IT’S BEEN a full week since Yanna’s unfortunate encounter with Ethan in his penthouse at pagkatapos niyang komprontahin ito kinabukasan matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ito muling nagparamdam pa sa kaniya o sa asawa niya.
She feels so empowered thinking about how she stood up for herself. Hindi niya iyon madalas na ginagawa at kung subukan man niya ay hindi naman humahantong sa resolution na gusto niya ang mga bagay-bagay. Natutuwa siyang sa unang pagkakataon ay nagawa niyang mai-defend ang sarili. Naisip tuloy niyang gawin iyon ng madalas para hindi isipin ng mga tao sa paligid niya na pushover siya at madaling i-bend na gawin ang anumang gustong ipagawa ng mga ito sa kaniya.
Maybe that trait comes from being born to a set of parents whose life was an exact blueprint of hers. Kung paano siyang pinalaki ng mga magulang niya ay ganoon din pinalaki ang mga ito ng mga magulang nito--used to following orders from the head of the family and always putting the reputation of the family first at all times.
But that has got to change. She’s a married woman now, about to start a family. Some things have got to be prioritized.
Maaga siyang gumising para maghanda ng almusal para kay Miles. Mula nang maikasal sila, nakaugalian na niyang gawin iyon. They have plenty of helps around the house pero inako na niya ang pagaasikaso ng agahan para sa asawa. Kahit iyon man lang ay personal niyang magawa para rito.
When Miles walked in to the dining room to have breakfast napansin niyang parang wala ito sa mood, at walang gana.
““Miles, okay ka lang ba?”” Tanong niya.
Miles looked like he was pulled out of a trance when he turned to her. He weakly smiled. ““Y-yeah. I’m just thinking about work,”” sagot nito.
Hindi man kumbinsido sa natanggap na sagot ay hindi na nagpumilit pa si Yanna na tanungin rito ang ano ang ikinababahala nito. They just had a talk a few days ago about taking things slow. Ayaw niyang pilitin ang asawa na mag-share sa kaniya kung hindi naman ito handa.
Umaasa na lang siyang balang araw ay magiging normal na mag-asawa rin sila ni Miles. No secrets, no issues, no reservations.
Kinahapunan, nakipagkita siya kay Abby habang namimili ng mga bagong tankinis at bikinis sa isang mall. Noong isang araw ay nabanggit ni Miles na plano nitong mag-bakasyon sila sa Hawaii, although hindi naman nabanggit ng asawa kung kailan sila aalis. Gusto lang niyang ready siya kapag sinabi nito. Hinihintay na lang daw kasi nito ang approval ng daddy nito para ma-relocate ito sa Capri kaya gustong makasama siya bago umalis.
Tumaas ang isang kilay ni Abby nang ikwento niya rito ang tungkol sa planong bakasyon nila ni Miles. ““Wait a minute. Relocation pero hindi ka kasama?”” Paniniguro pa nito sa sinabi.
Yanna sighed. She knew it would elicit that kind of reaksiyon from her friend. Pero naipaliwanag naman na sa kaniya ang dahilan at naintindihan naman niya. ““Bagong site pa lang ng BrighTech ang nasa Capri. Hindi pa sigurado kung magiging permanente ba ang location na ’yon doon. And if it ever would, wala namang plano si Miles na doon manirahan. Gusto lang daw ng daddy niya na siya ang mamahala sa negosyo nila roon for two years saka siya papalitan para i-resume niya ang posisyon niya dito sa Pilipinas pagbalik niya,” mahabang paliwanag niya.
Lumapit si Abby sa tainga niya para bumulong. ““That’s two years of your marriage gone! Hindi pa rin kayo nagha-honeymoon ’di ba? Are you going to send him off with some sexy time?””
Kaagad pinamulahan si Yanna sa sinabi ni Abby. Wala sa isip niya ang bagay na iyon. She was just looking forward to their trip. Tulad ng sinabi ng kaibigan, hindi pa sila nagha-honeymoon ng asawa. Kapag natuloy sila sa Hawaii, it will be their first trip abroad as husband and wife. At gusto lang talaga niya na makasama si Miles.
But having sexy time with him does not sound so bad at all, too…
““Ewan ko,”” sagot na lang niya. ““We’re taking things slow. ’Yon ang gusto ni Miles at nirerespeto ko naman ’yon.””
She wanted to kick herself. Paano kung ““by taking things slow”” e hindi na pala umusad ang relasyon nila?
May hinila sa kalapit na rack si Abby at ipinakita iyon sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Yanna. It was a red, string bikini with very little piece of fabric. The top can will only cover the crown of her breasts while the bottom will only cover the most sensitive part of her down. She has to be clean shaven kapag sinuot niya iyon. It was the sluttiest of all the slutty bikinis she has ever seen!
““Desperate times, desperate measures,”” udyok pa ni Abby saka itinulak ang bikini sa bakanteng braso niya. ““Kapag hindi pa rin ’yan gumana, iisipin ko na talagang lalaki ang gusto niyan ni Miles,”” biro pa nito.
Pagak na napatawa na lamang siya sa biro ng kaibigan. Sana nga ay isang pares ng bikini ang maging susi para magsimulang maging open sa kaniya ang asawa.
MILES sighed as he got out of the car after coming home from work. Malalim na ang gabi at tulog na halos lahat ng tao sa bahay. Even the lights in the room where he and Yanna sleep are already out. Mahimbing na rin siguro itong natutulog. Simula noong dumami ang trabaho nila sa opisina ay sinabihan niya itong huwag na siyang hintaying umuwi. Yanna decided to stop working mula noong ikinasal sila at wala naman itong ibang pinagkakaabalahan aside from trying her best to be a good wife to him, but it still makes him feel guilty when her health is being compromised because of him.
Pumasok siya sa loob ng tahimik na bahay at dire-diretsong naglakad paakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang silid nila ni Yanna. Maingat inikot ang seradura para buksan ang pinto. Nasumpungan niya ang pamilyar na pigura ng asawa na nakahiga sa kama. She was, in fact, sleeping soundly. Umupo siya sa gilid ng kama at humarap dito para tingnan ang mukha ng kabiyak.
Miles thinks it was so unfortunate that Yanna ended up marrying him. Kung hindi sila nagkakilala sa paraang nangyari sa kanila, they probably would have been friends. He would have enjoyed hanging out with her, or talking to her. Alyanna Goncalves was the kindest, most selfless person he ever met. At hindi niya gustong saktan ito but how much worse would the pain be if she finds out later on in their marriage what he truly wants? Hindi ba’t mas mainam kung maaga pa lamang ay malaman na nito ang totoo? Because that’s what she deserves.
He just can’t love her the way she wanted, he can’t be the husband she wanted him to be. Iba ang itinitibok ng puso niya.
Banayad niyang ipinatong ang palad sa buhok ni Yanna at marahan itong hinaplos. ““I’m so sorry, Yanna. I must break your heart so that someone else can put it back for you,”” bulong niya.
Yanna stirred in her sleep and slowly woke up. Ngumiti ito nang makita ang mukha niya. ““You’re home.””
For now, anang isip niya.
NASA patio si Yanna at Miles at nag-aagahan nang sabihin nitong mayroon silang pupuntahan nang araw na iyon. Araw ng Linggo iyon. Minsan ay nasa opisina pa rin si Miles kahit weekends pero ngayon ay nakapambahay lamang ito habang nag-aalmusal.
Hindi rin siya nakapag-handa ng agahan. Naunahan siya ni Miles na mas maaga pang gumising sa kaniya para magpa-handa ng almusal sa mga kawaksi nila.
Inisip tuloy niyang hindi yata nagugustuhan ng asawa ang mga iniluluto at ihinahanda niya rito. She looked at the food on the patio table and nothing on the plates were similar to what she was cooking for him.
I need to step up my game, she told herself.
““Did you sleep well last night?”” Biglang tanong ni Miles sa kaniya.
She just replied shyly. ““Hm-hmm.”” She was chewing on a toast she was putting cream cheese on earlier. ““Saan nga pala tayo pupunta?”” Siya naman ang nagtanong nang maubos ang kinakain.
““Hotel,”” simpleng sagot ni Miles.
Uminit ang mga pisngi ni Yanna sa narinig. Hotel? Is she finally going to be able to use her special lingerie reserved for that occasion?
““We’re meeting Ethan Rivaldi today.””
Tila sirang record player na pumutol sa magandang daydreaming niya ang sumunod na sinabi ni Miles. It’s been a week since she heard that name.
““Why?”” She asked. Naalala niya ang sinabi ni Ethan sa kaniya noon na bibigyan sila ni Miles ng VIP access sa isa sa mga presidential suite ng hotel kung gusto niya. Hindi naman kaya nabanggit nito ang bagay na iyon sa asawa niya?
Ah, but why would he talk to her husband? Napakalayo ng industriyang ginagalawan ng negosyo ng asawa niya at ng negosyo nito. Unless he was serious about that security upgrade he told Miles last time, there was nothing that could put the two of them in one room to talk.
““Just so.”” Kibit-balikat na sagot ni Miles.
Sinubukan niyang gumawa ng excuse para hindi na niya kailangan pang sumama rito. ““Ikaw na lang siguro, Miles. I have a few errands to do today. Saka wala rin ako sa mood na makipagkita sa ibang tao.””
““Hindi naman ibang tao si Ethan. You were friends, right?””
Natahimik siya.
““Besides, it’s important that you were there. Hindi pwedeng wala ka.””
Ikinakunot ng noo niya ang sinabi ni Miles. Ano ang ibig nitong sabihin? Bakit kailangang naroon siya kapag nakipagkita ito kay Ethan.
Pigilan man ay kinabahan si Yanna sa mangyayari mamaya sa hotel. Mukhang hindi niya magugustuhan ang magiging takbo ng pangyayari kapag nagkaharap-harap sila.