Selestine's POV.
"Gosh! Mala-late na ko sa meeting! Nasaan ba kasi ang meeting room?" saad ko sa sarili habang palinga-linga sa paligid.
Kainis kasi eh. Kanina pa ko palakad-lakad dito sa magic world, pero hindi ko mahanap ang meeting room. Sa tinagal ko dito sa magic world, hindi ko pa din kabisado ang pasikot-sikot dito. Sobrang laki din kasi ng lugar.
Hanggang sa napunta ako sa lugar na may parang kubo. 'Parang' kasi nga illusion lang siya. Nacurious ako kaya lumapit ako doon at nang makalapit ako ay biglang yumanig yung paligid. Kaya naman agad ako naalarma. Lalo akong nabahala nang biglang magcrack yung sahig sa gitna. Pagkatapos ay naging mabilis na ang mga pangyayari. Dahil sa biglaang pagkalaglag, hindi ko na nagamit pa ang aking kapangyarihan para mailigtas ang sarili. Sa halip, pumikit na lamang ako at hinintay na bumagsak.
Ngunit makalipas ang ilang minuto ay wala man lang akong naramdaman na sakit buhat sa pagbagsak. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sa aking pagkamulat ay tumambad sa akin ang isang meeting room. Ang kwartong kanina ko pa hinahanap.
Nandito ang lahat ng namumuno sa magic world. Pati na din ang mga master sa ibang guild. Huhu. Ako na nga lang yata ang kulang dito eh. Pero
teka... isa ba tong underground meeting room?
"Okay. Mukhang ang lahat ay nandito na. Maaari na tayong magsimula." Sir Andrew
Umupo ako sa bakanteng upuan kahit na wala talaga akong alam sa nangyayari at wala akong idea sa kung ano ang pag-uusapan namin ngayon. Nakapabilog lahat ng upuan at nasa gitna naman nakatayo lahat ng mga namununo dito sa magic world.
"Una sa lahat, gusto naming ipaalam muna sa inyo ang dahilan kung bakit pinatawag namin kayo." Sir Andrew
"Alam niyo na naman siguro ang tungkol sa light and dark guild, hindi ba? Kamakailan lang, may iniwang note sa harap ng pintuan ng magic world school na nagsasabing, 'Sisirain namin ang magic world at kami ang mamumuno sa mundo ng mahika.' at nakasulat sa ibaba ang pangalan ng guild nila. Ang G-Dragon. Nang una ay inakala naming isa lamang itong biro ng kung sino kaya hindi namin agad ipinaalam sa inyo ang tungkol dito. Isa pa, busy kayo sa paggawa ng guild niyo. Subalit nitong mga nakaraang araw ay may naganap na pagsabog sa loob mismo ng magic world. Nag-imbistiga kami dito at nakita naming may note na namang iniwan ang mga G-Dargon na nagsasabing, 'Simula pa lamang yan ng pagpapabagsak namin sa inyo.'" paliwanag ni sir Clyde.
"Miliit lamang ang naganap na pagsabog at wala namang nasaktan. Ngunit nangangamba kami na baka maulit na naman ang naganap na pagsabog at meron ng masaktan." Tita Sandra
"Kaya naman napagpasiyahan namin na ipatawag ang lahat ng pinuno sa bawat guild para pag-usapan kung paano mapapabagsak ang mga dark guild." Ma'am Mikhaela
Katahimikan. Katahimikan ang namayani sa loob ng meeting room. Tila ang lahat ng pinuno ng bawat guild ay sinusubukan pang intindihan ang lahat ng impormasyong pinahayag sa amin ngayon.
"Kung ganon... pinatawag niyo po ba kami dito para pag-usapan kung paano mapapabagsak ang dark guild?" pagbasag sa katahimikan na tanong ng babae na medyo maikli ang buhok.
"Ganon na nga. Pero bago yun, magpakilala muna kayo sa isa't-isa." tugon naman ni sir Clyde dito.
Nauna ng nagpakilala yung maikli yung buhok na babae. Colorless yung gitna ng mata niya at ganon yung kulay ng buhok niya. Parang katulad ng sa Reyna Disley.
"Ako si Infinity. Time traveler ang magic na meron ako at mula ako sa guild ng Dragonoid." saad nito.
Eh? Time traveler? Akala ko hangin din katulad ng magic ng Reyna. Totoo nga ang sinabi ni nina Alliexy. Hindi mo na maaaring mabilang at masabi kung sino-sino ang mga malalakas dito sa magic world. Pero teka... Infinity? Code name niya lang yun ah. Oo nga pala, bawal pala malaman ng ibang grupo o guild ang totoo pangalan ng bawat isa.
"Ako naman si Dab. Calamity naman ang magic na meron ako at mula ako sa guild ng thorns of roses." wika naman ng isa pang babae na medyo curly yung buhok. Color yellow naman ang kulay ng mata at buhok niya.
Ito pa. Color yellow ay para sa mga may mahinang kapangyarihan, pero ang calamity magic... Masasabi pa din ba na mahina ang magic na meron siya kung siya ang master ng guild nila?
"Ako naman si Forth. Summoning weapon ang magic ko at mula ako sa guild ng bubbly death." saad naman ng isa pang babae na mahaba at straight ang buhok. Kulay red naman ang kulay ng mata at buhok niya.
The way she act, para siyang si Rexsha. Pero sa tingin ko isa siyang masayahing tao. Pagkatapos ay nabaling naman sa akin ang atensyon ng lahat. Hehe. Ako na yata ang magpapakilala.
"Ako si B-Black girl. Mind magic ang meron ako at mula ako sa knight raid guild." nahihiyang pakilala ko sa sarili.
Kainis kasi eh. Bakit ba Black girl ang naging code name ko? Samantala, natigilan naman silang tatlo at tinitigan ako. Eh? Anong meron sa mukha ko? May dumi ba ko sa mukha?
"Okay. Now, gusto ko sanang magpadala kayo ng ilan sa mga members sa guild niyo para kalabanin ang dark guild. Lahat ng members na ipapadala niyo ay magsasama-sama para pabagsakin ang dark guild na yun." Sir Clyde
Tumaas ng kamay si Infinity at nagtanong dito.
"Bakit kailangan pang magsama-sama kung pwede namang one light guild vs. one dark guild nalang? That way, mas mapapadali pa ang pagbagsak ng dark guild. Hindi ba?" Tanong ni Infinity sa mga teacher.
"Dahil hindi maaaring malaman ng lahat ang tungkol sa dark guild. Kung mawawala ang lahat ng mga kasama sa contest, hindi malayong isipin ng iba na may nangyayari na namang hindi maganda." Ma'am Mikhaela
"Kaya naman hangga't maaari ay kailangan din tayong mag-ingat. Mag-ingat na huwag itong sabihin sa iba dahil baka magkaroon na naman ng g**o dito sa magic world." Tita Sandra
"So sang-ayon na ba kayo?" Sir Andrew
Tumango kaming apat bilang pagsang-ayon. Pagkatapos ay pinabalik na kami sa kanya-kanya naming guild para sabihin din sa mga members namin ang mga napag-usapan.
Habang naglalakad papuntang guild ay napaisip ako. Paano kung hindi namin napigilan ang dark guild? Paano kung manalo sila laban sa amin? Magkakaroon na naman ba ng panibagong war? Dahil sa naisip ay napabuntong hininga nalang ako. Kakatapos lang ng pangalawang giyera sa magic world at pagkatapos may nagbabanta na naman na panibagong giyera. Bakit ba gustong-gusto nila ang giyera eh puro sakit lang naman ang nagdudulot ng giyera. Ayoko ng maulit ulit ang nangyari dati. Gusto ko na ng kapayapaan. Pero ayon sa pinahayag ng mga pinuno sa magic world, mas lalo lang tumibay ang hinala ko. Ang hinala ko tungkol sa hinaharap na nakita ni Brynna. Kung saan ang magic world ay guguho at maglalaho sa kasaysayan.