Chapter 26: Sleeping together KAHIT kinakapos pa ako nang hininga ay nagawa kong itulak ang dibdib ni Drimson. Nagawa ko naman, hinawakan niya lang ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n. Nahihiya ako sa ginawa niya at hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Umalis ako sa pagkauupo ko sa lap niya at umupo na lang din ako sa tabi niya. Nanghihina pa ang mga binti ko dahil sa ginawa ni Dri na paghalik sa akin. Bago lang sa akin ang pakiramdam na iyon kaya pati ang katawan ko ay nabibigla. "Ano'ng tayo na?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Napasandal ako sa headrest ng sofa at ginaya pa niya ako. Mas malapit nga lang ang mukha niya sa akin. "Ganito pala iyon..." mahinang sambit niya. Nagsalubong ang kilay ko. "Ang alin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Ganito pala an

