SELESTINE'S POV. Napagpasiyahan kong maglakad-lakad pagkapunta namin sa Magical Forest. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid habang hawak hawak ko sa aking kamay ang aking baton. Nasa ulo ko naman ang golden crown. Pinikit ko ang aking mata at sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko, pero sumakit agad ang ulo ko. Marahil ay pinipigilan ng Magical Forest na 'to na gamitin sa pinaka malakas ang kapangyarihan ko. Pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad. Ngayon ko lang nakita ang iba't ibang klase ng halaman at bulaklak sa aking paligid at parang kahit na ilang minuto na kong naglalakad ay wala pa rin akong nakakasalubong na kasali sa palaro. Gaano kalawak kaya ang Magical Forest na 'to? Mas'yado yata akong nalibang sa paligid ko kaya hindi ko napansin ang isang halaman

