Iahn's POV.
Salubong ang dalawang kilay ko habang nakaupo sa isang malaking bato at nakapalumbaba.
"Thunder, my love. Hayaan mo na kong ilagay ang bracelet ko sa kamay mo. Para kapag nangailangan ka ng tulong ay mabilis kitang mapupuntahan."
Napabuntong hininga na naman ako ng muling marinig ang mga katagang iyon.
"Ano ba, Thunder-Tsk! Sam! Nasa isang mission tayo. Umayos ka nga kahit ngayong araw lang." Inis kong bulyaw sa kanya at saka tumayo at tinabihan si Stave na walang ganang pinagmamasdan kami.
Nakakainis kasi e. Nasaan na ba ang ibang light guild?
"Oh? May lovers quarrel kayo?" Inisnaban ko lang si Stave at tinitigan siya sa mata. Pasalamat talaga ang lalaking ito dahil ayoko pang gamitin ang kapangyarihan ko ngayon.
Walang takot ding nakipagtitigan sa akin si Stave habang bored ang mukha. Natigil lang ang pagtitinginan namin ng pareho kaming makaramdam ng sobrang lamig sa paligid at may naglalaglagan na tila isang ice flakes mula sa kung saan. Ice flakes sa Pilipinas? Oo nga pala, wala nga pala ako sa planet earth ngayon.
"Hello. I am Crystal Maiden from Bubbly Death. Kinagagalak ko kayong makilala." Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita namin ang isang babae na nakangiti sa amin. Med'yo natulala ako sa kasuotan at buhok niya.
Yung dress niya kasi ay isang literal na yelo at tiyak na kapag natunaw ang yelo ay may makikita sa kanya. Yung buhok naman niya ay nakatrintas sa side at may ice flakes din itong nakalagay sa iba't-ibang parte ng buhok niya.
"What? Crystal Maiden? Hahaha. Okay. Kung gusto mong sumama sa grupo namin ay huwag na huwag mong aakitin ang Thunder Boy ko, naiintindihan ko? Ako nga pala si Thunder Love." Binigay ni Sam ang kanan niyang kamay kay Crystal Maiden at ang kaliwang kamay niya ay tinakpan ang mata ko.
"What? Hey, Thunder Love. I mean basta. Tanggalin mo nga yang kamay mo." Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa mata ko gamit ang dalawang kamay ko, pero hindi ko iyon matanggal dahil baka masugatan ko siya kapag nilakasan ko ang kamay ko.
"Crystal Ice ang mahika ko. Mayroon pa kong kasama. Siya si Bubbly Amethyst at telepathy naman ang mahika niya. Nauna lang ako sa kanya, pero tiyak na parating na rin siya." rinig kong tugon ni Crystal Maiden sa kanya.
Buti naman at hindi nito sinabayan ang kabaliwan ni Sam. Nang tanggalin na ni Crystal Maiden ang kamay niya sa mata ko ay inis ko siyang binalingan ng tingin. Subalit mukhang walang talab ang masamang tingin ko sa kanya dahil nakangiti niya pang pinulupot ang kanyang kamay sa braso ko. Kaya sa bandang dulo ay napabuntong hininga nalang ako.
Napatingin kaming lahat sa himpapawid ng humangin ng malakas mula dito. Nakita namin ang isang babae na nakasakay sa isang bamboo na walis tingting. Feeling ko tuloy ay isa siyang mangkukulam dahil sa sobrero na suot niya.
Bumababa siya sa sakay na walis at humarap sa amin. Pinaikot-ikot niya ito at ginawang isang marjorette. Pagkalipas ng ilang segundo ay nawala na ito ng parang bula sa paningin naming lahat. Kaya naiwan akong namamangha sa nakita.
"Ako nga pala si Ms. Mistique. Isa akong witch wizard mula sa dragonoid guild." Pakilala niya sa amin.
Gusto ko ng batukan ang sarili ko dahil sa iniisip ko kanina. Nasa magic world nga pala ako kaya natural lang na makakita ako ng isang mangkukulam katulad niya.
"Mag-isa ka lang ba ngayon sa guild niyo?" walang ganang tanong dito ni Stave. Nakalimutan ko na tuloy na kasama nga pala namin siya.
Mula pa kanina ay ngayon lang ulit nagsalita si Stave. Paano kaya kapag nagsama sila sa isang mission ni Daine? Baka sila na ang gawing kalaban ng ibang light guild dahil sa asal nila.
"Oo, ngunit huwag kayong mag-alala dahil gagawin ko naman ang lahat ng makakaya ko para makatulong sa inyo." Nakangiting tugon niya kay Stave.
"Okay. Tara na para makauwi agad tayo ng maaga." Lahat kami ay napatingin ng gulat kay Stave dahil sa sinabi niya.
Ganon ba siya kabored para magmadaling umuwi?
"Sandali! Wala pa ang guild ng Thorn of Roses. Tsaka hindi pa pala kayo nagpapakilala sa amin." sagot ni Ms. Mistique sa kanya.
Buti nalang at hindi sila nawiwirduhan sa mga kasama ko ngayon. Tss.
"Pasensiya na kayo sa kanila. Ako nga pala si Thunder Boy. I have manipulation magic." Tinuro ko si Stave at saka pinagpatuloy ang aking pagsasalita. "Siya naman si Boredy. b***l ang gamit niyang kapangyarihan."
Napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin ko ang pagpipigil ng tawa ni Ms. Mistique. Si Crystal Maiden naman ay napatitig kay Stave at tila hindi makapaniwala sa narinig. Huli kong tinuro si Sam. Napalunok pa ko ng aking laway bago nagsalita.
"Siya naman si-"
"Ako si Thunder Love at bracelet magic ang mayroon ako." Nakangiting pagpuputol ni Sam sa pagsasalita ko.
Mas okay na rin na siya ang nagpakilala sa sarili niya dahil baka totoong pangalan niya pa ang masabi ko kapag nagkataon. Isang malalim na buntong hininga ulit ang napakawalan ko. Sa babaeng ito talaga ay hindi ko magawang magbiro dahil baka kung ano pa ang isipin niya.
Samantala, napapoker face ako dahil wala man lang akong nakitang reaction sa ibang guild at parang sure na sila tungkol sa aming dalawa ni Sam dahil sa kakaibang tingin nila.
Magsasalita na sana ako at magpapaliwanag sa kanila ng biglang lumiwanag ang paligid. Napapikit kaming lahat dahil doon at sa aming pagdilat ay bumungad sa amin ang isang walang emosyong mukha ng babae.
"Ako si Evil Rose from Thorn of Roses. I have a light magic. I'm sorry for the long wait."
Ngumiti kami sa kanya at nagpakilala ulit kami isa-isa. Mukhang may future silang dalawa ni Stave dahil sa kilos niya.
"Halika na." Ako na ang nagyaya sa kanila na sinang-ayunan naman nila.
Humanda na kaming lahat at inayos ang aming sarili. Maglalakad na sana kami ng bigla kaming matigilan dahil sa wall ice na gawa ni Crystal Maiden. Napahinto kami sa paglalakad at napalingon sa kanya.
"Sandali. Wala pa ang isa kong kasama." Pahayag niya sa amin.
Naalala kong sinabi nga pala niya ang tungkol doon kanina. Sabay-sabay kaming napabuntong hininga at napabalik sa kinalalagyan namin kanina. Subalit nakakailang hakbang pa lamang kami ay nakarinig na kami ng panaghoy mula sa aming likuran.
Sabay-sabay kaming napalingon doon at nakita namin ang isang babae na may iniluwang dugo dahil sa isang espada na nakasaksak sa kanyang tiyan mula sa likuran. Napatingin kami sa paligid niya at nakita namin ang buong miyembro ng Skull of Dragon na mala-demonyong nakangiti sa amin.
"Bubbly Amethyst." Rinig naming mahinang usal ni Crystal Maiden sa aming tabi.
Marahil ang tinutukoy niya ay ang babae na sinaksak ng isang espada.
"Kumusta? Nagustuhan niyo ba ang magandang pagsalubong namin sa inyo?" nakangiting tanong pa ng lalaking may hawak ng espada.
Hindi sa lalaking may hawak ng espada natuon ang atensiyon namin nina Stave at Sam. Kundi sa babaeng may hawak na baraha na kamukhang-kamukha ni Brynna.