Chapter 12

1208 Words
Selestine's POV. Natalo na nina Kendrix, Brynna, Rexsha at nang iba pang light guild ang guild na G-Dragon. Tatlong araw na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Brynna dahil sa malaking pinsala niyang natamo. Siyempre, pinagpapatuloy pa rin namin ang pagsasanay para sa magic world games kahit na hindi namin maiwasang malungkot sa kalagayan ni Brynna. Subalit kung gaano kalaki ang lungkot na nararamdaman naming Knight Raid ay tila mas malaki ang nararamdamang kalungkutan ni Ken. Siguro ay naninibago lang ako sa kinikilos niya. Kung dati ay siya ang pinakamaingay sa amin at si Brynna, ngayon ay mukhang hawak na niya ang award bilang pinakatahimik na nilalang. Parang naging boring tuloy sa guild dahil parang sabay na nawala si Brynna at Kendrix. "Ako nalang muna ulit ang magbabantay kay Brynna. Hayaan niyong magsanay lang kayo dahil hindi naman ako masiyadong kailangan sa magic games," nakangiting pahayag ko sa kasamang sina Alliexynne at Daine. "Sure ka, Seles? Hindi mo kailangan ng kasama? Ayos lang naman na samahan kita dahil gusto ko rin makita ang paggising ni Brynna." sagot ni Alliexynne sa akin. Nandito nga pala kami sa second floor ng guild namin sa loob ng isang emergency room kung saan nakahiga ngayon si Brynna. Oo nga pala, isa sa mga rules ng magic world ay hindi maaarin ma humingi ng tulong sa mga doktor dito sa school kapag nasugatan ang isang taong kasama sa laro. Sa madaling salita ay kailangan naming gamutin ang sarili namin kung nasugatan man kami habang naglalaro o hindi. "Hindi. Mas maganda kung ako nalang ang magbabantay kay Green Lion dahil nasisiguro ko na wala pang pahinga si Master dahil sa kakabantay kay Green Lion. Ganon ka rin, Shine. Alam ko na pagkatapos ng iyong pagsasanay ay dumidiretso ka kaagad dito para bantayan si Green Lion at samahan si Master. Kaya mas mabuti na ako nalang ang magbantay para makapagpahinga kayong dalawa." Sabay kaming napalingon ni Alliexynne sa direksiyon ni Daine na bored pa rin ang expression ng mukha habang nakapalumbaba. "P-Pero. . ." Sabay kaming nagsalita ni Alliexynne na may tonong nag-aalinlangan. "Ayos lang sa akin. Alam kong hindi pa ganong katagal ang pagsasama namin ni Green Lion, pero isa na rin akong Knight Raid. Kung sino ang mga kaibigan ng kaibigan ko ay kaibigan ko na rin." wala pa ring ganang tugon ni Daine. Nagkatinginan kami ni Alliexynne sa sinabi ni Daine at sabay kaming ngumiti sa isa't-isa. Pagkatapos ay muli kaming lumingon sa direksyon ni Daine. "Thank you, Daine. Magpapahinga na ko agad para hindi masayang ang oras ng pagbabantay mo." Nakangiting pahayag ni Alliexynne kay Daine. Pagkatapos ay tumayo na si Alliexynne at inayos ang suot niyang damit. Tumango lang si Daine sa kanya. Muling lumingon si Alliexynne sa direksiyon ko at nginitian ko bago siya lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ni Alliexynne ay muli akong lumingon kay Daine. Bahagya pa kong nagulat ng malamang nakatitig din siya sa direksyon ko. "Ikaw? Hindi ka pa aalis?" Pinaliit niya ang kanyang mata habang nakapalumbaba. Nahihiya akong tumayo at ngumiti sa kanya. "Sabihin mo nalang kapag may kailangan ka ha. Diyan lang ako sa ibaba ng guild matutulog." wika ko at muling ngumiti sa kanya. Katulad kay Alliexynne ay tango lang din ang tinugon niya sa akin. Muli akong ngumiti sa kanya at saka binalingan si Brynna bago umalis ng kuwarto at bumaba ng first floor. Nakasalubong ko pa nga si Stave na naglalakad galing sa kusina dala-dala ang isang mug ng kape. Ngumiti ako sa kanya at isang tango lang tinugon niya sa akin. Hindi ko namalayan na ang oras, gabi na pala. Hindi ko man lang naalalang kumain. Si Daine kaya, kumain na? Magtutungo na sana ako sa kusina ng biglang lumabas doon si Kurt na med'yo basa at magulo ang buhok. Mukhang naramdaman niya ang presensiya ko kaya napalingon siya sa direksyon ko. Nagkatinginan kaming dalawa at parang umurong ang dila ko dahil hindi ko magawang makapagsalita. Nagtitigan lang kami ng ilang segundo at una na siyang nakabawi at nagsalita. "Evening, Black Girl." Ang namumuong damdamin sa sistema ko ay napalitan ng pagkainis ng marinig ang huli niyang sinabi. "Evening too, Blue Boy." Sarcastic kong tugon sabay irap sa kanya at tinalikuran na siya upang maglakad papalayo. Nakakainis talaga ang Kurt Tyler Lee na yun! Simula ng umalis sina Brynna at bumalik ay tila bumalik din sa dati ang ugali ni Kurt na yun. Naging tahimik ulit siya at parang naging pipe sa harapan ng mga barkada. Kaya lang naisip ko ngayon, kailan nga ba nagbago ang lalaking yun? Tsk! Nagtungo ako sa sala at inis na umupo sa sofa. Nawala tuloy sa isip ko ang pagdadala ng pagkain para kay Daine. Tiyak na gutom na rin ang isang iyon. Samantala, napalingon ako sa entrance ng guild ng bumukas ito at pumasok sina Kuya Iahn at Samaine na nakangiti ng wagas habang nakapulupot ang kamay sa braso ni Kuya Iahn. Halos matawa na nga ko sa kinauupuan ko dahil sa nakasimangot na mukha ni Kuya Iahn. Dumiretso sila dito sa sala at naupo sa kaharap kong sofa. Sabay silang napatingin sa akin ng mapansin ang presensiya ko. "Seles, nandito ka rin? Bakit hindi ka sa apartment mo natulog?" Gulat na tanong ni Kuya Iahn pagkakita sa akin. "Dito na muna ako matutulog, Kuya. Baka kasi magising na si Brynna at may kailangan bigla," nakangiti kong tugon. "Good evening, sister-in-law." Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti pabalik kay Sam ng marinig ang huli niyang sinabi na nakangiti pa ng wagas sa akin. "Tsk. Umalis-alis kana nga sa akin, Sam. Gabi na for god sake." naiiritang pahayag ni Kuya Iahn at pilit na tinatanggal ang kamay ni Sam sa braso niya, pero hindi rin naman niya ito matanggal dahil mukhang ayaw niyang lakasan ang pagkakahawak kay Sam dahil baka masaktan ito. Si Kuya talaga. Hahaha. "Its Thunderlove, not Sam." Nakangiting sagot naman dito ni Sam at inilapit pa ang mukha nito kay Kuya. Napahawak tuloy ako sa aking bibig para pigilan ang ano mang tunog o salita na lalabas dito. "Ano ba!" Gamit ang kanang kamay ni Kuya ay hinarangan niya ang mukha ni Sam. "Anyway, kumusta na pala si Brynna?" Bumaling sa akin si Kuya kaya mabilis kong tinanggal ang dalawang kamay ko sa aking bibig. "Wala na ang mga galos niya, kuya. Hinihintay nalang ang paggising niya." Sagot ko. Nahinto ang pag-uusap naming tatlo ng may biglang pumasok na isang knightangle at pumatong sa lap ko. Bigla tuloy akong kinabahan at napatingin kay Kuya. Nginuso niya yung ibon kaya muli akong napalingon dito. Grabe! Kasing laki siya ng isang kalapati. Bumuka yung bibig ng knightangle at inilabas ang isang papel na nakarolyo. "Liham galing sa mga guro ng magic world." Pagkatapos magsalita ng ibon ay lumipad na ito papalayo gamit ang bintana ng guild. Naiwan akong tulala habang inaalala ang pagsasalita ng ibon kanina. Grabe! Ang cool talaga ng magic world! "Buksan mo na, Seles." Nagbalik sa realidad ang isip ko ng magsalita si Kuya at saka mabilis na binuksan ang papel. Muli akong natigilan at nabitawan anh papel ng makita ang nilalaman nito. Skull of Dragon mula sa dark guild. May bagong kalaban na naman pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD