Selestine's POV. Nakahinga ako ng malalim pagkatapos manalo ni Rexsha laban sa dalawang member ng Thorn of Roses. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makalimutan ang ginawa ni Rexsha kanina. Akala namin ay susugod na siya sa kalaban kanina, pero hindi namin inakala na si Stave mismo ang balak niyang patulugin. Actually, inaasahan ko na talaga na may gagawing kakaiba si Rexsha sa gitna ng laban dahil sa ugali niya, pero hindi ko naman akalain na papatulugin niya mismo ang kakampi niya. Hindi man namin maintindihan kung bakit ginawa 'yon ni Rexsha kay Stave ay nakaramdam pa rin kami ng pag-aalala kay Rexsha dahil mag-isa na lang siyang lalaban sa dalawang member ng Thorn of Roses. Napailing ang mga kasama ko kanina dahil sa ginawa ni Rexsha, pero nabahala kami nang makitang hindi

