Selestine's POV. Nahahati ang kinalalagyan ng grupo namin ngayon. Ang iba ay nasa guild upang bantayan si Horin at ang iba naman ay nandito sa laro. Sa totoo lang ay nais namin magpa-iwan lahat para sa kaibigan namin, pero wala kaming magagawa dahil isa pa rin kaming official na manlalaro ng grand magic world games. Ang mga nagpa-iwan ay sina Ken, Brynna at Alliexynne since si Brynna ang mga kakayahan na manggamot sa amin. Habang ang iba naman ay dumiretso sa magic world games upang suportahan ang aming kaibigan na sasali ngayon sa ikalawang round ng laro. "Ipagdasal na lang na 'tin na gumaling agad si Horin at maging ligtas ang isa pang kaibigan na 'tin." Walang sumagot sa akin. Nanatili lamang sila na nakatingin sa hologram. Nandito na kami ngayon sa loob ng aming tent. Hinihintay

