Chapter 3

1608 Words
Hindi alam ni Shey kung ilang beses siyang inangkin ng lalaki. Sa totoo lang hindi na din niya kinaya ang huling pag-angkin nito na naging dahilan kung bakit nawalan na siya ng ulirat. Naalimpungatan na lang siya nang makaramdam ng pagkauhaw kaya naman pinilit niyang idilat ang mga mata niya. Agad na bumungad kay Shey ang mukha ng lalaki na buong magdamag siyang inangkin nang walang kasawa-sawa. Tinitigan ni Shey ang lalaki na ngayon ay katabi pa niya at mahimbing na natutulog. Patag na ang paghinga nito, hindi katulad kanina na para bang nahihirapan nang husto. Hindi na naman niya napigilan ang sarili na haplusin ang matangos na ilong nito. His nose is like a firm ridge, giving his face a perfect structure. And his hair gave him an aura of effortless authority. And his long, curly and obsidian hair falling to his shoulders suited him perfectly. Nang lumipat ang tingin niya sa mga labi nito ay hindi maiwasan ni Shey na mapalunok ng ilang beses. Bagay na bagay dito ang magandang hubog ng labi nito na halos halikan ang buong katawan niya habang inaangkin siya nito. Awtomatikong namula ang pisngi ni Shey sa naisip. Hindi pa ba siya nakontento sa naging pag-angkin nito sa kanya? In her entire life, she never thought she’d do this. She never thought desire would push her to cross the line. Desire and lust. Alam ni Shey na iyon ang naging rason kung bakit binigay niya ang sarili niya sa lalaking kanina lang niya nakilala. Did she felt any regret? Hindi niya alam. Ngunit hindi naman siya hangal para itanggi na wala siyang pagsisisi na naramdamam habang binibigay niya nang paulit-ulit ang katawan niya dito. She sighed. Kailangan na niyang kumilos para umalis sa hotel lalo't madaling-araw na ng mga oras na iyon. Mag-aalala ang Papa niya at si Adrian sa kanya. Si Adrian o Addie ang isa sa nagpalaki sa kanya simula nang ampunin siya ng mga Villareal. Tiyak niyang nag-aalala na ang mga ito sa kanya kaya kailangan na niyang umalis. She groaned as she tried to get out of bed. Ramdam ni Shey ang sakit hindi lang ng buong katawan niya kundi pati ang pagkababa* niya. Feeling nga niya, nasa kaloob-looban pa din niya ang mahaba at malaking pagkalalak* nito kaya sigurado siyang namamaga ang pagkababa* niya. She needed a warm bath to ease the pain. Nang sa wakas ay makatayo siya ay agad niyang pinulot ang mga damit niya na nasa lapag. Napailing na lamang siya nang mapansin na halos hindi na niya iyon mapapakinabangan pa. Sobrang sira na ang blouse niya pati na din ang bra niya. Mabuti na lang ay hindi nasira ang underwear niya kaya agad niya iyong sinuot. Minabuti ni Shey na kunin ang black shirt at coat na naka-patong malapit sa vanity mirror at sinuot iyon. Doon na din niya nilagay ang baril niya para itago. Agad niyang binalingan ang lalaki na ngayon ay nakadapa pa din sa kama habang tulog na tulog at walang kahit na anomang saplot sa katawan. Mukhang katulad niya ay nakatulog na din ang lalaki pagkatapos siya nitong angkinin, at hindi na nag-abalang takpan pa ang kahubaran nito. Aamin man o hindi ni Shey, gusto niya ulit makita ito. Hindi na niya kailangan pang magpaka-impokrita para hindi aminin sa sarili na gusto pa niyang maranasan kung paano makulong sa mga bisig ng lalaki. She wanted to know him. Hindi naman siguro masama kung gustuhin man niyang makilala pa ito nang lubusan. Tutal, ito lang ang kauna-unahang lalaki na nagkapagparamdam sa kanya nang ganoong klaseng init. Marami itong ginising sa pagkatao niya na hindi niya akalain mararamdaman niya. Dahil sa buong buhay ni Shey, puro pag-aaral at pagsasanay lang naka-focus ang buhay niya. Gusto niyang maging isang ulirang pulis katulad ng Papa Mateo niya, at ni Addie isang pulis din kagaya ng Papa nito. "Hay, Shey." anas niya sa sarili. Naiiling na kinuha niya ang maliit na papel para ilagay ang pangalan niya at numero. When he woke up, he would surely find the note she left behind, along with her number. Sigurado si Shey sa sarili niya na tatawagan siya nito. Bago siya umalis ay muli niyang tinignan ang lalaki. Gusto muna ni Shey na titigan ang gwapong mukha nito. Kahit naman sa utak niya, tanda pa din niya kung gaano kagandang pakinggan sa pandinig niya ang baritonong tinig nito. Ano pa kaya kung bigkasin nito ang buong pangalan niya? Muli siyang napabuntong-hininga. Kailangan na niyang umalis para makauwi na siya ng bahay niya dahil sigurado siyang nanghihintay sa kanya ang Papa Mateo niya at si Addie. Wala pang sampung minuto ay nakasakay na siya sa taxi pauwi sa bahay nila. Eight years old pa lamang si Shey nang maulila siya sa pamilya niya. Ang parents niya at mga kapatid ay pinatay ng isang sikat na serial killer nang panahon na iyon. Kahit naman sa murang edad niya ay hindi niya kailanman makakalimutan ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Pinilit siyang tinago ng Mama Flor niya sa cabinet kaya hindi siya nakita ng serial killer. Nang makita niya noon ang mga pulis, kabilang doon ang Papa Mateo niya ay doon niya pinili na lumabas mula sa pinagtataguan. Ganoon na lang ang gulat sa mga mukha ng pulis na nasa bahay nila nang bigla siyang lumabas sa cabinet at tumakbo sa Mama Flor niya na nakahandusay sa lapag at wala ng buhay. Puro iyak at hagulgol lang ang nagawa niya ng mga oras na iyon lalo't nakita ng mga mata niya ang karumal-dumal na nangyari sa Mama Flor niya. Kaya naman agad siyang niyakap ng Papa Mateo niya para ilayo sa katawan ng Mama niya. Buong akala pa nga ni Shey ay sa bahay-ampunan na ang bagsak niya sapagkat walang kamag-anak ng mga magulang niya ang gustong kumuha sa kanya sa pag-aakala na kapag kinuha siya ng mga ito ay madadamay pa sila sa kamalasan niya o baka balikan siya ng serial killer. Mabuti na lang talaga ay may mabuting puso ang Papa Mateo niya. Nagawan nito nang paraan na maampon siya, hindi man legal ngunit parang anak na din ang turing sa kanya nito. May iniwan naman na pera at insurance ang pamilya niya sa kanya na makukuha niya nitong taon lang sapagkat nasa legal age na siya. "Shey!" Narinig niyang pagtawag sa kanya ni Addie na ngayon ay nagmamadaling binuksan ang pintuan ng bahay nila. Isa iyong malaking bahay sa exclusive subdivision na pagmamay-ari ng mga Villareal. Hindi lang kasi pagiging pulis ang hanapbuhay ng Papa Mateo niya, marami din itong mga negosyo. "What happened? Bakit ngayon ka lang?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Addie. Nang balingan niya ito ay bakas sa mukha ang pag-aalala sa kanya. Simula nang inampon siya ng mga Villareal, tumayong Kuya na niya si Addie. Bukod sa Papa niya, ito ang laging gumagabay at nag-aasikaso sa kanya. "Sorry, Addie." tugon ni Shey sa tanong nito. Marahan nitong hinawakan ang magkabilang braso niya. "May nangyari ba?" nag-aalala man ay malumanay pa din ang paraan nang pagtatanong nito sa kanya. Kailangan ba niyang sabihin kay Addie ang nangyari? Na binigay niya ang sarili niyang katawan sa isang lalaki na hindi man lang niya alam kung anong pangalan? Kung saan nakatira? Napalunok si Shey. Hindi niya pwedeng sabihin kay Addie ang nangayari dahil kilala niya ito, pagdating sa kanya ay over protective ito. Baka sumugod pa ito sa Eclipse Palace para harapan ang lalaki na buong gabi niya kaniig. Umiling siya. "Okay lang ako, Addie. N-nagkaayaan lang ang barkada." anas niya sabay iwas ng tingin dito. Hindi siya sanay ma hindi nagsasabi ng totoo dito. Para na din niyang kapatid si Addie. Hindi na nagsalita si Addie ngunit pagkatitigan nito ang mukha niya. Halata na inaarok nito kung nagsasabi ba talaga siya nang totoo. Mayamaya ay narinig niya na napabuntong hininga ito. Muling pinisil ni Addie ang braso niya. "Next time, magpapaalam ka sa akin kapag uuwi ka ng late. Nag-alala ako sa'yo, Shey." seryosong turan nito sa kanya. "Alam mo naman na pwede kitang sunduin kahit saan pa kayo pumunta. You can always call me. Kasama mo ba sina Gemma?" Tukoy nito sa naging kaibigan niya ng College. Hindi na lang sinagot ni Shey ang tanong nito kung kasama niya si Gemma. Doon muling binalingan ni Shey ang mukha ni Addie. Gwapo si Addie, neat tignan ang buhok nito marahil ay dahil isa itong Lieutenant sa PDEA. Matangkad ito sa height na six feet at may magandang pangangatawan. Sa totoo lang ay maraming babae ang naghahabol dito. Iyon nga lang ay hanggang ngayon ay wala itong napupusuan na maging kasintahan. Matanda si Addie sa kanya ng sampung taon kaya Kuya na talaga ang turing niya dito. "Sorry, Addie. H-Hindi ko naisip na tawagan ka. Saka na lowbat ang cellphone ko." Another lies. Hinalikan ni Shey sa pisngi si Addie at nagpaalam dito. "Good night." aniya saka nagmamadaling iniwan ito para pumunta sa kwarto niya. Kailangan niyang tumakas mula sa mga tanong ni Addie, kilala niya ito. Hindi siya nito titigilan sa kakatanong sa kanya hangga't hindi siya ang sasabi ng totoo. Alam ni Shey na nakatutok pa din ang mga tingin nito sa likod niya. Pagkapasok niya sa kwarto niya ay agad niya iyon sinara at ni-lock saka nanghihina napa-upo siya sa sahig. Tinignan niya ang kamay niya na ngayon ay parang nanginginig pa din. Would he even call her after he woke up? And if he didn’t—what then? Napailing-iling si Shey. Saka na lang siguro niya iisipin ang bagay na iyon. Ang kailangna niya ngayon ay magpahinga at matulog. Ngunit kahit nakapikit siya, ang gwapong mukha nito ang nakikita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD