Rubi-43 Pigil hiningang humarap si Alvin sa babaeng nagmamay-ari ng isang boses, boses na sobrang hindi n'ya makakalimutan. Ang boses ng babaeng pinaka-una n'yang minahal. Babaeng pinaka-una n'ya pinahalagahan at pinaghirapan. Habang paunti-unti s'yang humaharap sa babae ay kay bilis ng pag kabog ng kanyang puso, hindi n'ya maintindihan pero hinihiling ng kanyang puso na sana ay muli n'yang matunghayan ang mukha ng babaeng kanyang inaalala. "Ba-bakit ka ganyan kung makatingin sa akin?" nakangiting sambit pa ni Thalia na pumukaw sa attention ng lalaking nakatulala sa kanyang harapan. Bumalik naman si Alvin sa kanyang diwa at ikinurap n'ya ang kanyang mga mata. "I-ikaw pala Rubi," aniya sabay iwas ng kanyang tingin sa babae. "Ako nga," aniya. "Anong problema? May sira ba ang kotse m

