Iahn's POV.
"Wish granted." Ngumisi ako sa kanya ng makita ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. "Wish granted your face. I promise to my sister that I will never fall to the likes of you again. I will never sacrifice or fight with my comrades again. I belong to the light guild called Knight Raid and it is one of my duty to protect my comrades with my own hands."
Bumalik sa dati ang itsura ng mukha niya at mas lalong sumama pa ang kanyang aura.
"Hindi mo ba naiintidihan ang sinabi ko? Pinagkakait mo ba sa kaibigan mo ang makita ang sarili niyang ina? Anong klaseng kaibigan ka ba?" ramdam ko ang galit at pagkawala ng pagiging kalmado ng kausap ko dahil med'yo lumakas na ang kanyang boses. Alam ko rin kung ano ang gusto niyang ipunto subalit nanatili pa rin akong matigas.
"Ikaw? Anong klase kang ina para pilitin na makita ang anak at papuntahin sa panig mo? Paano mo nagagawang gumawa ng masama at idamay ang anak mo?" Med'yo nakaramdam na rin ako ng galit sa kausap ko dahil biglang nagbalik sa akin ang alaala ng nakaraan.
Katulad din siya ni tita Diana at ng nanay ko. Pinilit nila kong pumanig sa kanila para lang ipaghiganti at ipagpatuloy ang naudlot nilang kasamaan. Kaya mas lalong naging buo ang desisyon ko ngayon na hindi ipaalam kay Brynna ang tungkol dito. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko. Gagawin ko ang salitang sinasabi ng karamihan sa mundo ng mga ordinaryong tao. Yun ay prevention is better than cure.
Pumikit ako at inipon ang lahat ng mahika ko para tuluyan ko siyang makontrol. Pagdilat ko ay tiningnan ko siya at sa segundong iyon ay naging kulay itim na rin ang kulay ng mata niya. Para siyang naging bato sa kinatatayuan niya dahil hindi siya gumagalaw, pero dark black na ang kulay ng mata niya. Napaluhod ako at napahawak sa aking ulo dahil sa lakas ng kapangyarihan niyang pumipigil sa kapangyarihan kong pumasok sa sistema niya.
Unti-onting sumasakit ang ulo ko at nawawalan na ko ng lakas. Naalala ko yung mga panahon na inaalam ko palang ang tungkol sa kapangyarihang taglay ko doon sa powerful magical world noon. Sinabi sa akin na kapag hindi ko raw mapagtagumpayan ang pagkontrol sa isang tao ay mababaliktad ang sitwasyon namin. Mawawalan ng kontrol ang kapangyarihan ko at maaaring kontrolin ako nito. Mamamayani ang kapangyarihan sa sistema ko at pwedeng mangyari sa akin ang nangyari kay Seles noon, noong kontrolin si Seles ng sarili niyang kapangyarihan katulad ng kuwento sa akin ng iba.
'Iahn, ayos ka lang ba?'
Narinig ko ang boses ni Sam sa isipan ko, pero hindi ko magawang sumagot sa kanya pabalik dahil sobra na kong nanghihina at napakaweird na ng nararamdaman ko sa aking sistema. Parang sobra na ring init ng katawan ko.
'Itigil mo na yang balak mo, Iahn. Please. . .'
Muli kong narinig ang boses ni Sam sa utak ko subalit katulad kanina ay hindi pa rin ako nakasagot sa kanya. Mukhang malapit lang sa amin si Sam at ang kalaban niya dahil nakikita niya kung ano ang ginagawa ko sa kalaban ko.
Para hindi na siya mag-alala ay pinilit kong makatayo ng may ngiti sa aking labi. Nanghihina akong tumingin sa kalaban ko na parang istatwa pa rin. Pinilit kong iutos sa isip niya na kumuha ng isang card na maaaring makakapagpatulog sa kanya. Ito lang ang naisip kong paraan para matalo ko siya ng hindi na gumagamit pa ng dahas.
Lahat ng dark guild kasi ay dinadala sa magic world, sa mga nakakataas at doon sila kinukulong. Ilang minuto pa ang lumipas bago sinunod ng katawan niya ang sinasabi ko sa kanyang utak. Nanginginig pa nga ang kamay niya bago naglabas ng isang baraha at umusal ng isang spell.
Gusto ko rin tanungin sa mga namumuno ang tungkol sa kanya at kung totoo ba ang sinasabi niya. Makikiusap ako na huwag munang sabihin ang tungkol dito kay Brynna.
Kasabay ng pagbagsak ng babae sa lupa dahil sa baraha na ginamit niya sa sarili ay bumagsak din ako sa lupa dahil sa pagod ng paggamit ng mahika. Tinanggal ko na ang kapangyarihan ko sa kanya at mukhang lumagpas na ko sa aking limitasiyon dahil hindi ko na maigalaw ang aking katawan.
Nakatingin lang ako sa direksiyon ni Sam na naglalakad ngayon patungo sa direksiyon ko. Nakasimangot ang mukha niya, pero mukhang natalo na naman niya ang kalaban dahil mula sa hindi kalayuan ay may nakahandusay na tao. Pansin ko rin ang malaking hiwa sa kanang pisngi ni Sam.
Kaya ba siya nakasimangot? Ganunpaman ay napangiti ako. Ang lakas talaga ng babaeng ito. Lalo na kapag tumataas din ang kakaibang emosiyon sa sistema niya. Nang makalapit siya sa akin ay agad siyang lumuhod sa harapan ko at bahagya akong nagulat ng yakapin niya ko humahagulgol ng iyak.
"I'm sorry, Iah- Thunder Boy. Kung maaga ko lang sana natapos ang kalaban ko." Humahagulgol pa rin siya habang sinasabi ang mga katagang iyan.
Biglang nanliit ang mata ko.
"I- I win... and I'm stil alive." Med'yo nahihirapan akong magsalita dahil bukod sa nanghihina talaga ako ay naiilang din ako sa pagyakap niya sa akin.
Buti nalang at kumalas din siya sa pagkayakap sa akin ng magtungo ang iba pa naming kasama pati na si Stave sa direksiyon namin. Ang iba ay akay-akay pa ang kasamahan nilang naunang bumagsak sa labanan kanina.
Hindi ito ang lugar na dapat naming paglabanan, pero mabuti na rin iyon dahil makakauwi kami sa magic world ng mas mabilis.
Tinulungan ako ni Sam at Stave na makatayo. Napansin ko sa gilid ng aking mga mata na maging si Stave ay hinihingal na rin. Nang makatayo ako ay inakbay ni Stave ang kanan kong kamay sa kanyang balikat at ang isa naman ay kay Sam.
"I heard your conversation before." Napalingon ako sa direksiyon ni Stave ng bumulong siya sa akin.
Nasa himpapawid nga pala sila ng kalaban niya kanina kaya malamang ay narinig nga niya ang usapan namin ng kalaban.
"Hindi tayo ang dapat na magdesisyon ng dapat na gawin," sagot ko sa kanya ng pabulong. Ayoko kasi na may makaalam pa ng iba tungkol dito.
Nagsimula na kaming maglakad patungong magic world.
"Yung gumagamit ng lightning archer, malaki ang galit niya kay Blue Boy."
Hindi na ko nagreact pa sa sinabi ni Stave. Kahit ako ay naiinis din sa Kurt na yun. Dikit siya ng dikit kay Seles. Tss.
Samantala, napuno ang isipan ko ng mga katanungan. Nandito nga ba sa mundong ito si Jastine Guevarra? Totoo kaya ang sinasabi ng babaeng kamukha ni Brynna?