Mabuti naman at nakadalaw ka pa sa'kin, girl.", kunwaring nagtatampong saad ni Anika sa kanya. "Shempre naman, makakalimutan pa ba kita e ikaw lang naman ang nag-iisa kong best friend.", paglalambing ni Rishan. "Tss. Hindi bagay sayo, Rish pero infairness ha naappreciate ko kahit mukhang baduy ang dating mo. Hahahahaha.", pang-aasar sa kanya ng kaibigan. "Anyways, nandito rin ako para ipaalam sayo na magbihis ka na dahil sasama ka sa'min ni Dion sa bahay nila Lola Amalia.", saad ni Rishan at inagaw ang phone na hawak ni Anika. "Give back my phone, Rishan!", inis na sigaw ni Anika at pilit na inaagaw sa kanya ng cellphone pero hindi niya ito maagaw dahil mas malakas siya. "Hahahaha. I'll give your phone back kapag nakapagbihis ka na. Now, move!", pang-aasar niya sa kaibigan. Hindi niya

