Brynna's POV.
Isang buntong hininga ang napakawalan ni Seles habang nakapalumbaba sa isang mesa.
“Bakit ako pa ang pinili ninyong maging guild master? P’wede namang si Blueboy." Kita naming lahat ang pagsimangot ni Seles pagkatapos magsalita.
"Master, saan ilalagay ‘to?" Pinakita ni Rexsha o Gibo- code name niya- ang hawak niyang kahoy kay Seles.
"D'yan na lang." Tinuro naman ni Seles ang isang espasyo sa gilid ng poste ng guild ng tinatayo namin.
Black Girl nga pala ang code name ni Seles. Hahaha.
“Pasalamat ka nga eh. Hindi mo ginagawa ngayon ang ginagawa namin. Tss. " Nagawa pang umirap ni Kurt kay Seles bago muling nag-ayos ng mga gamit sa loob ng guild.
Hello, guys! Brynna, the white is here! Char. Gumagawa nga pala kami ng guild namin ngayon. Kung saan magiging tambayan ng buong barkada. Tambayan talaga? Haha. Siyempre, dahil master namin si Seles ay hindi siya p’wedeng tumulong. Hanep ng rules, ‘di ba? Yes. Isa ‘yan sa mga rules ng paligsahan.
*
After a long hours, natapos na rin naming gawin ang aming guild! Sabay-sabay kaming napaupo sa sahig dahil sa pagod habang si Seles ay hayahay lang ang buhay.
"Nga pala, paano pala yung practice na ‘tin para sa contest?" bored na tanong ni Daine o Cutey tulad ng code name niya.
Waah! Bakit gano’n? Ang daya. Cutey 'yong code name ni Daine.
"Teka, 'di ba dapat kapag kasali ka sa guild, kailangan tumatanggap ka rin ng request ng mga tao na hindi kasali sa guild?" tanong ni master habang tila may iniisip na kung ano.
Nagkatinginan naman kaming lahat sa pinahayag niya at napaisip na rin.
“Huh? Gano’n ba 'yon? Wala naman sinabi sila Ms Mikhaela ah." Nagsalubong ang dalawang kilay ni Kurt dahil sa sinabi ni Seles. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig at naupo sa sofa na katabi ni Seles.
“Ay, hihi. Akala ko kasi nasa anime world lang ako. Namiss ko tuloy manood ng fairy tail." Humalakhak ng tawa si Seles habang tila may ginugunita na naman.
Eh? Anime? Fairy tail? Ano 'yon? Minsan talaga ang weird ni Seles. Hahaha.
"Ano ba ‘yang pinagsasabi mo, Seles?" hindi na mapigilang tanong ni Alliexynne dito. Mukhang pati siya ay naintriga sa sinasabi ni Seles. Paano, mukhang galing na naman sa ordinaryong mundo ang pinahiwatig ni Seles.
Waah! Ano nga kaya iyon?
“Wala. Huwag n'yo nalang alamin. Maguguluhan lang kayo." Napatingin naman kami kay Iahn o Thunder Boy- ang code name niya- dahil sa kanyang pinahayag.
Nakalimutan kong sabihin. Ang full name nga pala ng kapatid ni Seles ay Iahn Thunder Amores. Kaya naging Thunder Boy ang code name niya. Wala lang. Sinabi ko lang. Huwag n'yo na lang akong pansinin. Hahaha.
"Oo nga, kuya. Tapos 'di ba dapat may mga S-class wizard din dapat tayo para malaman kung sino-sino iyong mga taong pumapangalawa ang lakas sa kanilang master?” Bumaling na rin ng tingin si Seles kay Iahn.
"Tss. Nasa reality kayo, wala kayo sa anime world," masungit na pagsalungat ni Kurt o Blue Boy sa usapan nila Master Seles.
Teka. . . kailan pa nahawaan ni Master Seles at Thunder Boy si Blue Boy?
"Paano mo nalaman ang anime-anime na ‘yan? Huwag mong sabihing mayroon ding anime na pinapanood dito? Pero, wala naman akong nakikitang TV dito sa Magic World ah." Hinarap ni Master Seles si Blue Boy at nagpamewang dito.
Lahat kami ay naghihintay ng isasagot ni Kurt kay Seles. Hindi rin naman kasi namin alam kung paano nalaman ni Kurt ang bagay na 'yon eh.
"May sira ba mga utak ninyo? Noong nakaraang araw pa kayo ah. Hindi ba napadpad ako sa ordinary world dati? Ilang araw ba ko nawala? Kaya nga may ilan sa ordinary world ay alam ko na." Tulad ng dati ay napakasungit pa rin ng pag-uugali ni Kurt. Tss. Wala na talagang pag-asa ang isang ito.
"Hala! Oo nga pala! Ibigsabihin nanonood ka ng gano’n sa kabilang mundo?" tanong ni Thunder Boy kay Blue Boy.
"Tss. Oo. Kaya pala nang una ay hindi ako marunong magbukas ng TV, hindi naman pala talaga ko taga-roon. Sabi pa sa akin ng ibang mga tao doon, taga-bundok daw ako. Natawa pa sila ng hindi ako magreact sa sinabi nila. Tss." Napasimangot si Blue Boy ng balikan ang nakaraan niyang karanasan.
"Pffft. . . Hahahaha. Totoo naman kasi sinabi nila. Wala kayo mas’yadong technology dito eh. Hahaha.” Tawa lang ng tawa si Master Seles habang nakatingin sa nakasimangot pa rin na si Blue Boy.
"Tss. Hindi naman ikaw ang kinakausap ko ah."
Napahinto sa pagtawa si Seles ng bigla na naman siyang sungitan ni Kurt. Bakit parang lagi na lang masungit ngayon si Blue Boy kay Master Seles? Si Kurt talaga. Hahaha.
Kurt's POV.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Bakit parang ang init ng ulo ko kay Seles simula ng makita kong kausap niya si Jastine?Ano bang problema ko? Nakakainis.
“Tss. Ano bang ginawa ko sa 'yo, ha? Bakit ang init ng ulo mo lagi sa 'kin?" Tiningnan niya ko ng masama dahil sa naging asal ko.
Nagagalit na tuloy siya dahil sa ginagawa ko. Bakit nga ba ang init ng ulo ko sa kanya? Muli akong nagbuntong hininga ng malalim. Mababaliw na yata ako.
"Wala. Naaasar lang ako kapag nakikita kita."
Bahagya akong natigilan ng biglang mawala sina Brynna at ang iba sa loob ng bagong tayo naming guild. Ang natira lang sa loob ng guild ay si Seles at ako.
"Tss. Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Sagutin mo ng maayos ang tanong ko kanina! Sasagutin ko ‘yang tanong mo pagkatapos." Naramdaman ko ang inis sa kanyang boses.
Hala! Problema ng babaeng 'to?
"Ilang araw din akong nag-isip sa kung ano ba ang nararamdaman ko. Ilang araw din akong naguluhan ng dahil sa 'yo. Alam mo ba 'yon? Kaya I badly need your answer to my question." Bigla pang sumeryoso ang boses niya kaya nakaramdam ako ng konting kaba sa aking sistema. Trust me, konti lang talaga.
Isa lang ang nasisiguro ko. Hindi ko na siya maintindihan. Ano ba talaga ang gusto niya? Ang labo naman niya ngayong araw.
"Seles, hindi kita maintindihan. Bakit ganyan na ang pinagsasabi mo? P’wedeng ipaliwanag mo?" Tinitigan ko siya ng seryoso sa kanyang mga mata, pero napansin ko ang biglaang pamumula ng kanyang mga pisngi.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Muli akong napabuntong hininga ng malalim.
Selestine's POV.
What happened to me? Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Huminga muna ako ng malalim at saka tinuloy ang sasabihin ko.
"You want to know why? Okay. I will tell you. Nahulog na ko sa 'yo. I think I already love you more than just a friend." Naikagat ko ang aking ibabang labi dahil sa nasabi at napaiwas din ako ng tingin sa kanya.
Oo na! Huwag ninyo na kong asarin. Hindi rin ba kayo makapaniwala? Kahit ako hindi rin makapaniwala eh. Kaya lang, bakit ngayon ako nagconfess ng nararamdaman ko? Wala ako sa timing eh, pero ang totoo ay gusto kong umiyak sa pagtrato niya sa 'kin ngayon. Lalo na ng sabihin niyang naaasar siya kapag nakikita ako. BiglaBigla siyang umiwas ng tingin sa 'kin, dahilan para gusto lalong malaglag ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Ganon ba? But, I am- I mean, I’m not. . . I'm sorry." Naglakad na siya paalis ng hindi ako tinitingnan.
Tuluyan na ngang nagsibagsakan ang aking mga luha. Hindi na dapat ako umamin eh.
‘Erase Kurt's memories about this' Inutusan ko ang aking isipan.
Mas gugustuhin ko pang burahin na lang ang memorya niya tungkol dito dahil baka makahalata pa ng iba naming mga kaibigan. Masaya na kong malaman ang nararamdaman ni Kurt sa akin.
"Seles, anong ginawa mo at pinalabas mo kami ng guild?" tanong ni Brynna ng makapasok na ulit sila sa guild.
"Ah, wala. May gagawin lang sana akong secret training para sa inyo. Hahaha." Peke akong tumawa sa kanila.
"Seles, umiyak ka ba?"
Natigilan ako sa tanong ni Alliexynne, pero hindi ko pinahalata sa kanila ang totoo.
"Hindi no. Bakit naman ako iiyak? Sige na. Magpahinga na muna tayong lahat," sagot ko at iniwan na sila.
Nang tuluyan na kong makaalis sa kanila, isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Sana si Samaine nalang ako. Nagagawa niyang sabihin ng harapan ang nararamdaman niya kay kuya Iahn.