ALL FAKE Chapter 36: Memories Pangasinan... NASA biyahe pa lamang kami nina Cyan at Arkanghel ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Sumama ang kakambal ko para makita niya raw si Sam-sam. Si Gabril at Reign lang ang naiwan sa Manila, dahil abala sila sa trabaho nila. Abot-abot ang aking kaba. Sinabi rin sa akin ni Cyan na walang maalala si Samantha. Dahil daw iyon sa aksidenteng nangyari sa kanya two years ago. Kung hindi ko lang sana siya iniwan noon ay wala sana siya kalagayan niya ngayon. Kung hindi lang ako pinangunahan ng galit ko ay hindi sana mawawala ng ganoon sa akin si Samantha. "Hindi naman masakit, Drim. Parang kagat lang ng langgam ang sakit. Trust me," nakangising sabi sa akin ng kakambal ko. Sinamaan ko lang siya nang tingin at pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan

