis kong saad sa kaniya at saka akong fake na tumawa. "We just thought that you will split something if we do that since you are the master of our guild. Teachers will tell to all the master about everything, right?" paliwanag ni Horin ng makalapit siya sa amin ni Kurt. 'We' yung ginamit na word ni Horin at dahil doon ay napalingon ako kay Kurt. "Tss. Kunwari ka pang may bawal na pag-usapan, may gusto ka rin naman palang malaman. Diyan na kayo." Sa sobrang inis ko ay iniwan ko silang dalawa ng hindi na hinintay pa ang kanilang sasabihin. Naglakad-lakad ako mag-isa sa loob ng school ng magic world kahit na med'yo sumasakit na ang paa ko. Nakakainis talaga! Paano ba ko nagkagusto sa lalakeng yun? Kung puwede ko lang patigilin ang t***k ng puso ko sa lalakeng yun. Isang buntong hininga ang napakawalan ko ng umupo ako sa isang malaking bato. Tama. Kailangan ko palang bigyan ng pansin ang tungkol sa pag-iimpluwensiya ko sa magic world. Namimiss ko na kasi ang mundo ng mga ordinaryong tao kung saan may wifi at maraming masasarap na pagkain bukod sa candy. Yun ang plano ko. Ang paunlarin ang lahat ng bagay sa magic world. Napabungisngis ako ng mahina dahil sa idea na naisip ko ngunit agad din akong napalingon sa paligid dahil baka may nakakita sa aking tumawa. Mapagkamalan pa kong nasisiraan ng ulo. Nakahinga ako ng maluwag ng masiguro na wala namang nakakita subalit sa paglingon ko sa aking harap ay nagulat ako ng makitang may nakapatong na palang knightangle sa lap ko. Nakatitig siya sa akin ng matagal at parang nabato ako sa kinauupuan ko dahil nakikiramdam ako sa kaniya. Samantala, katulad ng dati ay may nilabas siyang papel sa kaniyang bunganga. Mabilis ko iyong kinuha at binasa. Nagsalita pa ulit yung knightangle bago lumipad papalayo. Nang basahin ko ang papel ay hindi na ko nagulat sa nilalaman nito. Ilang tao pa ba ang kailangang masugatan para lang huminto ang kasamaan sa mundong ito? Maganda ang lugar ng magic world dahil para itong paraiso kaya lang ay may mga tao talaga sa lugar na ito na hindi gustong makita ang kagandahan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD