SELESTINE'S POV. Nagsimula na naman ang araw ng paligsahan pagkatapos ng ilang araw na pamamahinga at isang pagdiriwang. Ilang araw na rin ang nakakalipas nang may mapaginipan ako, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'yon maalis-alis sa isipan ko. Para na itong nakatatak sa aking isipan at hindi ko mabura. "Master, may problema ba? Parang lagi ka na lang kasing nakatulala ngayon." Tumawa si Kendrix pagkatapos niyang magsalita. "Tama ka d'yan, Purple Tiger. Hindi kaya may ginawang kalokohan itong si Blue Boy?" Nakisabay din sa pagtawa si Rexsha kay Kendrix. Isang malalim na buntong hininga na lang ang naitugon ko sa kanila. Pagkatapos ngumiti ako. "Wala akong problema at mali kayo sa sinasabi ninyo. Huwag kayong mag-alala at ituon ninyo na lang ang inyong atensiyon sa unahan."

