Hindi namalayan ni Prie na tumigil na pala ang limo dahil sa dami ng iniisip niya. At nang buksan ni Dave ang pintuan niya, doon lang tila rumaragasang bumalik ang kanyang kaba na sandali niyang nakalimutan. ““Welcome to our little party,”” wika nito sa kanya. ““Let’s go.”” Dahil sa sinabi nitong ““little party,”” somehow, ang naenvision niya ay isang maliit na salo-salo lang at mga 30 or so guest. Ngunit ng i-lead siya nito paakyat ng isang wide staircase at patungo sa isang malaking ballroom hall, doon lang niya napagtanto na ibang-iba talaga ang meaning ng ““little party”” para sa mga private school kids. The ““little party”” was full of almost a hundred or so beautiful people in evening gowns and tuxedos. Para bang nakapasok siya sa isang pekila kung saan isang prom scene ang pinapal

