Angel's POV.
Kumusta? Ay, wait. Magpapakilala muna pala ako sa inyo. Ako nga pala si Angel Quezada at ito ang guild ng Dragonoid. Super saya ko talaga ng matanggap kami bilang isa sa mga manlalaro rito sa contest at ang mas nakapagpasaya pa sa akin ay ako ang napili ng mga ka-guild ko bilang master. Infinity nga pala ang code name ko at time traveler ang magic na mayroon ako. May kakayahan akong mag travel sa iba't ibang oras at gamitin din ito para maiwasan ang pag-atake sa akin ng kalaban ko.
"Master, may mga rules and regulations ba tayo sa guild?”
Siya si Trina Tabon-tabon. Fira ang code name niya at isa siya sa mga members ng Dragonoid. Mayroon siyang fire magic.
"Hindi ba mayroon ng ginawa ang mga official ng school tungkol d'yan? Nasa libro na ‘yan nakasulat eh. Magbasa ka kaya." Blue Recca
Siya naman si Ericka Kim. Water naman ang magic na mayroon siya. Bumuntong hininga ako ng malalim. Si Fira at si Blue Recca ay madalas mag-away katulad ng kapangyarihan nilang fire and water, pero alam ko naman na kung gaano kadalas silang mag-away, gano'n din kadalas silang nag-aalala at close sa isa't-isa.
"Baliw! Hindi naman 'yon ang tinatanong ko eh. Iyong rules and regulations dito mismo sa guild na 'tin!" Fira
At katulad nga ng sinabi ko, nag-aaway na naman sila.
"Tss. Quiet or dead?" Black Rose
Sumimangot ako sa biglaang pagsasalita ni Black Rose. Siya nga pala si Nicole Dashella Sosmena. Ang pinakatahimik at hate na hate ang mga tao sa amin. Ang ugali niya ay parang kapangyarihan niya. Shadow magic. Mahilig kasi siyang magtago sa dilim nang natagpuan namin siya. Paano namin siya naging kaibigan? Basta. Mahabang kuwento at malalaman ninyo pagdating ng tamang panahon.
May kakayahan siyang makontrol ang isang tao kapag nakuha niya ang anino nito at may kakayahan din siyang magtago sa sarili niyang anino mismo. Hanep, 'di ba?
"Tatahimik na po kami!" Magkasabay ng tugon naman ng dalawa rito.
Hindi ko pa nasasabi sa inyo na si Fira at Blue Recca ay may pagkatakot talaga kay Black Rose. Dati kasi nang grabe talaga ang pag-aaway nitong dalawa ay nagalit na talaga rito si Black Rose. Kaya naman kinulong niya ang dalawa sa madilim na anino niya ng ilang araw. Kaya simula noon, hindi na sila nagpasaway ulit kay Black Rose.
"Wow! Ang galing! Nakagawa ka ulit ng panibago mong puppet, Bunnychan?" Ms Crazy
Siya naman si Razel Joy Cabrito. Ang makulit at pinaka-friendly sa amin. Kaya nga Ms. Crazy ang binigay naming code name dito dahil kung minsan ay may pagkabaliw talaga siya. Maximum speed naman ang magic na mayroon siya. Halos hindi na siya makita sa tuwing nakikipaglaban siya dahil nga sa sobrang bilis niya. Hindi lang 'yon, wala pa ni isa sa amin ang nakakita kung paano niya ba sinusugod ang kalaban at ano ang gamit niyang armas dahil nga siya ay may kapangyarihan na maximum speed.
"S'yempre naman, ako pa! Halika at subukan na 'tin." Bunnychan
Siya naman si Kitty Chan Desu. Bunnychan ang code name niya. Napakabait at napakaamo niyang babae, pero ang kapangyarihan niya ay kakaiba. Mayroon siyang micromancer magic kung saan ginagamit niya ang bungo para talunin ang isang kalaban. In short, she can manipulate the skeletons. Pinaka-close niya sa lahat itong si Ms. Crazy.
"Tumigil kayo sa pagsubok d'yan dahil baka mapahamak lang kayo," pagsingit naman ni Amber sa usapan ng dalawa.
Siya si Angelica Mae Reyes. Amber naman ang code name na mayroon siya. Siya ang pinakakalmado at laging walang reaksyon sa aming lahat. Gumagamit naman siya ng bow and arrow. Doon niya pinapalabas ang fire lightning magic niya.
"Kyaah! Stop it! Stop it!"
Natuon ang atensyon ng lahat sa direksyon ni Trizhia. Kahit ako ay napalingon din sa kanya nang bigla na lang siyang tumili ng sobrang lakas. Napailing naman kaming lahat puwera lang kay Black Rose nang malaman kung bakit siya tumili.
Siya nga pala si Trizhia Anne Geronimo. Trizhia lang din ang code name niya at mayroon siyang fire magic katulad ni Fira. Yes, magkapareho sila ng magic, pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali. Med’yo maarte at girly kasi si Trizhia. Samantala, si Fira naman ay med'yo boyish at war freak. Kung bakit naman ganyan siya makatili ngayon, dahil 'yon kay. . .
"Hahahaha! Success! Akala ko ba hindi ko na magagamit sa 'yo ang magic ko? Ano ka ngayon? Hahaha." Memae
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Oo, dahil nga sa kanya. Siya si Rona Mae Hernandez at may knightmare magic siya. Kaya ka niyang bigyan ng isang nakakatakot na panaginip na hindi mo gugustuhing mangyari sa totoong buhay. Well, nagagawa niya 'yon tulog or gising man ang isang tao. Isa itong bangungot, sa madaling salita.
Tumayo ako sa gitna ng guild namin ng may ngiti sa aking labi habang hawak ang video camera na nakita ko sa guild ng Knight Raid. Binigay ito sa akin ng guild master nila nang magkita kami. Sabi niya p'wede ko raw gamitin ito sa aming guild.
"Ang guild na ‘tin ay tatawaging Dragonoid. . ."
Nahinto silang lahat sa kanilang ginagawa nang marinig nila ang boses ko. Natuon ang kanilang atensyon sa gawi ko at biglang natahimik ang buong paligid lalo na nang makita nila ang hawak ko.
"Everyone will call us Dragonoid because we believe and we always believe that the dragons are really exist at dahil d'yan, I want this guild to believe in our comrades unconditionally too like how we believe in dragons. Always remember that love your comrades like you love yourselves and hate your enemy like they hate you."
Ngayon ko lang muli nakita ang ngiti sa kanilang mga labi. Ngiti na nanaisin mong makita araw-araw pagkatapos kong magsalita.
"Master, may mahalagang balita akong sasabihin!" hinihingal na wika ni Ms. Mistique.
Siya si Jade Ruselle Breis. Ms. Mistique ang code name niya. Isa siyang witch, mabait na witch. Kasali siya sa grupo namin.
Ang kaninang nakangiti naming mga mukha ay napalitan bigla ng isang seryosong mukha dahil sa pagdating niya.
"Anong balita iyon?" kalmado kong tanong sa kanya.
"Pinapatawag ng mga official sa school ang lahat ng mga master sa bawat guild. Pag-uusapan daw ang tungkol sa pagsulpot ng dark guild,” paliwanag nito sa amin na amin namang kinabigla.
Dark guild? Sa pagkakaalam ko, ang dark guild ay kalaban ng mga light guild. Sila ang mga wizard na walang sinusunod na batas dito sa Magic World.
Kung gano’n, hindi lang pala ang pagsali sa contest ang kailangan naming paghandaan. Kundi ang pagwasak din sa mga dark guild.