Kendrix POV.
"Got you."
Natigilan kaming lahat ng may magsalita sa likod ni Rexsha. Mga ilang sandali pa ay nawala ang tanging ilaw na naggagagabay sa amin sa dilim na gawa ng kapangyarihan ni Rexsha at narinig nalang namin bigla ang pagsigaw niya. Tsk! This can't be!
"Gibo, where are you?!" sigaw ko.
Ngunit walang sumasagot na Rexsha sa akin.
"Wait... Maybe, I can handle this darkness." saad ni Black Rose mula sa kung saan. Hindi ko kasi makita kung nasaan siya ngayon.
Oo nga pala, Black Rose is a shadow magic user.
"By the way, kailangan na nating matapos agad ang leader nila. Kaya iwan nalang natin ito sa kamay ni Black Rose." wika naman ni EmpressAffy.
"Huh? But how about my comrade, Gibo?" inis na tanong ko sa kanya.
Narinig kong may nagbuntong hininga sa sinabi ko, pero hindi ko alam kung sino ito.
"I trust that Black rose know what to do to bring her back. Just trust her... even though she's not your guildmate." si Bunnychan naman ngayon ang nagsalita.
Pumikit ako at muling inalala kung bakit kami nandito. Tama, dahil may misyon kaming dapat gawin at tapusin sa utos ng bawat guild master namin. First, Brynna and now, Rexsha...
"Please gold keys! I command thee! Shine yourselves and light our way!" Tatiana
Nagliwanag ng sobra ang paligid dahil sa gold keys ni Tatiana at sa wakas, ay nakita na din namin ang daan papunta sa master ng G-Dragon guild. Ang hagdanan pataas ng second floor kung nasaan ngayon ang kanilang master.
Nang makaakyat kami sa second floor, nagpalinga-linga kami sa paligid habang naglalakad. Baka kasi nasa paligid lang ang mga kalaban at hindi na naman namin napapansin. Ngunit pagtungtong ko pa lang dito sa second floor, kakaiba na agad ang naramdaman ko. Parang sobrang bagal ng paglalakad namin at parang sobrang bagal ng oras? Okay, mukhang weird na yung pinagsasabi ko. Nagugutom na yata ako.
"Aackk. . . Mag-ingat kayo. . . Ang master. Gumagamit ng. . ."
Napalingon kaming lahat kay Brynna na pinipilit na magsalita. Mukhang ngayon lang din siya nagkamalay. Pero teka. . . Ano ba ang nais niyang sabihin sa amin?
"Mag-ingat. . . Mag-ingat kayo. . ." Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Brynna.
Nagtatanong ang uri ng mga tingin naming lahat. Lalo kaming naging alisto sa paligid dahil sa babala ni Brynna. Nakaramdam kami bigla ng kakaibang presensiya sa paligid. Nagpumilit na tumayo si Brynna kahit halata namang hinang-hina pa rin siya.
Lumapit ako sa kanya para alalayan siya sa pagtayo.
"Oh? Ang sweet naman. Dapat ko na ba kayong palakpakan at hangaan?" Muli kaming nagpalinga-linga sa paligid nang may marinig kaming boses.
"Nasaan kayo?! Lumabas na kayo at harapin niyo kami!" sigaw ni Tatiana.
Tsk. Nasaan na ba ang mga kalaban? At ano ba ang gustong sabihin sa amin ni Brynna?
"Nagmamadali yata kayo. May lakad ba kayo?" Fine. If you really want to see us badly, then we will going to see you." Biglang nagkaroon ng isang space sa ere at lumabas doon ang anim na babae. Sigurado akong isa sa kanila ang master ng guild na ito.
"Hi. Its nice to finally see you," nakangiting pagbati ng isa sa mga babae. May hawak-hawak pa siyang parang isang bolang crystal.
"I'm already tired. So, let's play now. Okay?" nakangiting dugtong pa nito at sa isang iglap ay hinila nila ang bawat isa sa amin at pinaghiwa-hiwalay kami sa aming mga kasama dito sa loob ng silid.
Kinuha ako ng isang babaeng may mahaba at straight na buhok na kulay indigo at dinala ako malapit sa bintana. Samantala, nakagat ko ang aking ibabang labi ng makitang may kalaban ding humila kay Brynna. Habang nakaupo lamang ang isa sa kanila na sa tingin ko ay master nila.
"Ako nga pala si Akira," nakangiting pakilala ng kaharap ko ngayon.
Inis ko siyang binalingan ng tingin.
"Wala akong panahon para sa'yo," inis kong bulyaw sa kanya.
"If you really wants to save your friends, you can kill me first. But I guess, that will never happened." Lalo akong nainis dahil sa inusal ng kaharap ko. Kaya nauna na kong sumugod sa kanya.
With my poison magic, hinawakan ko ang isang mahabang bakal na nasa gilid ko at ginawa iyong isang bakal na may lason. Iyon ang ginawa kong armas laban sa kanya. Tumalon ako sa himpapawid at iniamba sa kanya ang poisonous weapon ko. Subalit naglanding lamang ako sa sahig ng hindi siya tinamaan o nadaplisan man lang dahil bigla siyang nawala sa paningin ko.
"I use the telepathy magic." Napalingon sa aking likuran ng manggaling doon ang narinig kong boses.
Kaya pala bigla na lamang siyang nawala sa pangingin ko. Gusto kong matawa sa lagay ko ngayon dahil sa hindi ko man lang magawang matapos agad ang kalaban na kaharap ko ngayon, ang kalaban na may simpleng mahika lang.
Napayuko ako. Talagang nag-aalala ako ngayon sa kalagayan ni Brynna, Green Lion. Gustong-gusto ko siyang tulungan at tapusin na agad ang mission na ito, pero hindi ko magawa dahil may kalaban pang pumipigil sa akin. Nang iangat ko ang aking ulo ay sumilay ang pilyong ngiti sa aking labi.
Oo nga pala. Ako si Kendrix Knight. Ako nga pala ang klase ng tao na hindi mawawalan ng tawa sa loob ng lamang ng isang araw. Wala na kong pakialam sa mga iisipin ng mga tao sa paligid ko.
Tumawa ako ng malakas. Yung tipong mapapalingon talaga ang lahat ng tao ngayon dito sa direksyon ko. Kaya kahit si Brynna ay napalingon sa akin. Pati na rin yung babaeng nakaupo lang. Pagkatapos kong tumawa ay lumingon ako kay Brynna at nakita ko ang nakakunot niyang noo. Nakangiti ko siyang kinausap sa isip ko.
"Berdeng tigre, paunahan tayo sa pagtalo ng kalaban ha? Kung sino ang mauna ay may utos na kailangang gawin ng natalo." Mas lalong kumunot ang noo ni Brynna dahil sa pinahayag ko.
Hindi siya sumagot sa akin, pero pinagpatuloy niya na ang pakikipaglaban sa babaeng mukhang telepathy din ang kapangyarihan katulad ng kalaban ko. Ganon din ang ginawa ang iba.
Nagpatuloy ang labanan sa paligid. Humarap ako ng nakangiti sa kalaban ko at una ng sumugod ulit sa kanya.
"I'm sorry, but I really do fighting with girl. Lalo na kung naiinis ako sa kanya." Kausap ko sa aking kalaban habang patuloy na lumalaban sa kanya.
Hinipan ko sa hangin ang dala kong bulaklak na may lason sa paligid ko at sa paligid ng lugar na pinaglalabanan namin ngayon ng kalaban ko.
Samantala, sobrang bilis din ng telepathy magic niya dahil patuloy niya lang iniiwas ang bulaklak ko. Kaya pinagpatuloy ko lang ang paglagay ng lason sa direksyon kung nasaan siya sumusulpot. Kaya ang nangyari ay napalibutan na kami ng lasong bulaklak ko. Huminto ako sa paggamit ng mahika. Siguro naman ay wala na siyang maaaring labasan pa malapit dito.