Chapter 33: Missing MINOR injury lang naman ang natamo ko sa paa at gagaling naman ito agad. Masuwerte pa rin ako dahil hindi ako napuruhan sa aksidente. Nabigyan na ako nang paunang lunas at hinihintay ko na lamang na dumating ang kakambal ko. Dahil siya ang unang tinawagan ng isang nurse, ayon na rin sa gutso ko para ibalita naman niya sa parents namin ang nangyayari sa akin nang hindi naman sila natataranta sa nangyari sa akin. Na magagawa niyang pakalmahin ang parents namin. Nauna ngang pumunta sa hospital si Kuya Crim at ang nag-aalala niyang mukha ang bumungad sa akin. Putlang-putla ang mukha niya. "Ano ba'ng kalokohan ang ginawa mo, Drim?! Ayos ka lang ba?!" nagpa-panic na tanong niya sa akin at sinipat pa niya ang katawan ko. Napako ang tingin niya sa paa kong nakabenda. "God

