Chapter 16

1160 Words
Iahn's POV. Nang matalo na ang master ng Skull of Dragon Guild ay agad kaming nagtungo sa aming mga kasama para tulungan ang aming mga kasama. Naghiwalay kami ng landas ni Sam. Nagtungo siya sa kay Stave para tulungan ito sa pakikipaglaban sa babaeng may thunderbolts at ako naman ay nagtungo sa side ni Ms. Mistique para tulungan siya siya sa pakikipaglaban sa babaeng kamukha ni Brynna. Nang makapunta ako sa side ni Ms. Mistique ay bigla na lamang siyang bumagsak sa lupa. Nakita ko pa ang isang kumikislap na palaso sa kaniyang likod bago ito naglaho. Lumingon ako sa direksiyon ni Sam at Stave saka sumigaw. "Boredy, hayaan mo nalang na makipaglaban diyan si Thunder Love! Hanapin mo ang kalaban na gumagamit na lightning archer at labanan mo gamit ang iyong b***l!" Tumango sa akin bilang tugon si Stave at ginawa na nga ang sinabi ko. Nakita kong nagtanguhan pa si Sam at Stave bago sila naghiwalay ng landas. Hinarangan pa nga siya ng kalaban ni Stave para hindi makaalis, pero kinontra siya ni Sam at sila ang nagtuos. Lumingon ako kay Ms. Mistique. Gusto ko sanang tulungan siya, pero tumango lang siya sa akin bilang usal na ayos lang siya. Kaya ngumiti nalang ako sa kanya bago lumingon sa kalaban at gawing seryoso ang atmosphere ko. 'Mag-iingat ka ha.' Tango lang ang naging tugon ko sa pinahiwatig ni Sam sa isip ko dahil ang buong atensiyon ko ay nasa kalaban na. Nakangiti siya sa akin ngayon ngunit hindi ko mawari kung ano ang klaseng ngiti iyon. "Kanina mo pa binabanggit ang pangalan ng anak ko." Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses niya dahil kaboses na kaboses niya rin si Brynna. Naguluhan din ako sa sinabi niya kaya agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Anong sinasabi mo diyan?" naguguluhang tanong ko sa kanya ngunit sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay naglabas lamang siya ng baraha. Nakataob niya itong hinilera sa ere isa-isa. Pagkatapos niyang gawin iyon ay tumingin siya sa akin. "Ayon sa aking mga baraha ay kasapi siya sa guild na kinabibilangan mo, ang Knight Raid." Mas lalo akong naguluhan sa pinahiwatig niya at med'yo naiinis na rin ako sa mga pinagsasabi niya. "Ano ba yang ginagawa mo? Isa ka bang manghuhula o kung ano? Maglaban na lamang tayo." Sobrang salubong na ng kilay ko ng magwika ako sa kanya subalit ang kausap ko ay nanatili lamang na kalmado habang nakangiti sa akin. "Maaaring tama ka sa sinabi mo ngunit maaari ding mali." Naikuyom ko na ang dalawa kong kamao dahil sa naging sagot niya. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Kinuha niya ang kanyang baraha at saka ito binalasa bago sumagot sa katanungan ko. "Ang ibig kong sabihin ay kaya kong malaman ang nakaraan, kasalukyan at hinaharap mo gamit ang baraha ko. Isang manghuhula katulad ng sinabi mo ngunit ang pinagkaiba nito sa manghuhula ay totoo at nangyayari lahat ng sinasabi ko." Bigla akong natigilan sa pinaliwanag niya at may isang tao ang pumasok sa isipan ko, si Brynna White. Tinitigan ko yung babae subalit sa pagkakataon na ito ay nakapagdesisyon na kong huwag nalang siyang kausapin at kalabanin nalang siya. Hindi ko muna ginamit ang kapangyarihan ko at ginamit muna ang sarili kong lakas. Lumapit ako sa kanya ng mabilis at sinubukan siyang suntukin sa mukha ngunit nakaiwas siya sa akin at pinangharang ang isang baraha na may tatak na Jack of Diamond sa kamao ko. Nakakamangha dahil para itong naging isang matibay na panangga dahil sa tigas nito. Med'yo sumakit pa nga at namula ang kamao ko. Para hindi niya ko mabawian sa atake ay agad akong lumayo at umatras sa kanya. Nalipat ang atensiyon naming dalawa sa himpapawid kung saan narinig naming dalawa ang palitan ng pag-atake ni Stave at kalaban niyang lalaki na may hawak na lightning bow and arrow subalit agad ko ring binalik ang paningin sa kalaban ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil hindi ko na makita sa harapan ko ang aking kalaban. Natigil ako sa paglinga ng may braso na biglang pumulupot sa leeg ko para hindi ako makahinga. Masiyado nilang mahal ang leeg ko ngayon. Tsk. "Maaari mo ba kong idala sa anak kong si Brynna?" Hindi ko siya pinakinggan at sa halip ay pinikit ko lamang ang aking mata. Sinusubukan kong gamitin sa kanya ang magic ko ng hindi niya nalalaman o napapansin. Dumilat ako at napangiti ng lumuwag ang pagkakakapit ng card magician sa leeg ko ngunit batid ko na hindi ko pa siya tuluyang kontrolado dahil hindi pa niya inaalis ang kamay niya sa leeg ko. Kaya naman ako nalang ang naglakas-loob para tanggalin ito at madali ko naman itong nagawa. Hindi ko pa rin siya kayang ikontrol na tuluyan dahil sa lakas ng kapangyarihang nangingibabaw sa kanya. Nilalabanan nito ang manipulation magic ko. Kaya lumayo na lamang ako sa kanya at hinanda ang aking sarili bago ko siya pinakawalan sa ilalim ng kapangyarihan ko. Umubo siya ng malakas at huminga ng malalim bago matalim ang mata na tumingin sa akin. "You are manipulating magic user? Buti nalang at mahina ka pa." Nainsulto ako sa sinabi niya kaya napasigaw ako bigla. "Ha? Ganon? Asa ka naman na ipakita ko sa'yo si Brynna!" inis kong sigaw sa kanya. Susugod na sana ako sa kanya, pero naunahan niya ko. Naglabas siya ng isang latigo mula sa queen of hearts at sinubukang patamain iyon sa direksiyon ko. Ako naman ay patuloy na umiiwas sa kanya na walang gamit na kahit anong armas. "Sige. Paglalaruan nalang muna kita." Hindi pa rin ako natinag sa sinabi niya ay patuloy pa rin akong umiiwas sa kanyang pag-atake. "Bakit? Akala mo ba ay naniniwala akong ina ka talaga ni Brynna?" tugon ko sa kanya sa pagitan ng pag-iwas ko sa kanyang latigo. "Kung ganon ay hindi ko na pala kailangang ipakita sa'yo kung nasaan ang kaibigan mong si Jastine?" Aaminin kong natahimik ako bigla sa sinabi niya, pero hindi ako huminto sa pag-iwas at binalewala na lamang iyon. "You can see the people in my mind, but you will never touch them while I'm your opponent." banta ko at pansamantalang huminto sa pag-atake. Kapwa kaming hinihingal na dalawa. "Heh. Ang bobo mo talaga no? Pero, pagbibigyan kita. Ibibigay ko sa'yo ang taong sinasabi ko kung ibibigay mo sa akin ang anak ko. Hindi kana lugi at mukhang masama dahil anak ko naman ang ibibigay mo sa'kin. O gusto mo ba na makalaban ang taong mahalaga din sa buhay mo?" Nakaramdam ako ng senseridad sa tono ng boses niya kaya bigla akong kinabahan ngunit ipinilig ko ang aking ulo. "You are not manipulating user. Hindi pala, bakit naman ako maniniwala sa'yo?" tinitigan ko siya sa mata ng masama. "Nhai... pumayag kana." Bigla na lamang lumambot ang puso ko ng marinig ang una niyang sinabi. Pinikit ko ang aking mata at sa aking pagdilat ay tumingin ulit ako sa babae. "Wish granted..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD