bc

A Trouble Called Marriage

book_age18+
2.7K
FOLLOW
7.4K
READ
love after marriage
opposites attract
playboy
dominant
drama
sweet
bxg
lighthearted
city
seductive
like
intro-logo
Blurb

DO NOT PURCHASE THE PAID CHAPTERS!!! PAID CHAPTERS OF THIS BOOK ARE INCORRECT. YOU WILL WASTE YOUR MONEY. DO NOT PAY!!!

A Trouble Called Marriage (Duology)

Book One | A Trouble Called Marriage: The CEO’s Forced Wife

Ipinagkasundong magpakasal sina Miles at Yanna ng kanilang mga magulang. At katulad ng ibang mga ikinakasal through arranged marriage, isa sa kanila ang walang emotional investment sa kanilang relasyon—in their case, it was Miles.

Sa kabila ng kawalan ng progress sa romantic approach ng pagsasama nila, hindi naman nawalan ng pag-asa si Yanna. Until Miles told her straight to her face that he can never touch her, nor make love to her—on their second month anniversary, no less!

Hurt and feeling ultimately miserable, she did the most stupid thing a broken soul could do—naglasing siya para makalimutan ang sakit na nararamdaman dahil sa sinabi ng asawa.

But fate played its trick on her life from there, starting from the arrival of the handsome billionaire hotelier, Ethan Rivaldi, who seemed smitten with her after an embarrassing first encounter.

Nang mabunyag ang pinakatago-tagong sikreto ni Miles dahilan upang maghiwalay sila, natagpuan na lamang ni Yanna ang sarili na kasal na sa gwapong hotelier!

“I’m not going to sleep with you! You’re a stranger,” Yanna sternly said.

Ethan smirked. “The marriage certificate in the drawer next to our bed says otherwise, honey.”

Hindi mai-proseso ng utak ni Yanna ang nangyayari sa kaniya sa loob lamang ng dalawang buwan! She had been married, divorced, and married again!

Will love blossom between her and Ethan?

chap-preview
Free preview
A Trouble Called Marriage Book 1 | The CEO's Forced Wife Episode 1
MALIWANAG ang sikat ng araw mula sa nakabukas na malalaking bintana ng master’s bedroom. Napuno ang buong silid ng init na nagmumula rito. Unti-unting nagising si Yanna sa sinag na tila hinahagkan ang mukha niya. Isang ngiti agad ang gumuhit sa kaniyang labi. Humarap siya sa kabilang bahagi ng kama kung saan natutulog ang asawang si Miles upang batiin ito ng good morning. Ngunit kaagad naglaho ang masayang ngiting naka-pinta sa mga labi niya nang makitang wala ang asawa sa tabi niya. Inilibot niya ang tingin sa buong silid ngunit wala ito kahit saan sa buong silid. Inabot niya ang cellphone sa ibabaw ng nightstand katabi ng kama. The clock showed the time; 6:48 AM. Hindi naman siya nagigising nang ganito kaaga, ah. Sa isip-isip niya. Tuluyan nang bumangon si Yanna. Ibinaba niya ang mga binti sa gilid ng kama at isinuot ang cotton house slippers na nasa sahig. Siguro ay nasa kusina lamang si Miles at nagka-kape, baka may ginagawa lang itong reports nang oras na iyon na kailangang matapos bago ito pumasok sa opisina. Ngunit kaagad siyang napahinto sa paglalakad nang marinig ang mahinang pagbubukas ng sliding door na nagko-connect ng veranda sa kanilang silid. Yanna’s hands froze from tying the knot in front of her robes and watched her husband silently walk in, his back facing her, talking to someone on the phone. ““Alam ko. Miss na miss na rin naman kita. Tatawagan ulit kita mamaya, okay?”” Halos bulong lang na lumabas ang mga salitang iyon mula sa bibig ng katipan ngunit sobrang linaw na nasagap ng pandinig ni Yanna ang sinabi ng asawa. Who was he talking to? When Miles finally turned around, he froze as soon as he saw her standing by the door. ““Yanna.”” Mabilis nitong ibinulsa ang cellphone. ““Ang aga mo’ng nagising ngayon.”” ““Ikaw din.”” Hinarap ni Yanna ang asawa. ““Sobrang aga yata ng phone call na ‘yon, ah. Kailan ka pa nagsimulang tumanggap ng mga tawag outside working hours?”” Tanong pa niya. Nagpanggap siyang hindi narinig ang mga huli nitong sinabi sa kausap bago tapusin ang tawag. Ngumiti lang si Miles. ““It wasn’t work. It was mom. Sorry kung nagising kita.”” Ang mommy mo ba talaga? Her mind countered. E, bakit kailangan mong sagutin ang tawag niya sa veranda na parang sinasadya mong hindi ko kayo marinig? Umiling lamang si Yanna, accepting her husband’s lies. ““No, kusa lang akong nagising. Gusto mo ba’ng maghanda na ako ng breakfast?”” Miles nodded. ““Sure,”” he said. ““Magsha-shower lang muna ako. But I’ll be downstairs with you.”” Hindi na sumagot pa si Yanna. Inabot niya ang doorknob kasabay nang pagpasok ng asawa sa banyo. Mabilis niyang binuksan ang pinto at lumabas sa silid nilang mag-asawa. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito, Yanna. Bakit parang nagulat ka pa rin sa narinig mo? Masakit na paalala niya sa sarili habang pababa ng hadgan. She was biting her lips, keeping the tears in her eyes from falling. NAG-IISANG anak ng mga Goncalves si Yanna. Ang mga magulang niya ang may-ari at namamahala sa pinakamatagumpay na negosyo sa buong bansa—ang Leap Technologies. Ito rin ang ikatlo sa pinaka-profitable na kompanya sa buong South East Asia. Dahil nag-iisang anak ay lumaking sanay si Yanna sa komportableng pamumuhay—anuman at lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kanya ng mga magulang sa isang iglap. Iyon ang dahilan kung bakit nang makilala niya ang napaka-gwapong bunsong anak ng Samonte Group of Companies mula sa isang business gathering na kapwa dinaluhan ang kanilang mga pamilya, ay kaagad na pumayag ang daddy niya na mag-set up ng isang luncheon meeting para sa kanilang dalawa ni Miles upang makapag-usap sila nito—chaperoned, of course, by both of their parents who were already talking about wedding arrangements two minutes into their introduction. Naturally, hindi maganda ang naging pagtanggap ni Miles sa plano ng mga magulang. Kakikilala lang nito sa kaniya nang araw na iyon, pero pinag-uusapan na kaagad ng mga magulang nila ang pagpapakasal nilang dalawa. But Miles was so nice the entire time they spent together that day that Yanna’s foolish self actually believed he may eventually develop affection towards her, too. In retrospect, she should have noticed that he was not in any way interested in her the same way she does. Oo nga at nakapa-bait nito sa kaniya, pero iyon lang iyon. Dahil hawak ng mga magulang nila ang dalawa sa pinakamalalaking pangalan sa mundo ng tech industry, naisip ng mga ito na ang ‘pagkakaibigan’ nila ni Miles ay magiging mabuti para sa kani-kanilang negosyo kalaunan. Miles’s father, BrighTech Corp.’s Chairman Philip Samonte, was especially delighted upon knowing that the only daughter of the Goncalves’ was head over heels in love with his youngest son. Makalipas lamang ang ilang linggo, kahit na hindi pa man sila opisyal na nag-de-date ni Miles at sinisimulan pa lamang na kilalanin ang isa’t-isa, ay sinorpresa sila ng mga magulang ng isang wedding announcement. Hindi kailanman makakalimutan ni Yanna ang reaksiyon ni Miles nang malaman ang tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal. Sabay silang kinausap ng mga magulang para sabihin sa kanilang dalawa ang balita. Miles’s face betrayed the fact that he was very unhappy. And yet he didn’t complain. Yanna knew right then that if Miles had a choice, he was not going to submit to their parents’ demands. That he will not marry someone he just met. Ngunit marahil katulad niya ay lumaki rin itong palaging sinusunod ang gusto ng mga magulang, ngumiti lang si Miles at tinanggap ang announcement ng mga nakatatanda. Then he told her, without any emotion, he will try his best to make her happy. His words should have made her happy. But she knew he was lying, and it broke her heart to know that he didn’t mean any of that. And yet, despite it all, Yanna still looked forward to being married to Miles. Dahil naniniwala siyang matutunan din siyang mahalin ng binata. If she only knew then what she knows now. How she wished she had never looked at Miles at that party. She should not have smiled at him and waited for him to smile back. Should not have begged her dad to use his connections so he could meet Miles in person, alone. She should have avoided him. She should not have asked for him as if he was a stuffed animal she could get from a shelf. The bacon in the pan sizzled nicely and forced Yanna to detach herself from her reminiscing. Natagpuan niya ang sarili sa malaking kusina ng magarang bahay kung saan sila nakatira ni Miles—it was a gift from Miles’s parents after their wedding. Nagluluto siya ng agahan katulad ng sinabi sa asawa bago lumabas sa kwarto nilang dalawa. Makalipas ang ilang sandali, pumasok sa komedor si Miles. Nakaligo na ito at nakabihis na suot ang isang mamahaling business suit. Kung mayroon mang labis na mas nagpapahirap kay Yanna sa loob ng dalawang buwan nilang pagsasama ni Miles, iyon ay ang katotohanan na nagsisimula na siyang umibig ng husto rito. At natitiyak niya na ang nararamdaman ng katipan ay ang eksaktong kabaligtaran niyon. Dahil kung hindi, dapat ay matagal na nilang idinaos ang honeymoon nila. ““Thank you for making breakfast,”” sabi pa ni Miles nang maupo ito sa pwesto sa hapagkainan. Ngumiti lang din si Yanna. Tahimik siyang umupo sa silyang katapat ng asawa sa mesa. And they had breakfast in silence. Yanna promised herself on the day of their wedding that she will not let the circumstances of how they got married stop her from at least trying her best to be a good wife to her husband and keep their marriage together. No matter what that makes her. Tahimik niyang ipinagdasal ang kaniyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook