CHAPTER 12

1868 Words
AF Chapter 12: Meeting the other girl and Kuya Crim "SINO ang kasama mo, Drim? Are you with your girlfriend ba, Carlin?" tanong ng babae kay Dri at napakaarte ng paraan nang pananalita niya. Alam kong rich kid si ate girl. Sa kilos din niya ay napa-sophisticated niya. Nakasuot siya ng puting sleeveless blouse na masyadong mababa ang neckline nito kaya revealing ang cleavage niya at blue mini-skirt na kitang-kita rin ang mahahaba at maganda niyang legs. Tsk. Pinarisan pa niya ng strap sandal na kung hindi ako nagkakamali ay may 5 inches ang taas no'n. Namilog ang mga mata nito nang tingnan ako kaya napatago ako sa likod ni Dri. Napahawak pa ako sa laylayan ng damit niya at bahagya ko lang din na sinilip ang babae na ngayon ay ginagaya niya rin ang ginagawa ko. Hindi naman ako takot sa kanya. Nag-aalala lang ako sa puwede niyang sabihin sa amin ni Drimson. Pero sino ba siya? Kilala ba niya si Dri? Kaanu-ano niya? O baka ex-girlfriend niya? "Dear, bakit ka nagtatago? Hindi naman ako nang-aaway ng bata, ah," malambing na sabi niya at sinabayan pa nang pagtango. I gritted my teeth. Mukha ba akong bata? "Fauzia. What are you doing here?" malamig na tanong ni Dri sa babae. Suplado pala siya sa ibang tao. Sabagay, dati naman ako ay ganoon siya sa akin. Pero hindi na ako natatakot sa kanya ngayon. Saka kinikilig pa sana ako kanina dahil sa narinig ko na poprotektahan ako ni Dri. Pero umepal ang bobitang ito. Sino ba siya? At bakit ganyan siya kung kausapin si Dri? She's flirting my Dri kaya! Duh, my Dri na? "I'm just her to shop sana when I saw you with this...another girl? Alam ba ni Carlin ang bagay na ito, Drimson? Naabutan ko pa kayo na nakayakap sa isa't isa. Ang sweet nga, eh," sabi niya at tila nananakot pa siya sa amin. "Don't tell me, bagong girlfriend mo na naman ang batang ito?" nanunuyang tanong niya. Mukha ba akong bata?! Kanina pa siya, ah! Hindi naman ako bata! 23 years old na kaya ako! Hindi nga lang alam ni Dri. "Stop it, Fauzia. She's not a kid anymore and for your information ay hindi ko rin siya girlfriend," mariin na sabi ni Dri sa kanya. Nasa boses na naman niya ang iritasyon. Umalis si Dri sa harapan ko kaya mas nakita na ng babae ang mukha ko. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay at nanghuhusga ang paraan nang pagtitig niya sa akin. "Who are you?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko naman alam ang tamang sasabihin sa kanya o isasagot. Humakbang siya palapit sa akin pero hindi na niya nagawa pa dahil hinatak na ako paalis ni Dri. Sinulyapan ko pa ang babae na may ngisi sa labi. Ang creepy niya... "Makakarating ito sa kanya, Drimson. Hindi puwedeng hindi," pahabol na sabi niya at alam kong narinig ito ng kasama ko. Kasi humigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko. Nang makabalik kami sa parking ay inuna ni Dri na papasukin ako sa loob ng kotse niya at siyempre binitawan pa niya ang mga pinamili namin para lamang maalalayan ako. Marahan na isinara pa niya ang pinto ng kotse niya at sinundan ko siya nang tingin. Inilagay niya lahat ang paper bag sa likod ng sasakyan at nang natapos siya ay mabilis din siyang sumakay. Pero hindi na siya umimik pa at ang hirap basahin ang emosyon niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano kasi blangko talaga, eh. Kaya hindi na rin ako umimik pa dahil baka sa akin pa siya magalit. Kaya behave na lang din ako. Pero siya rin naman ang bumasag sa katahimikan namin. "I'm sorry about that, Sam-sam," sabi niya at bumuntong-hininga pa. Nilingon ko siya at nawala na ang mabigat at nakakatakot niyang presensiya. Maaliwalas na ang bukas ng mukha niya. Kaya masasabi kong hindi na siya nasa suplado mood ngayon pero nag-aalangan pa rin naman akong magsalita or magtanong tungkol sa babaeng nagngangalang Fauzia at mukhang isusumbong pa niya kami ni Dri. Sasabihin niya ang nakita niya kanina sa girlfriend ni Drimson. Hindi naman kasi tamang gawin ang bagay na iyon kahit wala namang malisya ang pagyakap sa isang tao. Pero kasi ay may nobya ang tao tapos magkayakap pa kayo in public. Hindi rin naman iyon puwede. Maraming nakakita at isa na ang babaeng iyon na kakilala pa ni Drimson. Hindi ako nag-aalala sa sarili ko kung balang araw ay may susugod sa akin na babae. Mas nag-aalala ako kay Dri, dahil baka pag-awayan pa nila ako. Ayokong mangyari iyon. Masasaktan si Dri at alam kong mahal na mahal niya ang girlfriend niya. Kaya kagabi ay takot na takot na siya baka makita ako nito. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Bakit ba palagi niya akong tinatanong niyan? Mukha ba akong hindi okay sa paningin niya? "A-Ayos lang pero... paano na ang kanina? Sasabihin ba niya iyon sa nobya mo ang nakita niya? Paano kung makarating nga ang balitang iyon? Mag-aaway ba kayo? Pag-aawayan niyo ba ako?" tanong ko. Nasa boses ko ang pag-aalala sa relasyon nila na baka masira pa ng dahil lang sa akin. Pero kung may tiwala naman sa kanya ang girlfriend niya ay hindi siya nito pagdududahan o kung sasabihin niya ang tungkol sa akin ay alam kong maiintindihan niya rin ang sitwasyon ko. Iyon ay kung mabait ba ang girlfriend niya. "No, it's okay. Hindi maniniwala sa kanya si Carlin. Huwag mo ng alalahanin pa iyon," umiiling na sabi niya sa akin. Ang bait niya talaga sa akin, eh. Kaya ang suwerte ng girlfriend niya. Sana makahanap din ako ng katulad niya, 'no? "Ipapabili ko na lang sa assistant ko ang ibang kakailanganin mo, Sam-sam. Okay lang ba kung kakain na lang tayo sa condo?" tanong niya. Tumango ako kahit nakatutok ang atensyon niya sa daan. "Magluluto ako pagkauwi natin," sabi pa niya. Nakarating din naman kami agad sa condominium at ako na naman ang unang inalalayan ni Dri. Sumunod din ako sa kanya nang nagsimula na siyang maglakad papasok. Huminto kami sa tapat ng elevator at naghihintay na bumukas iyon. Bumukas din naman iyon agad pero napasinghap ako nang makita ko ang kamukha ni Dri sa loob at akmang lalabas na rin nang matigilan din siya. Napatingin siya sa kasama ko at ako naman ay palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bakit magkamukha sila?! "Kuya," narinig kong sambit ni Dri. Kuya?! Kakambal niya kaya ang lalaking ito? Magkamukha talaga sila at parehong guwapo. Ay, malamang parehong guwapo dahil iisa lang din ang mukha nila. "Drim. Oh, nag-shopping ka?" tanong niya. Hindi ko matukoy ang boses niya, seryoso ba o ano? Kasi hirap din naman na basahin ang emosyon niya. Pero parang mas magaan ang aura niya kaysa kay Dri. "And who's this pretty lady na kasama mo, Drim?" tanong nito at binalingan ako nang tingin. Napakagat ako sa labi ko nang humakbang siya palapit sa akin. Kaya natatarantang umatras din ako. Humarang sa amin si Dri, "Huwag mong takutin, Kuya. Ano ba ang ginagawa mo rito?" tanong ni Dri sa kuya niya. "I'm just worried dahil hindi ka pumasok sa trabaho mo. So, siya ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon, Drim? Kaya absent ka ngayon?" tanong ng kakambal niya sa kanya. "Shut up, Kuya. Tumulong ka na lang na magdala nito, oh," sabi ni Dri at ibinigay pa sa lalaking kamukha niya ang ibang dala niya. Ako iyong nahihiya sa ginawa niya. Gusto ko rin sana na bawiin iyon sa kamay ng kakambal niya pero nahihiya ako at natatakot. Hindi ko akalain na may kakambal pala si Dri. Nakakagulat dahil kuhang-kuha nito ang mukha ni Drimson. Pareho rin silang matangkad at pang-modelo ang tindig nilang dalawa. Nakakatuwa talaga, pero nahihiya na ako. Baka ano rin ang masabi nito sa amin. Natatakot akong mahusgahan ng pamilya ni Dri. Hindi rin tumanggi ang lalaki at dinala niya nga iyon lahat. Hinatak naman ako papasok sa elevator ni Dri pero hinaharangan niya talaga ang Kuya niya para hindi ako makita. Pinipilit naman nito ang tingnan ako. "Kuya, ano ba? What's with the looks ba?!" naiiritang tanong ni Dri. Parang magagalit pa siya sa Kuya niya. Ang kulit din naman kasi. "I'm just curious. Who is she?" tanong nito. "Ipapakilala ko siya sa 'yo later," sagot ni Dri at binitawan na naman niya ang dala niya. Humarap siya sa akin at sinuot ang sumbrelo ng hoodie na suot ko. Pati ang buhok ko ay pinapasok niya sa hoodie. "Drim." "Maghintay ka, Kuya!" sigaw ni Dri kaya humaba ang nguso ko. "Huwag mo siyang sigawan. Mas matanda siya kaysa sa 'yo. Saka Kuya mo siya," mahinang sambit ko pero mukhang narinig ako ng Kuya niya dahil malakas na humalakhak ito. Nag-echo ang boses niya sa loob. Maging ang boses nila ay magkapareho rin. Posible pala ang ganoon, ano? Nakakamangha talaga. Hindi ko naisip na may kapatid pa pala si Dri at kambal pa niya ito. Napatitig ako sa mukha ni Dri. Sumimangot lang siya sa akin. "Nice," narinig ko pang komento nito. Pagdating namin sa loob ng condo ay hindi na hinarangan pa ni Dri ang kanyang Kuya. Kaya malaya na ako nitong natitigan kahit ilang na ilang na ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Napakalalim naman kasi... Magkatabi kaming nakaupo ni Dri sa sofa habang ang kakambal naman niya ay nasa tapat namin at nakahalukipkip. "Your eyes, that's rare. It's beautiful, Miss," nakangiting papuri niya sa akin kaya namula ang pisngi ko dahil ramdam ko ang pag-iinit nito. Siya lang ang nakapansin sa mga mata ko na hindi ito contact lens. Ang galing naman! "Oh, she's blushing. That's beautiful," sabi pa niya. "What's your name, pretty girl?" he asked me. "Uhm..." Nag-aalangan pa akong magsalita. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang nickname ko? "Relax. Hindi ako nangangain ng tao," natatawang sabi niya. "Don't be nervous, Sam-sam. Hindi mo dapat maramdaman 'yan. Hindi 'yan masamang tao, bakla lang," sabi ni Dri at napasinghap ako sa sinabi niyang bakla. Bakla ang kuya niya?! Paanong nangyari? Hala, sayang naman. Ang guwapo pa naman niya, ah. "Shut up, Drimson," suway lang sa kanya ng kakambal niya. So, hindi niya talaga tinanggi na hindi siya bakla? Totoo nga? "B-Bakla ka po?" nauutal kong tanong at sinamaan niya nang tingin ang kakambal niya. Saka siya tumingin sa akin na may ngiti na sa labi. "I just like someone and he's a guy," he said and I gasped again. Hala, totoong bakla nga siya?! Hala, hala... "See? Bakla 'yang Kuya ko, Sam-sam," nakangising sabi pa ni Drimson. "S-Sayang naman po kung ganoon," komento ko at dahil sa lapad ng ngiti niya ay halos mawala na ang mata niya dahil singkit nga rin, eh. May lahi yata silang Koreano. "Sayang? Hmm, hindi naman. I have a girlfriend, though. Pero totoong may gusto akong lalaki. I don't think so, kung matatawag na ba akong bakla. Epal lang din 'yang boyfriend mo, Miss." "Hindi ko po siya boyfriend," tanggi ko agad. Dahil totoo naman. Hala, napagkakamalan pa kaming may relasyon. "I'm Crimson Del Labiba, your soon to be brother-in-law." "Kuya!" Crimson, Drimson... Pero nakakawindang naman ang sinabi niyang brother-in-law?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD