RUBI-35 Habang umaakyat is Mildred ng hagdan ay may napansin si Alvin sa bandang pwetan nito na tila para isa itong tagos. "Babe, can you stop walking?" aniya rito at tumigil naman sa paglalakad si Mildred at nagtatakang nilingon s'ya nito. "Why?" aniya sa lalaki. Tumayo si Alvin mula sa sofa at naglakad palapit kay Mildred habang kina-klaro ang kung ano man ang kanyang nakita. "Ano 'yang sa likuran mo? Is that blood?" sambit pa ni Alvin habang papalapit s'ya sa babae. Agad namang tinignan ni Mildred ang kanyang pwetan at bahagyang hinila ang puti n'yang bistida upang makita ang tinutukoy ni Alvin sa kanya. "Du-dugo? Dugo!? Dugo! Babe dugo!" tarantang bigkas pa n'ya ng makita ang mapulang bahid sa kanyang bistida. Dali-dali namang napatakbo si Alvin palapit kay Mildred at agad n

