"This necklace is fake, Shey." Inilapag ni Papa Mateo ang kwintas na pinadala sa kanya ng killer sa lamesa. Kasalukuyan silang nasa loob ng opsina ng Papa Mateo niya na nasa basement. "No DNA from my sister. Hindi rin ito same materials from my necklace." anas ni Shey habang nakatingin sa kwintas. Malalim siyang napaisip. She knew something was wrong. Something was off. "These are replicas." tinignan ni Shey sa mata ang Papa Mateo niya. Kita niya ang matiim na tingin nito sa kanya. "It means, marami siyang pinadalang replicas to find me." Tumango ito. "Correct, Shey. You have a sharp mind like me." Binigay nito sa kanya ang ilang larawan na may kuha ng replicas ng necklace. Marami iyon, halos singkwentang replicas ang pinadalhan nito. "Pinadala ng killer ang lahat ng replicas na iy

