RUBI-36 Maagang natapos si Myla sa kanyang night shift, naisipan n'yang bumisita ulit kay Jhon. Pero bago paman s'ya dumiretso sa kanyang kaibigan ay pinuntahan muna ni Myla ang kanyang ina na kasalukuyang nag aalaga sa anak ni Rubi. "Nay, kamusta si Ally?" agad n'yang tanong sa kanyang ina na si Corazon at humalik sa pisngi nito, kasalukuyang dinu-duyan ni Aling Corazon ang sanggol at mahimbing na ito sa pag tulog. "'to anak, mabait naman s'yang bata. Hindi iyakin at madaling patulogin," sagot naman nito. "Mabuti naman nay at hindi s'ya naglalabis sa pag iyak. Bawal pa naman sa kanya ang umiyak ng umiyak dahil namana n'ya ang sakit ng kanyang ina," "Kawawang bata, maagang naulila sa ina. Hindi bali anak, mamahalin naman natin s'ya bilang isang tunay na pamilya. Oo nga pala, kamusta

