RUBI-44 Dali-daling inayos ni Mildred ang itinapon n'yang phone ni Alvin ng pakiwari n'yang tapos na itong mag shower at patay malisya s'yang umopo ng kama sabay pekeng ngumiti. "Babe, ang aga mong naligo ah, may lakad ka ba? Saan ang punta?" aniya. "Ah, may kikitain lang akong isang kaibigan, sa bar kung saan ako umiinom noon," tugon pa n'ya rito. "Ganon ba, pwede ba akong sumama?" aniya at naghihintay ng masarap na sagot na pagbibigyan s'ya nitong sumama. "Dito ka na lang sa bahay at magpahinga ka ng maaga, wala ka naman kasing gagawin doon," sagot pa nito. "Walang gagawin? Dahil ikaw ang may gagawing kakaiba kaya ayaw mo akong isama! Akala mo hindi ko alam ha! Sige lang, akala mo kagaya ako ni Thalia na pwede mo lang lokohin ng ganun kabilis! Pwes! Ibahin mo ako!" wika pa ni Mild

