Selestine's POV. "Selestine! Gumising kana! Kailangan na na 'tin maghanda para sa darating na pagdiriwang ngayong araw." Nagising ako sa malakas na pagyugyog ni Brynna sa braso ko. Naaantok pa ko dahil sa pagpupuyat ko kagabi, pero pinilit kong binuksan ang aking mata para tigilan na ko ni Brynna. "Anong pagdiriwang, Brynna? Hindi ba p'wedeng matulog pa tayo? Napuyat ako kagabi dahil sa walang hintong pagsasanay para sa huling patimpalak." Kinusot ko ang aking mga mata at humikab. Malinaw kong nakita ang mukha ni Brynna sa harapan ko na nakasimangot at magkakrus ang dalawang kamay. Nasa tabi niya si Alliexynne na tahimik lamang habang nakangiti sa 'kin. She murmored 'good morning' without making any sound. "Seles, kailangan na 'ting maghanda para sa pagdiriwang kaya huwag kana m

