Chapter 35 SAM-SAM's POV "SAM-SAM! Gising ka na, yuhoo!" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ng best friend kong si Anya Belle at kinatok pa nito ang pintuan ng bahay kubo ko. Oo, nasa labas pa rin siya ng bahay ko. Umagang-umaga, boses na niya ang maririnig ko agad. Humikab pa ako saka ako dahan-dahan na bumangon. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at nilapitan ko ang pintuan ko. Binuksan ito at ang nakangiting mukha ni Anya ang bumungad sa akin. Pero ang mas binigyan ko nang pansinin ay ang dala-dala niyang paperbag na alam ko na kung ano ang laman no'n. "Anya, hindi ba sinabihan na kita na huwag ka nang tumanggap pa ng kahit ano'ng bagay mula sa lalaking iyon?" seryosong tanong ko sa kanya at nawala ang ngiti niya sa labi. "Sam..." sambit niya sa pangalan ko at parang maiiyak

