MIKHAELA POV. Nakapalumbaba ako sa lamesa habang nakikinig sa pinagtatalunan ng mga kasama ko. Hindi ko maiwasan mapasimangot dahil sa nangyayari. Araw pa naman ng pagdiriwang ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. "Ikaw, Mikhaela? Alam mo ba kung sino ang may bantay sa kulungan?" Nalipat sa akin bigla ang atensiyon ng lahat. Pakiramdam ko ay naging bida ako bigla sa isang storya. Matutuwa na sana ako kung hindi lang dahil sa seryosong tingin nila sa akin. Nagpamewang ako at ngumiti ng malawak sa kanila. "H-Hindi ko rin alam. Wala ako sa kulungan nang araw na 'yon. Nasa paligsahan ako, hindi ba?" Umiwas ako ng tingin sa kanila pagkatapos magsalita. Totoo naman ang sinabi ko. Nagbantay lang ako ng ilang minuto sa kulungan at pagkatapos ay pinalitan na ko aga

