Kinagabihan ay nakalabas na rin ng ospital sina Alejandro at Rishan. "Bakit sa bahay tayo pupunta? Kaya ko naman na sa condo mo, Dion.", mahinanon niyang sabi nang mapansing malapit na sila sa mansyon ng Faustino. "You still have something to know, Rishan.", saad nito na mas lalong ikinalito niya. "About what? I already knew everything lately.". Pinarada ni Dion ang kotse sa gilid at pinagbuksan siya ng pintuan. Pagpasok nila sa loob ay sinalubong sila ng mga tingin. Naroon sa sala nakaupo at mukhang sila na lamang ang hinihintay. Nakaupo sa sofa ang mag-asawang Faustino, sa kabilang sofa naman si Diane at naka-kandong sa kanya si Lee Ann ngunit sinita si Lee Ann na maupo sa tabi ng kanyang ate dahil buntis nga ito. Sa isa pang sofa naroon sina Carmina at Allen (Rio). "Rishan....",

