Brynna's POV.
"Sigurado ba kayo na dito ang meeting place? Sa bakanteng lote na to?"
Hindi ko alam kung ilang beses ko na yang naitanong sa dalawang kasama ko ngayon. Kanina pa kasi kami naghihintay. Pero hanggang ngayon hindi pa din dumadating yung iba pang members sa ibang guild.
"Makuletong ka naman, Green Lion. Sinabi ng dito nga yun eh. Maghintay ka lang kasi." Ken
"Hoy, Purple Tiger! Baka ikaw yung makuletong! Kanina pa kaya tayo naghihintay dito no." sagot ko naman sa kanya.
Di ba siya naman talaga ang makuletong at hindi ako? Hindi ba?
"Tsk. Babalik nalang kaya ako sa guild? Akala ko may naghahamon ng away kaya sumama ako. Pero parang umatras yata yung mga kalaban. Natakot siguro. Kaya lang okay na din kasi nakakapanood naman ako ng away ng mag lovers. *Tango-tango* Sabi ko na nga ba at tama ang desisyon ko eh." Rexsha
Sabay kaming napalingon ni Ken kay Rexsha dahil sa sinabi niya.
"We're not lovers, Gibo!" magkasabay na sigaw namin ni Ken kay Rexsha.
Tsk. Kahit kailan gaya-gaya talaga siya.
"Hindi ako Gibo! Ano, sapakan nalang tayo?!" Rexsha
Napatigil kami sa pagtatalo ng may marinig kaming ingay sa paligid.
"Waaah! May bungo! Ke- I mean Purple Tiger, may bungo! May gumagalaw na bungo!" sigaw ko at nagtago sa likod ni Ken dahil sa takot. Si Ken at Rexsha ay nagpalit ng damit into fight attire. Ngunit ako ay walang magawa kundi magtago sa likod ni Ken dahil sa takot.
"My, my. Nice to meet you. I'm Bunnychan and I have a micromancer magic."
"Waaah! Nagsalita yung bungo!" sigaw ko.
Bigla naman akong binatukan ni Rexsha. Ouch... Sakit kaya. Huhu.
"Bulag ka ba? May tao sa likod ng bungo. Micromancer siya. Micromancer. Hayyst." Rexsha
Natigilan naman ako sa sinabi niya at tiningnan kung may tao nga ba sa likod ng bungo at nang makita kong may lumabas na tao sa likod ng bungo ay agad akong umalis sa likod ni Ken. Napansin ko naman na bumuntong hininga siya pagkaalis ko. Haha. Natakot din ba siya sa bungo? Haha. Ang bading niya talaga.
"Hello guys! Ako naman si Black Rose. Mula din ako sa Dragonoid guild. Hihi."
Muli akong nabahala ng magsalita ang sarili kong anino at gumalaw pa ito ng kusa.
"Waaaah! Yung anino ko! Yung anino ko!" sigaw ko.
"Hala! Sorry kung natakot kita. Shadow nga pala ang magic na meron ako." wika ulit ng anino ko eh teka... hindi ko yata siya anino.
May lumabas na tao mula sa anino ko. Shadow pala ang magic niya? I see. Napapoker face nalang ako.
"Hi, Barbie doll. Kamusta kana?" Rexsha
Muntikan na naman akong mapasigaw nang makita si Rexsha na nakikipag-usap sa isang manika.
"Wow! Your cool! Kasing cool mo yung manika ko." bigla nalang may sumulpot na tao sa tabi ng manika at manghang nakipag-usap kay Rexsha. Ah... Doll manipulator ba siya?
"Really? T-Thank you." tugon ni Rexsha dito at bigla pang namula ang kanyang pisngi.
"I'm EmpressAffy. Doll manipulator ako. Mula sa bubbly death, at ikaw?" EmpressAffy
"G-Gibo. A ring magic from knight raid." nahihiyang pakilala ni Rexsha dito.
Hihi. Ang cute pala ni Rexsha kapag nahihiya siya. Haha. Maya-maya ay biglang lumamig ang paligid. Hala! Umulan pa yata. Pero ibang klase ang lamig na ito eh. Para akong nasa loob ng stock room kung saan nilalagay ang lahat ng pagkain na kailangang palamigin. Hindi naman siguro stock room ito, hindi ba?
"Black Devil, don't use your magic here. Everyone feeling cold to your magic." EmpressAffy
"Sorry, sorry. I'm just you know? Same to all of you. Naiinitan kasi ako. Hayyst. Gusto ko na agad bumalik sa guild."
May isang babae na naman ang nagpakita at dumaan pa siya sa bintana nitong bakanteng lote para makapasok sa loob. Kailan pa naging pintuan ang bintana? Hanep nila ha.
"Teka, guys. Kumpleto na ba tayo?" tanong ko sa kanila.
Sandaling natahimik ang lahat at tila iniisip kung mayroon pang hindi dumadating.
"Wala pa ang ang members mula sa guild ng Thorns of Roses. Kailangan pa na'tin maghintay ng kaunting sandali." saad ni Bunnychan.
"Ano pa nga ba? Maghihintay lang naman, pero sana hindi tayo maghintay sa wala." Ken
Napalingon ako sa direksiyon ni Ken dahil sa kaniyang sinabi. Hahaha. Si Ken pa ba yan?
"Hoy, Purple Tiger. Dami mo namang alam." biro ko sa kaniya dahil sobrang seryoso talaga ng mukha niya.
May problema ba 'to?
"Siyempre nag-aaral ako kumpara naman sa'yo na hindi marunong makinig sa klase at kung minsan tumatakas pa para magtungo sa canteen." sagot naman niya sa akin.
Sa tingin ko wala naman siyang problema. Hahaha. Baliw lang talaga siya.
"Pasensiya na sa paghihintay." Natigilan kaming lahat ng may dumating na dalawang babae.
Sila ay nakasakay o nasa loob ng bubbles at nakalutang. Unti-onti silang bumaba sa lupa kasabay ang pagputok ng bula.
"Galing kami sa Thorns of Roses. Ako si Mitch. I have bubble magic." wika ng isang babae na kulay white ang mata at buhok.
She resemble me about Alliexynne. Haha.
"Ako nama si Tatiana. I am celestial spirit wizard. Please don't be too loud while we taking this so called job. Thank you." wika pa ng isang babaeng kasama niya.
Mukha naman siyang si Daine na sobrang bored ang mukha, pero mukha yatang mas tahimik siya kay Daine. Color yellow din ang mata at buhok niya.
"Ngayong kumpleto na tayo. Maaari na tayong umalis at magtungo sa guild ng G-Dragon." pahayag ko.
Tumango silang lahat bilang pagsang-ayon. Sana ang nakita ko sa hinaharap ay hindi pa ngayon mangyari.
Someone's POV.
"Master, mukha yatang wala pa sila. Bakit hindi nalang tayo ang magtungo sa lugar nila?" wika ng isa sa mga members ko habang nilalaro sa ere ang mga liquid properties.
"Matuto kang maghintay, Dark Princess. Patungo na sila dito sa guild." sagot ko sa kaniya.
"Mukhang tama ang master. Nakikita ko na ang ilan sa kanila patungo dito. Hahaha. Magiging masayang labanan ito." saad pa ng isa ko pang member na kadarating lang.
Gamit niya ang telepathic magic at siguradong nagmasid na naman siya sa paligid. Hahaha.
"Magiging mas masaya sana ang laban kung nandiyan at kasama nila ang mind magic user. Ang master ng Knight Raid." nakasimangot na sagot naman dito ng isa ko pang member.
Ganon din ang kapangyarihan niya. Telepathic magic.
"Haha. Huwag na kayong magtalo. Sa halip ay bigyan nalang natin ng magandang salubong ang ating mga panauhin."
Napangiti silang lahat sa pinahayag ko.
"Masusunod, master." Sabay-sabay na wika nila at mabilis na naglaho.
Ako ay nakaupo pa din sa aking trono at hinihintay ang kanilang pagbabalik. Wala ang mind magic user? Hindi na bale dahil mapapabagsak ko rin naman silang lahat. Hahaha.