Rexsha's POV.
Sa sobrang inis ko dahil sa pagkuha sa akin ng isang hindi kilalang kalaban mula sa kung saan ay sinuntok ko siya sa kanyang mukha pagkadating na pagkadating namin isang hindi kilalang lugar. Narinig ko ang malakas na pagbagsak niya sa sahig dahil sa ginawa ko. Mukhang nakatulog na agad siya dahil sa lakas ng suntok ko. Hahaha.
Pagkatapos kong patulugin ang kasama kong kalaban ay ginamit ko ang ring magic ko para makakita dito sa dilim. Hindi ko makita kung nasaan ang exit at entrance dito, pero sa tingin ko ay nasa lugar pa rin ako kung saan ko huling nakita sina Kendrix at Brynna.
Hawak ang nagliliwanag kong singsing ay sumigaw ako ng napakalakas.
"Mga taong kasama ko, nasaan na kayo?!" Nag-eecho sa buong paligid ang sigaw ko. Subalit wala ni isang tao ang sumagot sa akin kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. Susuntukin ko talaga ang mga iyon kapag nakita ko sila.
Kendrix POV.
Nakakatuwa dahil natalo na namin ang mga kanya-kanya naming kalaban kanina at maski ang kalaban ni Brynna ay natalo na rin niya kahit nanghihina siya. Nauna pa nga niyang matalo iyon kaysa sa akin. Ngunit hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ang pinakapinuno nila. Kaming lahat maliban kay Brynna na nanghihina na ay sumugod sa kanya, ngunit lahat kami ay lumagpak at humiga na sa sahig dahil sa lakas ng kapangyarihan niya.
She is Ace Megumi, the master of G-Dragon Guild. Gumagamit siya ng isang time manipulation magic. Kaya hindi pa man namin siya nakikitang umaalis sa puwesto niya ay nasugatan na agad niya kami. Paano nangyari yun? She can manipulate the time and so, she can stop it too.
At ang isang tao lang na nakakatayo pa rin sa kapangyarihan niya at mayroong kapangyarihan na kahawig ng sa kanya ay si Brynna. Hindi nga time magic ang gamit ni Brynna, but she can reads someone's past, present and future at dahil doon ay madali lamang sa kanya na makita ang galaw ng kalaban at ilagan ito pagkatapos ay sumugod dito bago pa man maganap ang hinaharap na pag-atake nito.
Ngunit masiyado ng nanghihina si Brynna. Hindi na siya halos makatayo nang lumaban siya kanina at ngayon ay siya nalang ang pag-asa para matalo ang kalaban kahit na ang pag-tayo ay hindi na rin niya magawa.
Tumawa ng malakas si Ace Megumi nang muling bumagsak si Brynna sa sahig ng sinubukan niyang makatayo ulit.
"Looks like we win. The light guild can't fight to me anymore. Ni hindi niyo nga ko nagalusan man lang. Hindi rin ako napagod na patumbahin man lang kayo. We want war and so, we will start it now." Muli itong tumawa ng malakas pagkatapos magsalita.
Napakagat ako sa aking ibabang labi at muling napaubo ng dugo. May katotohanan ang sinabi niya, pero hahayaan nalang ba namin na magwagi ang kasamaaan nila?
"Yeah. I can't move my body anymore. But, I still the only one here who can foresee the future." Nanghihinang sagot sa kanya ni Brynna.
Tumawa lang ulit ng malakas si Ace Megumi. "Anong magagawa ng kapangyarihan mo kung hindi mo rin naman ito magagamit ngayon?"
Nakaramdam ako ng kakaiba ng ngumiti lang si Brynna sa kabila ng mga sinabi ni Ace Megumi.
"Mali ka. Since from the start, malaki na ang advantage ng kapangyarihan ko sa'yo. I can foresee your future moves while you can't foresee mine."
Napakunot ang noo ni Megumi sa pinahiwatig ni Brynna. Maski ako at ang iba pa naming kasama na may malay ay nahiwagaan sa sinabi niya.
Nainis si Megumi sa inasta ni Brynna ay sumugod dito ng hindi na nagdalawang-isip. Nakakapagtaka na hindi man gumalaw si Brynna at nakangiti pa habang sinasalubong ang paparating na pag-atake ni Ace Megumi.
Samantala ay nasagot ang katanungan naming lahat ng biglang umilaw sa harapan ni Brynna ng makalapit na si Megumi sa kanya. Nang una ay sobrang silaw ng liwanag kaya napapikit kaming lahat at ng maglaho ito ay dumilat agad kami para makita kung anong nangyari.
Tumambad sa amin si Megumi na nakahandusay na sa sahig habang nasa likuran na niya si Rexsha na karga-karga si Brynna. Biglang nanliit ang mata ko sa kanya. Para kasi siyang lalaki ngayon habang bitbit si Brynna, pero kalaunan ay napangiti rin ako. Salamat naman at ayos lang siya. Nanghihina man ay pinilit kong makatayo at lumapit sa kanila.
"And that is the advantage of our power. Because I can see the future, It's my choice to change it or not," rinig kong usal pa ni Brynna kay Megumi bago siya mawalan ng malay nang makarating ako sa direksyon nila.
"Gibo, paano ka nakadating dito?" Kausap ko kay Rexsha ng makita niya ko.
Nakakapagtaka nga na sobrang ayos lang siya ngayon at wala man lang akong nakitang ano mang galos ng tingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Samantala, tiningnan muna niya ko ng masama bago sinagot ang tanong ko.
"Pagkatapos kasi ako kuhanin ng kalaban kanina ay agad ko siyang sununtok pagkahinto na pagkahinto namin sa isang lugar." Napapoker-face ako sa naging pahayag niya.
Hindi ko alam kung anong masasabi ko kay Rexsha dahil sa ginawa niya. Akalin mong isang suntok lang niya ay tulog na ang kalaban? Useless pala ang magic niya kung ganon.
"Pagkatapos ay naglakad-lakad ako at hinanap ko hanggang sa narinig ko ang boses ni Brynna sa isipan ko. Tinuro niya sa akin ang daan papunta sa inyo." Pagpapatuloy niya pa sa pagkukuwento.
Ganon pala ang kabuuang nangyari. Siguro ay nakita ni Brynna ang hinaharap at nakita niya si Rexsha. Kaya kinausap niya ito para tulungan kami.
Napahinto ang pag-uusap namin ni Rexsha ng makaramdam kami ng mga presensiya mula sa aming likuran. Napalingon kaming dalawa at doon namin nakita sina Mitch, Black Devil at Black Rose na hinang-hina na at maraming galos lalo na sina Mitch at Black Devil na lumaban sa liquid manipulator at water elementalist.
"We already win against the enemy." Pahayag ni Black Rose sa amin.
Halatang pinipilit nalang ng dalawa na niyang kasama na makatayo kahit hinang-hina. Isang tango lang ang tinugon ko sa kanya since sa direksyon ko naman siya nakatingin.
We successfully finish our task, pero sa aming lahat ay si Brynna ay may pinakamalaking napinsala sa katawan. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao at napayuko. Lumingon ako kay Megumi na nakahiga at walang tunog na lumuluha.
"This is what you want? A fight? A war? This is bullshit! Kahit saan banda mong tingnan, ang mahika ay hindi ginagamit para makapanakit ng isang nilalang. We use it to protect our loveonce. Because to your close minded, you just want war for no reason," pahayag ko sa kanya at tinalikuran na namin siya nina Rexsha.
Maybe in a different way, we have something in common. Lumingon ako sa direksyon ni Brynna. Sometimes, I wanted to argue with her for no reason too.