Chapter 44

1292 Words

SELESTINE'S POV. Marami na ang naalis sa laro at konti na lang kaming naglalaban. May isa na rin sa ka-guild ko ang natanggal at 'yon ay si Alliexynne. Hindi naman siya natalo sa ilang laban. Sadyang mautak lang ang kalaban na nakakita kay Alliexynne kaya siya natalo. Habang nalilibang kasi si Alliexynne ay bigla na lang nitong kinuha ang papel na naglalaman ng totoong pangalan ni Alliexynne nang hindi niya namamalayan. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Hindi ko kasi mapigilan malungkot dahil ako ang master ng guild namin, pero ilang beses na kong muntikan nang matalo ng kalaban kung hindi lang ako tinutulungan lagi ni Kurt. Mas mataas pa naman ang puntos ng kalaban kapag nakakuha sila ng papel na mula sa guild master. Tumingin ako sa katabi kong si Kurt habang patu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD