AF
Chapter 11: Shop with him.
"ANO ulit ang sinabi mo, Sam-sam?" tanong sa akin ni Dri. Hindi ko na rin magawang sumagot pa kanya dahil sa tinawag niyang pangalan sa akin. Gulat naman ako, eh.
Sam-sam, parang ang cute niya kung iyon ang itatawag sa akin. Nickname ko rin naman iyon at pero grabe ang lakas ng impact sa akin. Ang paruparo sa loob ng tummy ko ay nagkakagulo na naman sila. Narinig na naman nila ang crush ng amo nila. Chars.
Gusto ko pang marinig ang pangalan kong binibigkas niya. Nakakapanindig balahibo. Hindi ako magsasawa na marinig iyon nang paulit-ulit. Baka siya pa ang mapagod. Hahaha.
"Ano ulit?" tanong niya sa akin. Hindi naman siya mukhang suplado kahit na nakataas pa ang isang kilay niya at iniipit ng kilikili niya ang leeg ko.
Oh, goodness! Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin at naaamoy ko rin ang nakakaadik niyang perfume! Tapos nakadikit pa ang katawan naming dalawa.
"Sabihin mo," pangungulit pa niya sa akin pero umiling na ako at tipid na ngumiti sa kanya.
"M-May sinabi po ba akong bad words?" tanong ko na nagkukunwaring inosente.
"Narinig ko, Sam-sam," sagot naman niya at napa-pokerface pa siya.
Ayaw ba niya sa mga babaeng nagmumura? Matu-turn off na kaya siya sa akin? Sorry naman, hindi ko talaga sinasadya na iyon ang unang lalabas mula sa bibig ko. Nagulat lang ako kasi hindi ko naman naisip na magiging kapatid ko pa siya.
Iba ang gusto ko, hindi ang kapatid lang. Higit pa.
"N-Narinig niyo naman po. B-Bakit ipapaulit niyo pa sa akin?" kinakabahan na tanong ko. Nanginginig na ang kamay at daliri ko. Hindi naman nakaka-intimidate ang ekspresyon na ipinapakita niya sa akin pero kasi... Kinikilig nga ako dahil sinasakal niya ako sa leeg...
Oo, natutuwa pa ako na sakalin niya ako nang ganito. Ang weird ko, 'no?
"Nagka-amnesia ka na lahat-lahat pero ang bad words na 'yan ang naaalala mo pa rin. Huwag mo na uulitin iyon dahil may kalalagyan talaga 'yang bunganga mo, Sam-sam," banta niya sa akin pero ang sweet pa rin ang dating no'n sa akin.
Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ako natatakot sa banta niya pero curious ako kung aanuhin niya ba ang bunganga ko.
Iki-kiss? Tulad ng mga movie na napapanood ko? Sa mga nobelang nababasa ko? Iyong magsasalita ng bad words ang bidang babae ay hahalikan naman sila ng partner nila.
Hala, ang landi ko naman.
"Please, assist her," sabi niya sa babae at kahit alam kong narinig nito ang pagmumura ko ay ngumiti rin siya kay Dri.
Ang laki ng ngiti ni Ate. Sorry ka na lang po at may girlfriend na ang lalaking pinapantasya mo.
Ako nga na wala ng pag-asa, eh ikaw pa ba?
"Go with her, Sam-sam. Dito lang ako maghihintay," aniya sa akin. Saka niya ako binitawan at lumapit siya sa isang hindi kahabaan na sofa roon.
"Tara, Ma'am," pag-aaya sa akin ng babae at sumunod na rin ako sa kanya.
Dinala niya ako sa mga damit na naka-hunger pa at ang daming magagandang dress dito. Eh, hindi naman ako nagsusuot ng mga ganitong style na dress.
Nilingon ko si Dri na ngayon ay nakatutok na sa phone niya at pinasadahan ko nang tingin ang paligid niya. May ibang customer na nakatingin din sa kanya. Napasimangot ako. Head turner siya.
"Ano po ba ang style na gusto niyo, Ma'am?" magalang pa rin na tanong niya sa akin.
"Actually po, hindi naman po talaga--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Dri mula sa likuran ko.
Nanlaki ang mga matang tiningnan ko siya. Ang bilis naman niyang makalapit sa amin, ah. Kanina lang siyang nakaupo roon sa sofa. Ngayon ay nakatayo na sa likod ko.
"I'll help you to choose your dress, Sam-sam. Samahan mo na lang po siya sa fitting later," casual na sabi ni Dri at yumuko lang din ang kausap niya.
"Come, choose whatever you want."
"P-Parang hindi naman po yata ako nagsusuot ng mga ganito," nauutal kong sabi dahil ang lapit lang ng mukha niya sa akin.
Kailangan pa ba niyang yumuko sa akin para lamang ma-level ang tangkad ko? Kulang pa ang height ko sa kanya, 'no?
"What do you want? Gusto mong magsuot ng T-shirt, short-shorts or pants?" tanong niya. Maong na pantalon at simpleng dress lang naman ang isinusuot ko sa amin.
At hindi pa ako nakakapagsuot ng ganitong magagarang at magagandang dress. Parang wala akong self-confidence na magsuot ng mga ganito. Nahihiya ako.
Pero gusto ko silang lahat. Ang colorful nila kasi. Masarap sa mata.
"Come on. Ako naman ang magbabayad," giit niya sa akin.
"Kahit na. Gusto ko 'yong ganito na lang, oh," sabi ko at ininguso ko pa ang suot-suot ko ngayon.
Nag-init ang pisngi ko nang pasadahan niya rin ang katawan ko, kahit na ang damit naman niya ito. Pero huminto na naman siya sa dibdib ko. Alam kong malaki iyon, eh!
"P-Pipili na lang po ako," natatarantang sabi ko at hindi na ako nagdalawang isip na basta na lamang kinuha ang isang pink na dress.
Kinuha iyon sa akin ni Dri at tinapat niya sa akin, "I think bagay ito sa 'yo," sabi niya nang nakangiti.
Tiningnan ko ang style na nakuha ko. Spaghetti strap dress iyon! Sa dami-rami nang mapipili ko ay bakit ito pa?! Above the knee naman ang haba niya pero ang sexy ng pataas niya.
"Try it. Wear this one, Sam-sam," utas niya.
"B-Bakit po Sam-sam ang tawag mo sa akin?" nauutal kong tanong. Nauutal na lang ako palagi.
"Cyan told me to call you like that. Since hindi ka nga nakakaalala at wala ka pang pangalan," sagot niya sa akin.
Ang Cyan na 'yon. May nalalaman talaga siya tungkol sa pagkatao ko. Natatakot na kinakabahan ako. Dapat na ba akong maghanda? Ano kaya ang pakay sa akin ng lalaking iyon? Maliban kay Nanay na hinahanap niya nang nasa Pangasinan pa ako.
At bakit mukhang pinagtatakpan niya ang kasinungalingan ko na hindi ko rin naman ginusto? Ano'ng plano niya? Kakampi ko kaya siya? Bakit tinatago niya ang katotohanan mula sa kaibigan niya?
Ang dami ko na namang katanungan na hindi kayang sagutin isa-isa. Mas kinakabahan lang ako.
Napaigtad ako nang maramdaman ko ang pamilyar na kamay ni Dri sa magkabilang balikat ko.
Wala sa sariling napatingin ako sa kanya at diretso kong tinitigan ang singkit niyang mga mata. Nababasa ko ang pag-aalala no'n. Nag-aalala siya sa akin.
"Ayos ka lang ba? You're spacing out, Sam-sam. Huwag mo munang problemahin ang amnesia mo. Kailangan mong magpagaling at makakaalala ka rin naman," sabi niya sa akin at nag-relax na ang katawan ko. Halos manginig pa ako sa kaba.
"A-Ayos lang po ako," sagot ko at tipid na ngumiti sa kanya pero nanatiling seryoso ang ekspresyon niya. Parang hindi siya kumbinsido na ayos lang talaga ako.
"Natulala ka kanina at parang ang lalim ng iniisip mo. Ayos ka lang ba talaga?" paniguradong tanong pa niya sa akin.
"Naalala ko lang po ang panaginip ko kagabi," pagdadahilan ko kahit hindi naman iyon ang totoong dahilan kung bakit ako natulala o hindi na nakaimik kanina.
Isa rin naman iyon sa kinatakutan ko ang panaginip ko pero mas natatakot ako na baka balang araw ay magagalit si Dri sa akin. Na baka kamumuhian niya ako dahil sa kasinungalingan ko.
"Ang tungkol doon. Ano ba ang napaginipan mo?"
"Naaksidente raw po ako," sagot ko naman.
"Na totoong nangyari naman sa 'yo," sabi niya. Mabilis na umiling ako.
"Kakaiba po ang nangyari sa akin. Dahil... Dahil hindi po ako binalikan ng may ari ng sasakyan na 'yon. N-Nakahiga lang daw po ako sa gitna ng kalsada... M-Maraming dugo... Parang naliligo ako ng sarili kong dugo... Ang bigat sa dibdib pero unti-unti ko pong nararamdaman ang paghinto nang t***k ng puso ko," mahabang kuwento ko sa kanya.
Hindi na ako nagulat nang hawakan niya ang mukha ko at marahan na pinunasan ng hinlalaki niyang daliri ang pisngi ko. Hindi ko akalain na lumuluha na pala ako. Ganoon na ba ako katakot sa panaginip na iyon? Ni hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako?
"Tahan na..." pag-aalo niya sa akin. Bigla ba naman akong umiyak.
Kinabig niya ang ulo ko at dinala iyon sa dibdib niya saka niya hinaplos nang marahan ang buhok ko pababa sa likod ko.
"It's just a dream. Hinding-hindi na iyon mangyayari pa sa 'yo. Hangga't nandito ako sa tabi mo ay hindi ko hahayaan na masaktan ka. Don't cry, I'm always here," malambing na sabi niya sa akin. Kinikilig na naman ang buong kalamnan ko.
Ang drama mo kasi Sam-sam, "A-Ayos lang ba si Ma'am, Sir?" narinig kong tanong ng babae kay Dri.
"Yeah. She just remembered something but she's okay now," sagot niya at humigpit ang yakap niya sa akin. Saglit lang din iyon at ako na unang kumalas sa yakapan namin saka ako ngumiti sa kanya.
"Susuotin ko na po 'to, ah," sabi ko at pinunasan ko pa ang luhang nasa pisngi ko.
"Go on. Gusto kong makita na suot-suot mo 'yan," aniya sa akin at agad na akong sinamahan ng babae sa fitting room.
Tinulungan pa niya akong isuot ang damit na hinablot ko lang at pagkatapos ay nakatingin ako sa malaking salamin sa loob ng fitting room.
Sabi na, eh. Masyadong hapit sa akin ang dress, lalo na sa bandang dibdib ko. Spaghetti strap kasi ang style niya. Mabuti at hindi masyadong revealing ang cleavage ko. Kaunti lang ang makikita roon.
Napasinghap ako nang hinawakan niya ang siko ko at inaya akong lumabas.
"Hala..." sabi ko at naabutan ko naman si Dri na nakaabang na sa amin at mabilis na napatingin siya sa akin. Pero hindi iyon nagtagal sa mukha ko. Dahil mas napako ang tingin niya sa dress na suot ko.
Umigting ang panga niya at nasundan ko na naman ang labi niyang bumigkas ng bad words. Kung sa kanya ay ayos lang? Eh, sa akin na hindi ko naman sinasadya na iyon ang masabi ko dahil sa gulat ko?
"Bagay po ba sa kanya, Sir? Tamang-tama po ang size na napili niyo," ani ng babae sa kanya.
Tulala lang siya habang nakatingin sa akin. Tapos kinagat pa niya ang bottom lip niya. Nagpipigil na ano.
"Ganyang size na lang din and please, hindi masyadong revealing sana," sabi niya rito.
Lumapit naman ako sa kanya at kahit nahihiya pa ako ay nagawa ko pa rin ang ngumiti sa kanya. Dahil sexy ang suot ko ay mas nararamdaman ko ang lamig ng aircon.
"Bagay po ba sa akin?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya. Umawang pa ang mga labi niya at parang hindi niya ako matingnan nang maayos.
Kaya hinahabol ko ang tingin niya, "Hindi po bagay sa akin? Dri?" untag na tanong ko sa kanya at dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya na gusto niya ay mabilis na tiningnan niya ako.
"B-Bagay sa 'yo," iyon lang ang sinabi niya at hinila niya ako pabalik sa fitting room.
"Sige na, magpalit ka na. Kukunin na natin 'yan," sabi niya lang kaya humahaba ang nguso ko dahil iyon lang ang sinabi niya sa akin.
Ang unfair naman. Iyon lang talaga ang sasabihin niya sa akin? Bagay sa akin? Hindi ba ako maganda?
Sabagay may band-Aid pa ako sa noo ko kaya hindi niya kayang i-appreciate ang ganda ko, tsk.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin naman ako pero hindi na rin ako umiimik. Hanggang sa makapagbayad si Dri ay nanatili pa ring tiklop ang bibig ko.
Dismayado ako sa nakuha kong kasagutan sa tanong ko kanina. Bagay lang sa akin?
"Ang tahimik mo naman," pukaw niya sa akin nang hawak-hawak na niya ang maraming paperbag. Hindi ko rin siya sinuway sa dami ng binili niya.
Sabi ko sa inyo ay disappointed ako!
Nauna pa akong naglakad kaysa sa kanya at hindi niya rin ako pinatulong sa pagdala ng paperbag.
"Wait a minute. Dahan-dahan ka lang sa paglalakad. Sam-sam," suway niya sa akin pero hindi ko siya kinibo.
Sunud-sunod lang ang paghakbang ko pero napahinto rin ako nang may humawak sa siko ko at pinaharap niya ako sa kanya.
Si Dri lang pala at mukhang frustrated na siya sa akin.
"Ano'ng problema? Bakit hindi mo ako kinakausap at kanina ka pang tahimik?" nakakunot-noong tanong niya sa akin at nasa magkabilang baywang niya ang dalawang kamay niya.
Nasaan na ang mga dala-dala niyang pinamili namin?
"Sam-sam."
"Bakit pa natin binili ang mga 'yan, eh hindi naman maganda sa akin?" sa halip ay iyon ang itinanong ko sa kanya. Mas lalong lumalalim ang gatla sa noo niya.
"Dahil ba ito sa sinabi ko kanina sa 'yo? Damn it, Sam-sam. Hindi lang bagay sa 'yo ang damit na iyon," salubong ang kilay na sabi niya.
"Ano?" pag-uulit ko.
"Magandang-maganda ka sa damit mo at alam kong makakakuha ka ng maraming atensyon doon," sabi niya sa akin at hayon na naman ang pagbilis nang t***k ng puso ko.
Sasagot pa sana ako nang may sumabat sa amin...na babae.
"Drim. Drimson, sabi ko na nga ba ay ikaw 'yan."
"Fauzia?"
Fauzia? Sino naman 'yan?