Selestine's POV. Pagkatapos namin makita ang ginawa ni Daine sa una niyang naging kalaban na isang dwarf, hindi na kami nakapagsalita pa. Kahit noon nang maganap ang giyera sa mundo ng mahika, hindi ganito nakipaglaban si Daine. Para siyang nagkaroon ng sikretong training kaya ibang Daine ang napapanood namin ngayon. "Go, Daine! Babe ko 'yan! Go, tapusin mo 'yan!" Napailing na lang kami kay Jeoff na kanina pa sumisigaw. Sa aming lahat na nandito, si Jeoff ang pinaka-supportive kay Daine. "Babe? Paano naging babe si Daine? May nangyari bang melagro sa inyong dalawa?" Napalingon kaming lahat kay Jeoff dahil sa sinabi ni Kuya Iahn. Ngayon lang namin naunawaan ang pinahayag ni Jeoff kanina. Naghintay kami ng sagot mula kay Jeoff, pero ngumiti lang siya sa amin. "Well, alam ko nam

