Chapter 13

1171 Words
Rosette Angela Santos POV. Nakaupo ako sa aking trono habang pinagmamasdan ang mga kasama ko. Hindi ko mapigilang ilabas ang aking ngiti habang iniisip kung paano ko mapapabagsak sa aking mga kamay ang magic world. Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng guild ng bumukas ito. Bumungad sa akin si Ricka Villar na tinatawag ko ring Home-made. Nakangiti siyang lumapit sa akin at lumuhod. "Nagawa ko na ang pinag-uutos mo, master Death Angel. Ayon sa aking mga baraha ay nagbigay na ng isang pag-uutos ang mga namumuno sa magic world para puntahan tayo at pigilan ng ilang mga miyembro sa light guild." Nakangiting pahayag pa nito habang diretso lamang ang tingin sa akin. "Magaling, Home-made. Gusto ko ring alamin mo kung saan magkikita-kita ang mga members ng light guild." Napansin kong mas lumawak ang pagkakangiti mi Home-made kaya nabatid ko na agad na may iba pa siyang magandang balita na ipapahayag sa akin. "Hindi mo pa yan naiuutos, master ay nagawa ko na. Nasa akin ang impormasyon kung saan sila magtatagpo." Mas lalong nagalak ang aking kalooban dahil sa sinabi niya. She really never failed to grant my wish. "Kung ganon ay tayo na mismo ang sasalubong sa kanila." Tumayo ako sa aking trono at muling lumingon sa nakaluhod at nakayuko pa ring si Home-made. "Bago yun, may isang kahilingan ka ba na nais mong matupad?" Isang simpleng ngiti ang pinakita niya sa akin bago sinagot ang tanong ko. "I have, master and that is to meet my daughter." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi pagkatapos niyang sabihin ang katagang ito. "Brynna White? Heh. . . " ngumiti din ako sa kanya pagkatapos hawakan ang aking baba. Muli akong umupo sa aking trono at binalingan ng tingin ang iba kong kasama. Napangiti ako dahil sa ganda ng kinalabasan ng pagsasama ng mahika nina Devine Abella or Dark Rose Evil at Lica Ruslin o Sweet Angel. Dark Rose Evil have light magic whil Sweet Angel have thunder magic. They combine their magic and make it into one. Kaya naman nagkaroon ng isang light ball na may thunderbolts sa loob. Sunod kong binalingan ng pansin si Gelo Ruslin o An-gel na nakaupo habang hinahasa ang kanyang espada gamit ang apoy na mula sa kamay ni Gail Alyson Clarkson o Flare. Isang magiting na lalaki si An-gel pagdating sa espada at isang elementalist naman si Flare. Gumagamit siya ng elementong apoy. Isa siyang babae, pero masasabi kong sa pakikipaglaban ay wala pang nakakatalo sa kanya bukod sa akin dahil sa tapang niya. Sunod kong tiningnan si Joshua Ruslin o Jode na ginagamit ang kanyang lightning archer magic para patamaan ang target na nakadikit sa dingding ng guild. Mukha ito ni Kurt Tyler Lee. Ang kinaiinisan niyang tao sa mundo. Magkapatid sina An-gel at Jode, pero magkaiba na magkaiba sila ng personality. Kaya naman hindi rin sila magkasundo. Si An-gel ay palakaibigan at si Jode naman ay masungit at iwas sa mga tao. Lahat sila ay mga puppet ko dahil natalo ko silang lahat at napasunod gamit ang kapangyarihan kong magic seeler. Kaya kong tanggalin ang kapangyarihang taglay mo tulad ng ginawa ko kay An-gel na naging swords man nalang ngunit, kaya ko rin naman itong ibalik kung gugustuhin ko. I am Rosette Angela Santos o tinatawag din nilang Master Death Angel. We are the skull of dragon from dark guild at plano naming pabagsakin ang mundo ng mahika. Hindi lang ito basta plano dahil ito rin ang aming kahilingan. Ang makita ang pagguho ng magic world. Ang lugar na sumira sa mundo namin, ang powerful magical world. Sigurado akong mapapabagsak namin sila dahil wala namang kahilingan namin ang hindi natutupad. Ang mahika ko palang ay kayang-kaya nang pabagsakin ang buong mundo ng mahika. Nagbalik sa realidad ang isip ko ng muling bumukas ang pinto ng guild at pumasok doon ang isang lalaki. Napapoker face ako ng makita kung sino ang dumating. Nakalimutan ko na mayroon pa pala kong isa pang miyembro sa guild na ito. Hindi ko naman siya matawag na puppet ko dahil hindi naman kami naglaban at hindi ko pa siya natatalo. Wala akong alam tungkol sa kanya kahit ang kapangyarihan niya ay walang nakakaalam kung ano. Ultimo ang pangalan niya ay hindi namin alam. Kusang loob lang siyang sumali sa guild namin at naiinis ako sa kanya dahil hindi pa siya nakikipag-usap sa amin at nagbibigay ng dahilan kung bakit siya sumali sa guild na ito. Paminsan-minsan nga lang din siya pumupunta sa guild. Tsk. Napatayo si Home-made at napalingon sa lalaking dumating. Katulad ko ay agad ding sumama ang timpla ng mukha niya ng makita kung sino ito. "Ghost member, may kailangan ka na naman ba?" tanong ni Home-made dito. Lumingon sa akin yung lalaki at tinaasan ko lang siya ng kilay. Kung alam ko lang talaga ang kapangyarihan nito ay matagal ko na itong kinuha at inagawa sa kanya. Yun kasi ang isa sa kahinaan ng magic seeler. Kapag hindi naman niya alam ang kapangyarihang taglay ng kalaban niya walang silbe ang kapangyarihan niya. Lumapit sa akin yung lalaki at diretso lamang ang tingin niya sa akin. "Binibini, maaari ba kong humingi ng tinapay sa inyo? Gutom na gutom na kasi ako." Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Tinawag niya ba kong binibini. . . ulit? "Master ang itawag mo sa akin dahil ako ang namumuno sa guild na ito. Tsaka anong tinapay ang sinasabi mo diyan? Saang mundo kaba nanggaling?" inis kong tugon sa kanya. Kumamot siya sa kanyang batok at mukhang nahihiya pang nagwika sa akin. "Kasi hindi ko maipaliwanag sa ngayon ang tungkol doon. Nakapunta ako dito dahil nais kong makausap si Tine-Tine at Nhai. Ay, hindi. Selestine at Iahn pala ang pangalan nila. Ngunit dito ako dinala ng tila isang portal o kung ano na gawa siguro ng science. Kaya nag-stay nalang ako dito. Kahawig din kasi ng tinatawag niyong Home-made ang kasama ni Seles noon ng makita ko sila. Sa tingin ko, Brynna ang pangalan ng babaeng iyon." Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Mas lalo kasi siyang naging magulo sa paningin ko. Samantala, nakakapagtaka na sumilay ang ngiti sa labi ni Home-made na marinig ang sinabi ng lalaki. "Ganon ba? Magkahawig kami ni Brynna? Hindi ka nagkami ng pinuntahan. Sundin mo lang ang pinag-uutos namin at dadalhin ka namin sa Selestine na sinasabi mo. We will grant your wish." Lumingon sa akin si Home-made at binigyan ako ng isang makahulugang ngiti. Naintindihan ko ang nais niyang iparating kaya isang ngiti rin ang tinugon ko sa kanya. Pagkatapos ay sabay kaming lumingon ulit sa lalaki. "Ganon ba? Sige. Maaasahan niyo ko. Ako nga pala si Jastine." Naghintay pa kami ng ilang segundo at hindi nagsalita subalit wala na yatang gustong sabihin pa si Jastine bukod sa pangalan niya. Okay lang dahil malalaman ko rin naman balang araw ang kapangyarihan niya. Sa ngayon ay mayroon akong isang napakagandang plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD