AF Chapter 25: Confessions & Kiss NABITAWAN din ako ni Drimson nang pati si Kuya Charleston ay sumugod din. Napasigaw ako dahil sa gulat nang mawalan nang balanse si Dri. Pumutok agad ang labi niya at dinura pa ang dugo sa bibig niya. "T-Tama na po! Tama na..." pagpipigil ko sa kanilang dalawa at may lumapit na security sa amin. Hinawakan nila agad ang dalawa at nagpupumiglas pa si Dri. Bakit naman kasi bigla-biglang susugod ang isang ito? Nakita ko naman si Carlin na naglalakad na palapit sa amin. Nakapagpalit na siya ng damit, suot niya ngayon ang pink na hoddie at puting sweatpants. Nakatali ang buhok niya. "Pakawalan niyo silang dalawa. Kilala ko sila," walang gana niyang sabi sa mga security. Tumango lang ang mga ito saka nila binitawan sina Kuya Charleston at Dri. Parehong p

