Chapter 32: Space ALAM kong masyado pang maaga o napakabilis nang pangyayari ay nagawa kong ligawan si Samantha kahit may parte sa isip ko ang sinasabi na hindi pa ito ang oras para sa bagay na iyon... Hindi ko nga rin alam kung bakit ang bilis din magbago ng nararamdaman ko kay Carlin...at nailipat ang mga iyon kay Samantha. Nagkagusto ako sa kanya unang kita ko pa lamang sa kanya. Pero habang naiisip ko na may nararamdaman ako sa kanya ay mas lumalaki ito... Umuusbong ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya...umabot sa puntong mahal ko na siya kahit alam kong... Hindi ko pa nakikilala ang tunay na pagkatao ni Sam-sam. Kahit na alam kong wala pa siyang naaalala tungkol sa buhay niya sa nakaraan. Pero binalewala ko iyon dahil ang importante sa akin ay mahal ko siya at mahal niya rin ako.

