Steadier. Shey has been steadier since the killer sent her the necklace. The fear didn’t vanish — it focused her. Kanina nang ma-receive niya ang kwintas ng Ate Shannon niya ay halos mayanig ang pagkatao niya. Alam niyang sinadya iyon ng killer para manginig ang pagkatao niya. Mula sa pagkakaupo mula sa garden niya ay tumayo si Shey para mas namnamin ang lamig ng hangin. Gabi na ng mga oras na iyon, tulog na din si Lumi. Pero ngayon, nakahinga na siya nang mas maayos. Hindi na nanginginig ang mga kamay niya. Kanina nang medyo kumalma na siya ay agad siyang bumaba para kayapin ang anak niya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya ngunit hindi naman na ito nag-usisa sa kanya. Matalinong bata si Lumi. And someday, kapag handa na ang isip at puso ng anak niya ay sasabihin niya ang

