Chapter 31: Accident "A-ANO naman ang gagawin natin dito, Dri?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang dinala niya ako sa lugar na ito. Napatingin ako sa paligid at hindi ko naman maiwasan ang mamangha dahil napakaganda nga ng paligid lalo na iba't ibang mga bagay ang makikita mo ngayon. Enchanted Kingdom... "Dri..." tawag ko sa pangalan niya nang hinawakan niya ang kamay ko at inaya niya akong maglakad papasok. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito..." nakangiting sabi niya. "Gabi na, Dri... Ano'ng pinagsasabi mo?" nang-aasar na tanong ko sa kanya... Hinalikan niya lang ang likod ng palad ko na mabilis na ikinapula ng magkabilang pisngi ko. Dahilan marahan niyang pinisil ito. Napasimangot ako. "Manonood tayo ng sine..." Isa sa pinangarap ko ang ganito... Ang makapanood ng

