Alexa Yvonne Grey's POV.
Nagtatalon ako sa tuwa habang binalingan ng tingin ang mga ka-guildmate ko.
“Waah! Guys, Kailangan na 'ting mag-party-party dahil nakapasok tayo sa Magic World Games! Yohoo!"
"Yes, master! Pati na rin sa pagtulong-tulong na 'ting lahat na magawa kaagad ang guild!" masayang sigaw din naman ni Crystal Maiden. Isa sa mga members ng guild namin.
By the way, hello! Ako nga pala si Alexa Yvonne Grey. Tawagin n'yo na lang akong Forth dahil ‘yon ang code name ko. Ako nga pala ang master ng guild na 'to na tinatawag na Bubbly Death.
Kung dati ay masaya na talaga ko, ngayon ay gusto ko ng umiyak dahil sa tuwa dahil nga nakapasok kami sa Magic World Games. Mahirap kaya ang pinagawa sa amin bago kami makapasok dito, pero worth it naman kasi nga nakapasok na kami rito.
Summoning weapons pala ang magic na mayroon ako. Kaya kong maglabas ng iba't-ibang armas gamit ang isip ko. Naaalala ko pa rati nang bata pa ako, hindi ko pa ito makontrol kaya kung ano-anong armas ang napapalabas ko kahit hindi 'yon ang gusto kong ipalabas. Kaya asar na asar talaga ko noon, pero nakokontrol ko na ito ngayon. Siyempre, malaki na ko ngayon. Hahaha.
Iyong nagsalita pala kanina, siya si Jonaisah Nadar. Crystal Maiden ang code name niya. Mayroon siyang ice crystal magic. Sobrang ganda ng magic na mayroon siya dahil ang yelong mayroon siya ay talagang tila isang crystal.
"Sige ba! Aalis lang kami sandali ni EmpressAffy para bumili ng mga kakailanganin sa party na 'tin,' nakangiting pahayag ni Bubbly Amythist tungkol sa sinabi ko.
"Oo nga. Yiee. Excited na ako! I love party! Waah!" EmpressAffy
Tumango na lang ako sa kanila bilang tugon pagkatapos ay agad na silang umalis. Hindi nila ginamit ‘yong pinto. Malamang, nag-teleport na naman ang dalawang ‘yon. Haha.
Ang una pala na nagsalita kanina, siya si Thellane Heart Luang. Code name niya ang Bubbly Amythist. May kakayahan siyang makapag-teleport sa mga lugar na alam ng isip niya ngunit ang teleport magic niya ay may limit din. Hindi siya maaaring makapag-teleport sa lugar na hindi naman niya alam at higit sa lahat, sa lugar na sobrang layo sa kanya.
Ang isa namang kasama niya ay si Cielorchrenz Affyman Lizardo. EmpressAffy naman ang code name na mayroon siya. Doll manipulator naman ang magic niya. May kakayahan siyang kumontrol ng mga manika na siya mismo ang may gawa. She's strong dahil bago mo siya mahawakan, kailangan mo munang talunin ang ilang daan niyang mga manika subalit paano nga ba matatalo ang manika na wala namang pakiramdam o emosyon?
Actually, siya dapat ang magiging master namin, pero wala siyang kakayahan para mamuno sa isang guild. Kaya naman ako nalang ang napili nila para pamunuan ang guild na ito.
"Buwaahaha! Ang corny ng jokes mo, Fire Light, pero nakakatawa pa rin. Hahaha!" Yana
"Eh? Ang g**o ng comment mo, Yana. Sige. Pag-bigyan na lang kita. Hahaha." Fire Light
Nadako ang tingin ko sa dalawa na kung makatawa ay wala na yatang bukas. Sila nga pala sina Antonette Parba at Archie Sevilla. Hindi ko alam kung magkaibigan ba talaga sila o magka-ibigan dahil sa super close nila. Yana ang code name ni Parba at Fire Light naman ang code name ni Archie. Siguro close sila dahil may pagkahawig din ang magic na mayroon sila.
Pareho kasi silang fire magic user. ‘Yon nga lang, Dark ang fire ni Yana. Pero, ang kapangyarihan na mayroon sila ay hinding-hindi mai-aapply sa ugali nila. Pareho kasi silang masayahin at makulit.
"Black Devil, gawa tayo ng cake hangga't hindi pa dumadating sina EmpressAffy," nakangiting tawag ni Heart kay Black Devil.
"Sige. Master, p'wede po ba?" Binalingan ako ng tingin ni Black Devil at ngumiti siya sa akin.
"Oo naman. Bakit hindi? Ang sarap kaya ng cake. Hikhik. Makaka-kain na naman ako ng cake. Yehey!" Ngumiti ako pabalik sa kanya.
Favorite ko kaya ang cake. Haha. Sila nga pala sina Psyche Hilton and Charlene Sky. Heart ang code name ni Psyche at Black Devil naman ang code name ni Sky. Sila ang pinakabata sa aming guild kaya silang dalawa rin ang pinakaclose sa isa't isa. Air magic ang kapangyarihan ni Heart. Gano'n din naman ang ugaling mayroon siya. She is so gentle, simple and always take care her friends, but she never see it herself.
Si Black Devil naman ay mayroon namang ice magic, but unlike kay Crystal Maiden. The color of her ice is black. Nagiging red ito kapag nagagalit siya, pero napakaunusual naman dahil bihira or once in a blue moon lang siyang magalit. BackBack to reality, umalis na nga ang dalawa at pumunta sa kusina para magbake ng cake.
"Can't breathe because of your earthy swords? Need help?" Trix
"No. I'm used to it. Thanks for your concern, Trix." Aria Scarlet Angel
Napatingin ako sa dalawa dahil sa sinabi ni Trix kay Aria. Akala ko may problema, pero okay lang naman pala si Aria. Sina Aljen Embrado at Trixia Medrano ay kambal sa aming grupo. Code name ni Aljen ay Aria Scarlet Angel at code naman ni Trixia ay Trix. Kambal sila, but they have different magic. Pareho silang swords user, pero si Aria ay gumagamit ng lupa o bato para makabuo ng iba't-ibang espada. Samantala, si Trix naman ay gumagamit ng hangin para makabuo ng kanyang iba't-ibang espada.
Tinignan ko isa-isa ang mga kagrupo ko at may nabuong salitang tumatak sa isip ko. Tumayo ako at sinabi iyon sa aking mga kaguild.
"First of all, I want this guild to give a smile, a laugh to others. Makikilala tayo bilang taga-paghatid ng ngiti at tawa sa Magic World. Hindi lang 'yon, gusto ko ring maging tila isang warriors ang guild na ito. Warriors na kung saan po-protektahan na 'tin lagi ang isa't-isa at hindi kailanman susuko sa ano mang pagsubok na ibibigay sa atin ng laro na ito. Guild na hinding-hindi agad matitibag ng sino man,” mahabang pahayag ko sa kanila.
Lalong lumawak ang ngiti ng bawat isa dahil sa sinabi ko. Sigurado rin ako na sa mga oras na ito ay nagkaisa ang puso naming lahat.