Iahn's POV.
Nangibabaw sa buong gubat ng magic world na kinalalagyan namin ngayon ang boses ni Crystal Maiden na galit na galit. Kitang-kita namin kung paano lumuha ulit ng dugo si Babbly Amethyst pagkatapos hugutin sa tiyan niya ang espada. Napapikit kami sa nakita habang si Crystal Maiden ay galit na napaluha sa nakita. Nagpalit siya ng kanyang damit at mas lalong pinalamig ang paligid dahil sa kapangyarihan niya.
She use her crystal ice magic and form it into a crystal ice swords. Pagkatapos ay sumugod siya sa kalaban na gumagamit ng espada. Sumugod na rin si Ms. Mystique at inatake ang babaeng may hawak na baraha. Si Evil Rose naman ay sumugod sa babaeng may kumikislap na liwanag sa kamay habang kaming tatlo ay nanatiling nakatayo.
Napatingin kami sa isa't-isa at pare-pareho ang itsura ng aming mukha. Nagbalik lang ang isip namin sa realidad ng sugurin kami ng kalaban at naging dahilan para magkahiwa-hiwalay kami. Si Stave ay kinuha ng isang babae na may thuderbolts sa paligid. Si Sam naman ay kinuha ng isang babae na nakalutang ang paa sa ere dahil sa apoy na nasa ilalim ng paa niya habang ako naman ay kinuha ng isang babae na hindi ko malaman kung anong kapangyarihan ang mayroon.
Nang matigil kami sa isang lugar ay napataas ang isang kilay ko ng mapagmasdan ko ang itsura niya. Fitted ang suot niyang damit at labas pa ang clevage niya. Ngayon lang din ako nakakita ng taga-magic world na hindi mawari kung anong mahika ang mayroon dahil sa iba't-ibang kulay ng suot niyang damit. Maging ang kulay ng mata at buhok niya ay hindi rin tugma.
"Nagtataka kaba kung bakit hindi mo mahulaan ang kapangyarihang taglay ko?" nakangiting tanong niya sa akin at tinitigan ako sa aking mata. Parang nang-aakit pa nga ang titig niya sa akin kaya nakangiti ko rin siyang tinitigan.
"Hindi," simpleng sagot ko.
Ilang minuto pa kaming nagtitigan at ginamit ko ang kapangyarihan ko ng hindi niya nalalaman. Mas lumawak pa nga ang ngiti ko ng makitang nagkulay itim na rin ang brown niyang mata subalit nawala ang ngiti ko sa aking labi ng biglang bumalik agad sa dati ang kulay ng mata niya. Siya naman ngayon ang ngumiti sa akin ng malawak.
"I have magic seeler magic kaya walang talab sa akin ang kapangyarihan mo. Ngayong nalaman kong manipulator magic ka pala, kukunin ko na rin ang kapangyarihan mo. Simula ngayon ay isa kana lang ordinaryong tao."
Pumitig bigla ng sobrang lakas ang puso ko dahil sa galit ng marinig ang sinabi niya. Hindi maaari... kaya pala iba-iba ang kulay na nakikita ko sa kanya. Napaatras ako ng dalawang hakbang ng humakbang siya palapit sa akin.
"S-Sa tingin mo ba kapangyarihan ang kailangan ngayon para mabuhay ka? Hindi!" Sinubukan kong maging matapang sa harapan ng kalaban ko ngayon kahit nauutal na ko sa pagsasalita.
Bakit kasi napasama pa ko sa mission na'to? Si Samaine lang naman ang may gusto na pumunta dito at sa totoo lang ay silang dalawa lang talaga dapat ni Stave. Hinila lang ako ni Sam. Tsk. Yung kapatid ko naman na master ng guild namin ay hindi ako tinulungan at sumang-ayon pa kay Sam. Ngumiti pa siya sa amin ni Sam. Anong ibigsabihin non? Pinamimigay na ba niya ang sarili niyang kapatid?
Nagbalik sa realidad ang isip ko ng maramdaman ang kamay ng babae sa leeg ko at iniangat ako sa ere gamit lamang ang isang kamay na iyon.
"Ako si Death Angel, ang master ng skull of dragon guild," pakilala niya sa akin habang patuloy pa rin akong sinasakal.
Hindi na ko nakasagot sa kanya dahil kinakapos na rin ako ng hininga. Tsaka isa pa, masiyado akong nadidistract sa clevage niya. Sobrang lapit niya kasi sa akin. Natigilan ako ng marinig ang pagtunog ng kung anong bagay na nakakabit sa kamay ko. Isa itong bracelet na kulay pink. Ang design nito ay heart na maliliit. Bigla kong naalala yung mga sinasabi ni Sam kanina pa. Tsk!
Kailan kaya niya nailagay sa kamay koang bracelet niya? Sobrang kapos na ang hininga ko, pero mas pinagtuunan ko pa ng pansin ang pagtanggal sa bracelet na nakaglue na yata sa kamay ko dahil hindi ko ito matanggal-tanggal. Tsk! baka pumunta pa yun dito at makita niya ang lagay ko. Tsaka baka makuha din ng babaeng ito ang kapangyarihan niya. Pareho na kaming walang laban.
Hindi sa nag-aalala ako sa magiging kalagayan ni Sam, pero baka anong mangyari dun kapag nawala sa kanya ang kapangyarihan niya. Hindi na ko makagalaw at napapikit nalang ng malapit ng maubos ang aking hininga. Ngunit sa aking pagpikit ay himalang nabitawan ako ng babae sa sahig.
Sunod-sunod ang naging malalim na paghinga ko ng mabitawan niya ko. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang babae na nakababa ang dalawang kamay at nasa gitna ng katawan niya ang isang malaking bracelet?
Napalingon ako sa gilid ko ng may humawak sa balikat ko at doon ay nakita ko si Sam na nakahawak sa aking balikat habang seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa direksiyon ng babae. Ngayon ko lang ulit nakita ang ganitong expression ni Sam at ibang-iba ang dating ng presensiya niya kumpara kanina. Kaya med'yo nakaramdam ako ng kaba sa kung ano man ang balak niya.
"Bracelet magic ka? I will seeled your magic,' nakangiting pananakot ng babae kay Sam na tila hindi nangangamba sa kalagayan niya ngayon. Ngunit hindi rin naman nagpatinag si Sam sa kanya.
"You can't. If I use the 100% of my magic, I am unstoppable. I know you too. You are from Powerful Magical World before like me kaya dapat ay kilala mo kung sino ang binabangga mo." Ngayon ko lang din narinig ang ganitong kaseryosong tinig ni Sam. Bahagya din akong nagulat sa pinahiwatig niya. Ganon din yung babae.
"Then, why? Bakit kakampi na kayo ng magic world?" lumuluha ng tugon ng babae sa kanya.
Bumuntong hininga si Sam habang inaalalayan akong makatayo. Sinabayan ko nalang ang trip ni Sam at hindi na umangal dahil baka ako pa ang gawin niyang kalaban. Pagkatapos niya kong alalayan ay lumapit siya sa babae.
"Una sa lahat, ang kapal ng mukha mo para magpakita ng something sa harap ng lalakeng ito. Pangalawa, hindi kana nahiya para ilayo mo siya sa paningin ko at pangatlo, ang lakas ng loob mo para saktan siya at kuhanin ang kapangyarihan niya ng ganito."
Napabuntong hininga ako at naguluhan naman yung babae dahil sa sinabi ni Sam. Napakalayo kasi ng sagot niya sa tanong nito. Pumikit si Sam at huminga ng malalim.
"Ngayon ay mararanasan mo ang hirap kung paano magselos at masaktan ang puso ko dahil sa ginawa mo!"
Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil baka may nakarinig sa sigaw ni Sam, pero buti nalang at busy ang lahat sa pakikipaglaban mula sa hindi kalayuan. Nang muli kong ibalik ang paningin ko sa babae ay wala na siyang malay na nakahandusay sa sahig.
"You are powerful, but my love for him is more powerful than to you."