AF
Chapter 13: Caught her
"H-HINDI ko nga po siya boyfriend," pagtatama ko pero tumaas lang ang sulok ng labi niya. Tapos umiling-iling pa siya.
"My twin brother, I know him better. Hindi `yan nagpapatuloy ng ibang babae sa condo niya kung hindi ka niya girlfriend," sabi niya at bumilis ang t***k ng puso ko. Ano'ng ibig niyang sabihin doon?
Hindi nagpapatuloy ng ibang babae sa condo niya si Dri? Eh, napipilitan din ba siya sa akin na tumuloy rin ako sa unit niya?
"Kuya, shut up. Huwag mong bigyan ng ideya si Sam-sam. Baka isipin niya na napipilitan lang ako na manatili siya rito. Kuya naman," ani Dri.
"Whatever. You can call me, Kuya too, Sam-sam. Nice meeting you. Mas maganda ka pa kaysa sa totoong girlfriend nitong kakambal ko," nakangiting saad niya. Ang bait naman niya.
Iyong parents kaya nila? Mabait din ba katulad nila?
"S-Sige po, K-Kuya Cri..." Cri lang ang nabigkas ko dahil nakakaramdam pa rin ako kahihiyan...
"Oh, I like that. Cri. Everyone calls me, Crimson or Crim. Ngayon may ibang nickname na naman ako. You can call me like that, Sam-sam. I won't mind," natutuwang saad pa niya.
"Sam-sam, umakyat ka na muna sa kuwarto mo. Mag-uusap lang kami ni Kuya Drim. Ayusin mo na lang ang mga gamit mo roon," sabi niya sa akin saka siya tumayo at inalalayan pa akong makatayo.
"M-Masaya rin po akong makilala ka," nahihiya pa ring sabi ko kay Kuya Cri. Okay lang ba talaga na tawagin ko siyang Kuya?
Ngumiti lang siya sa akin at kumaway. Hinatid ako ni Dri sa kuwarto kung saan natulog ako kagabi. Dala-dala ng isang kamay ni Drimson ang pinamili namin kanina sa mall.
Nang makapasok kami sa guest room ay ibinaba niya iyon lahat sa malaking kama. Marami iyon pero nakaya niyang dalhin gamit lang ng isang kamay niya.
"Stay here, Sam-sam," marahan na saad niya.
"Okay lang din ba sa `yo na tawagin ko ang kakambal mo na Kuya? Hindi ba nakakahiya iyon sa `yo?" tanong ko. Gusto ko ring marinig mula sa kanya kung sang-ayon ba siya sa nais din ng kakambal niya na tawagin ko itong Kuya kahit na ngayon lang kami nagkakilala.
Ang gaan din kasi ng loob ko sa kanya at parang nagkaroon tuloy ako ng instant na kuya. Guwapo na tapos mabait pa.
"Oo naman. Hindi naman ako madamot. Kakambal ko iyon at kahit nag-iisa ko siyang Kuya ay hindi ko ipagdadamot iyon sa `yo," sabi niya sa akin.
"Totoo bang bakla ang kuya mo, Dri?" tanong ko pa. Hayan na naman ang kakaibang ngisi ni Drimson. Nakakapanindig balahibo siya, ha.
"He told you na may nagugustuhan siyang lalaki, right? So, expected na bakla nga siya dahil nagkagusto siya sa kapwa niyang lalaki," nakangising sabi niya. Parang binu-bully niya lang ang kakambal niya kung ganyan siya makapagsalita at may ngisi-ngisi pa.
"Pero may syota rin siya," sabi ko.
Kumunot ang kanyang noo at naguguluhan na tiningnan niya ako, "Ano'ng syota?"
Ay, rich kid din pala ang lalaking ito kaya baka hindi siya pamilyar sa ibang kahulugan ng girlfriend.
"N-Nobya pala. Hindi naman siya bakla, dahil may nobya rin siya," sabi ko. Ako ang nasasayangan sa lahi nila kapag bakla ang Kuya niya.
"Believe what you believe, Sam-sam. Okay, I'll leave you here," usal niya at tinap-tap pa niya ang ulo ko na akala mo ay isang bata rin ang tingin niya sa akin. Hindi na lang ako kumibo at sinundan na lang siya nang tingin na lumalabas mula sa silid.
Napatingin ako sa paperbag at excited na tiningnan ang mga ito isa-isa. Napangiti ako dahil hindi na nga masyadong showy ang balat ko kung ito na ang isusuot ko.
May mga underwear din at alam kong kasyang-kasya iyon sa akin. Hindi ko naman sinabi sa babaeng iyon ang size ko. Iba't iba ang kulay ng mga dress at may damit din na pantulog.
Tuwang-tuwa ako sa bagong damit ko dahil ngayon lang ulit ako nagkaroon ng mga ito. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan ni Drimson, ah. Na-aappreciate ko lang naman ang mga ito, eh.
Malaki na ang utang na loob ko kay Drimson kaya habang nandito pa ako sa poder niya ay pipilitin ko na huwag maging pabigat sa kanya. Kaya gagawin ko rin ang lahat para sa ikasasaya niya.
Hindi lang ako sigurado kung kaya ko bang pasayahin si Drimson, gayong may babaeng nagpapasaya na rin sa kanya.
May kabinet sa kuwarto at puwede kong ilagay roon lahat ang mga damit ko. Kaya inisa-isa ko silang inayos doon. Wala rin naman na masyadong mga gamit dito dahil guest room nga siya.
Hindi ko namalayan ang oras at nagulat pa ako nang makita ko si Drimson sa may pintuan. Nakabukas lang iyon at nakahilig siya sa hamba ng pintuan. Naka-krus ang magkabilang braso sa dibdib niya at seryoso niya akong pinapanood.
Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan? Ni hindi ko siya napansin. Masyado ba akong nag-focus sa pag-aayos ng mga gamit ko at hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pintuan kanina?
"K-Kanina ka pa?" kinakabahan na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin na nabilis ko ring ginantihan.
"Tapos ka na ba?" tanong niya sa akin.
Sinara ko pa ang kabinet at tumango. Hinubad ko na kanina ang suot kong hoodie niya at `yong rubber shoes ko. Nakasuot lang ako ng pambahay na tsinelas na malaki sa akin dahil halatang sa kanya naman ito, eh.
"Come on, kakain na tayo."
Lunch time na? Hala, hindi ko man lang namalayan ang oras. Naglakad ako palapit kay Drimson at naglahad pa siya ng kamay sa akin na hindi ko naman tinanggihan.
"Wala ba talaga, Drim? Tuluyan mo na bang pinagpalit si C kay S? Tapos ka na kay F. So, si S na naman?" makahulugang tanong ni Kuya Cri kay Drimson. Ano iyon? Sino'ng C at S iyon? At F?
"Kuya, shut up," marahan na suway sa kanya ng kapatid niya. Narinig ko ulit ang halakhak niya. Nang-aasar lang siya.
"Anyway, mauuna na ako. Kailangan ko pang bumalik sa opisina. Drim and Sam-sam. See you later, baby," utas niya at nagawa pa niyang guluhin ang buhok ko.
"Kuya may sugat `yan sa ulo baka masagi mo," muling suway ni Dri sa kanya.
"Sorry. Hoping na makaalala ka agad, Sam-sam. Sana makalimutan mo itong kakambal ko, ha?" sabi niya. Alam ko naman na nagbibiro lang siya pero ewan ko ba kay Dri at asar na asar siya sa kakambal niya.
Grabe. Nakakatuwa silang pagmasdan. Parehong guwapo.
"Salamat po. Mag-iingat ka po, Kuya Cri," sabi ko na may ngiti sa labi.
"Mag-bonding tayo next time, okay?" Tumango na ako at nagpaalam na rin siya.
Dinala ako ni Dri sa kitchen niya at doon sabay kaming kumain ng lunch namin. Ang sarap talagang magluto ni Dri. Kung siya ang magluluto araw-araw ay baka tumaba pa ako. Hala, huwag naman sana.
DUMAAN ang ilang linggo at nanatili pa rin ako sa condo ni Dri. Iniiwan na niya ako dahil kailangan niyang magtrabaho. Bumibisita rin dito si Kuya Dri.
At ang pakikitungo sa akin ni Drimson ay ganoon pa rin naman. Alagang-alaga niya ako tapos hindi na siya nagsusungit pa sa akin. Pero iyong puso ko ay ganoon pa rin siya.
Bumibilis pa rin ang t***k ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya at malapit lang din siya sa akin. Pero hindi ko na binigyan pa ng ibang kahulugan kasi bawal na ang magkagusto kay Drimson.
Bakit nga ba na nasabi kong bawal? Dahil may nobya na siya at sigurado ako na hindi pa nito nalalaman ang lahat. Ang tungkol sa akin.
Sana lang talaga ay huwag silang mag-away ng dahil lang sa akin.
Naging abala na rin si Dri nitong mga nakaraang araw at halos hindi na nga kami nag-uusap pa. Pero siya ang nagluluto ng agahan namin kahit nadadatnan kong wala na siya sa umaga. Tanging maliit na notes lang na nakalagay sa fridge niya. Makikita ko iyon dahil umiinom ako ng malamig na tubig.
Hindi niya rin inisip na pabigat na ako masyado dahil wala naman akong ginagawa rito kundi ang manood ng TV at kumain nang kumain. Namamasyal din naman kami kung magkakaroon siya nang oras pero limitado rin naman.
Hindi naman boring ang buhay ko rito. Masaya nga, para na talaga kaming nagli-live in ni Drimson. O baka ako lang talaga ang nag-iisip ng mga ganoong bagay?
5PM na ng hapon nang tingnan ko ang walled clock ni Drimson ng marinig ko ang pag-bell ng condo niya.
Quarter to 6 pa na umuuwi si Drimson from his work niya. Kaya nagtataka ako kung bakit may nag-bell na agad? At sa pagkakaalala ko ay alam naman niya ang passcode ng unit niya. Hindi naman siya...
Nagkibit-balikat na lang ako at pinatay ko ang TV saka patakbong lumapit ako sa pintuan.
Naalala ko pala. Minsan ay nag-grocery si Drimson at nahirapan siya na pindutin ang passcode niya kaya nag-bell na lang siya. So, baka nga si Dri na `yan.
Excited na binuksan ko ang pintuan at masayang sinalubong siya.
"Welcome back, Dri!" masayang sigaw ko pa at grabe iyong ngiti ko. Ang lapad-lapad pero nawala iyon nang makita ko kung sino ang mga taong nasa tapat ko lang.
Mga, dalawang tao lang naman sila at pareho silang babae... Babae... Napaatras ako sa kaba... Kilala ko ang isa, siya iyong Fauzia na na-meet ko sa mall noong araw na iyon.
Pero sino naman ang kasama niya? Maganda rin ito at halata sa outfit nito ang pagiging rich kid niya pero napatingin ako sa dibdib niya na nagtaas-baba iyon. Nararamdaman ko ang bigat ng presensiya niya. Mukha siyang galit.
"I told you, Carlin. May itinatagong babae ang boyfriend mo. Hindi ka kasi naniniwala sa akin, eh. Akala mo kasi ay nagsisinungaling lang ako dahil you thought din na hinahabol-habol ko pa rin ang boyfriend mo. See what you have see, dear," natatawang sabi ng babae, si Fauzia.
"Who the hell are you?! Bakit nasa condo ka ng boyfriend ko?!" tanong niya sa akin na halata sa boses niya ang galit.
Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Hindi na ako muling nakaatras pa nang dinakot niya ang buhok ko at napadaing ako sa sakit. Halos matanggal ang anit ko dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa aking buhok.
Mabuti na lamang ay naghihilom na ang sugat ko sa noo pero grabe naman siya kung makapanakit sa akin.
"Aray!" daing ko dahil iyong pisngi ko na ang kinalmot niya pero hindi ako lumalaban kasi natatakot ako sa puwedeng mangyari pagkatapos nito. Baka tuluyan ng magalit sa akin si Drimson kung malalaman niyang sinaktan ko ang girlfriend niya.
Ayokong mangyari iyon kaya lahat ng sakit na ibinibigay sa akin ng babae ay tinanggap ko at tiniis ko kahit gustong-gusto ko nang lumaban pero hindi ako umiyak.
"Aray ko po," impit na daing ko nang itulak niya ako at bumagsak ako sa sahig. Napahawak ako sa balakang ko.
"Girl, you know already na may girlfriend na si Drimson and I wonder na inaakit mo lang ang boyfriend ko! At nakipag-live in ka pa! Saang bar ka ba niya pinulot, ha?! Ang kapal ng mukha mo!"
Parang lumalabas na ako ang masama. Ako ang kabit kaya nasasabi niya iyon sa akin. Kahit hindi naman iyon totoo. Walang namamagitan sa amin ni Drimson kahit na... Kahit na...
"Call the security, Fauzia! Ipapakaladkad ko siya paalis dito sa condominium na ito at ilalagay sa blacklist para hindi na makapunta pa rito. How dare you, betch!" sigaw pa niya sa akin.
"I already called the security, dear. Just wait," nakangising sabi pa ni Fauzia.
Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng braso at pisngi ko dahil sa nakuha kong kalmot mula sa nobya ni Dri.
Hindi ko akalain na ganito pala ang ugali niya. Napakasama pala niya.
Maya-maya ay dumating ang security at kusa akong sumama sa kanila pero isang nakakatakot na tingin ang ibinigay sa akin ng babae.
"Sige na, Miss. Umalis ka na," sabi sa akin ng mga security at marahan na itinulak pa ako.
Inayos ko ang nagulo kong buhok at napatingala sa building.
Saan na naman ako pupunta nito? Hahanapin kaya ako ni Dri?
Pero mukhang malabo dahil baka kakampihan niya ang girlfriend niya baka iyon ang pipiliin niya.
Iyong pagpipigil kong umiyak sa nangyari sa akin ay ngayon hindi ko na napigilan pa.
Dumausdos sa pisngi ko ang mga luha ko dahil nag-aalala na naman ako kung saan na naman ako tutuloy.
Kung saan na naman ako pupunta...
Dri, Dri, hanapin mo naman ako, please.