Chapter 34: Lost "TINAWAGAN ko si Samantha nang gabing iyon... Umiiyak siya at huling sinabi niya sa akin ay pupuntahan ka raw niya sa hospital dahil naaksidente ka!" Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Papunta na si Samantha sa hospital nang gabing iyon? Pero hindi namin siya nakita ni Kuya. Hindi naman siya dumating... Nasaan siya kung ganoon? Dumating ba talaga siya sa hospital? "Dalawang linggo na nanatili sa hospital ang kapatid ko at walang Samantha ang dumating..." sagot sa kanya ni Kuya, "Bakit sa amin niyo siya hinahanap?" dagdag pang tanong ni Kuya. "At dalawang linggo din namin siyang hinanap!" sigaw nito at binuksan ni Dad ang gate para makapasok siya. "Sa loob na lang tayo mag-usap at huminahon muna kayo. Hindi tayo magkakaintindihan kung palagi kayong nags

