SELESTINE'S POV. Tumambad ang kalaban sa aming harapan mula sa Dragonoid guild. Nag-iisa lang siya, pero halatang wala pa siyang nakakasalubong na kalaban dahil ramdam namin ang malakas niyang presensiya kasama na rin ang walang galos niyang katawan. Nagkatitigan kaming dalawa. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Tila nakikiramdam sa isa't isa at sa sobrang tahimik ng kapaligiran ay dinig ko na rin ang aking paghinga. Nang maramdaman kong kikilos na ang kalaban ay inihanda ko na ang aking sarili. Maaaring malaki ang tiyansa namin ni Kurt kumpara sa kalaban dahil nag-iisa lang siya, pero pareho na kaming nanghihina ni Kurt at malapit na rin kaming maubusan ng lakas. Kahit ipagsama pa siguro namin ang aming lakas ay hindi namin kakayanin ang kalaban na nasa har

