Daine POV. Lumingon ako sa paligid ko. Nang wala akong makitang tao ay bigla akong nakaramdam ng antok at sunod-sunod ang naging paghikab ko. Wala pang ilang minuto simula nang mag-umpisa ang laro, pero tinatamad na agad akong gumalaw. Parang mas maganda kung hindi ako sumali rito. Bumuntong hininga ako ng malalim at saka umupo sa isang malaking bato na nakita kong nakalagay sa gilid ng malalaking pader na gawa sa kulay luntian na mga d**o. Habang nakapalumbaba ako at nakaupo ay pinagmamasdan ko ang iba't-ibang uri ng bulaklak na nasa harapan ko. Wala pang limang minuto nang magsimula ang laro, pero tinatamad na kong gumalaw. Parang gusto ko na lang matulog hanggang matapos ang laro. Kaya lang ay ayaw kong suwayin si Ms Dennise, ang master ng guild namin. Siguro ay kailangan ko rin

